Chapter 29 Confusing Moment

1.8K 38 2
                                    

Kinabukasan ay maaga akong pumasok sa trabaho at ipinagtapat kay Leah ang lahat. Mula sa nasaksihan ko sa VVIP room hanggang sa narinig ko kagabi habang kausap ko si Lance.

"Farah, ipinapatawag ka ni sir Darwin sa office niya," tawag-pansin sa akin ni Shiela habang nililinisan ang lamesang katatapos lang iwan ng mga customer kanina. Ngumiti at tumango ako sa kaniya.

"Sige, sige, tapusin ko lang ito," sagot ko. Pero nagulat ako nang biglang may lumapit sa likuran ko – si Leah.

"Ako na ang magtutuloy nito. Sige na puntahan mo na at mukhang bad mood. Saka ikaw, ha, hindi mo sinabi sa aking magkapatid pala sila ng ex mo!" pabulong na sumbat niya pagkatapos magpresentang siya na lang ang magtutuloy ng ginagawa ko.

"Sorry, nakalimutan ko. Sige na, 'puntahan ko lang," pabalewalang sagot ko. Napanguso lang ito at kinuha sa mga kamay ko ang basahan at sanitizing spray.

Huminga ako ng malalim, pagkatapos ay kumatok sa opisina ni Darwin.

"Come in,"

Pinihit ko na ang seradura nang marinig ang pagtawag niya. Tipid ang ngiting lumakad ako papalapit sa lamesa niya.

"Good morning," bati ko. Pero seryoso ang mukha niya kaya kinabahan ako. "May kailangan ka ba sa akin?" pahabol na tanong ko, pagkatapos niya akong sabihang maupo.

"Well, it has nothing to do with your work. I want to ask you something personal," saad niya. Napakunot ang noo kong tumitig sa kaniya. Isang bagay ang napansin ko ngayon lang, pareho pala sila ni Lance ng mga mata. Mas makapal nga lang iyong kilay at mga pilikmata ni Lance.

"I was honestly a bit shocked when you said you already broke up with my brother. Pero mas nabigla ako sa nalaman ko kahapon. I believe you've already met Hailey Galleger yesterday. Ikaw ang nag-serve sa kanila bago ka tumakas," medyo naaliw ang itsura niya nang banggitin ang huli niyang pangungusap. Biglang nanuyo ang lalamunan ko at naumid na naman ang dila ko. Sariwain ba naman ang ma-delubyong araw sa buhay ko?

"Yes. At hindi ako tumakas kahapon. Sumama ang pakiramdam ko kaya maaga akong nag-out. Nagpaalam naman ako sa manager," pangangatuwiran ko. Pero lalo lang siyang napangisi sa sagot ko.

"Maybe I understand. You saw your ex with the love of his life! Ako man siguro ay sasama ang pakiramdam," pahayag niya. Pero nanlaki ang mga mata ko at napaawang ang mga labi ko sa sinabi niya. Ano raw?

"Ano'ng ibig mong sabihin?" bahagyang naginig ang boses ko at ang pamilyar na kirot sa puso ko ay muli na namang nagpaparamdam.

"Well, Hailey Galleger is my brother's childhood sweetheart. They were bestfriends since primary grades and became a couple at the end of their high school years. Baliw na baliw iyang si kuya kay ate Hailey noon. Kuya Lance was an introvert, an extreme one, at sa palagay ko ay nasabi na niya siguro sa iyo kung bakit," bahagya akong tumango. Because of his mother! "Actually, mas matanda ng dalawang taon si ate Hailey kay kuya kaya parang siya na ang lahat-lahat kay kuya Lance noon. Bestfriend, ate, nanay at girlfriend. Everything! But ate Hailey only looked at him as a younger brother. Pero malaking bulas si kuya kahit noon pa lang at siyempre guwapo, kaya sa huli hindi na rin niya natanggihan ang lahat. They were each other's first, you know. I mean, they took each other's virginity and enjoyed doing it a lot at their age. But ate Hailey wanted to study abroad and become a model. Nagmakaawa si kuya na huwag siyang iwan pero hindi siya pinagbigyan ni Hailey. The rest is history, until Kuya Lance met you and became his girlfriend. But you broke up and they ended up being together again," he narrated exactly everything like a storyteller enjoying his job. Ang hindi niya alam habang nakikinig ako sa kaniya ay nagtatagis ang mga ngipin ko para pigilan ang maiyak sa harap niya.

Riot Men Series #21: DESIRED BY THE BILLIONAIRE HEIRWhere stories live. Discover now