Chapter 27 Her Suffering

1.9K 32 0
                                    


    It took me a few good minutes to process what's happening, right now. So, ang bagong may-ari ng restaurant na ito ay walang iba kung hindi si Darwin Dominguez?

"Farah! What a pleasant surprise!" he beamed and stood from his swivel chair. "Leah, puwede mo na kaming iwan at bumalik ka na sa puwesto mo," baling niya sa kaibigan ko. Isang tipid na ngiti ang ibinigay ko sa kaniya.

"Okay, sir," sagot niya. "Good luck, Frenny!" bulong pa niya sa akin bago lumabas.

"So, bakit mo gustong magtrabaho sa restaurant ko?" naaaliw na tanong niya. Dahil mukha namang masaya ang awra niya kahit paano ay nabawasan iyong kaba ko kanina.

"Dati na rin kasi akong namamasukan dito. Na-miss ko lang magtabaho ulit," sagot ko. Tumaas ang kilay niya at bahagyang kumunot ang noo.

"Pumayag si kuya Lance na magtrabaho ka?" doon ako natigilan. At parang biglang-bigla ay nagtago ang dila ko. Naglumikot ang mga mata ko upang mag-iwas ng tingin sa kaniya.

"Hindi niya alam, at wala rin naman siyang pakialam kung sakali," sa wakas ay nasabi ko. Lalong lumalim ang linya sa noo niya.

"I don't believe you. Kilala ko si kuya, once he owned something or someone, he won't ever let go. I mean, you're his girlfriend, right? At sigurado akong hindi siya papayag na maging tauhan ko lang ang girlfriend niya," natatawang sabi pa nito. Napabuntong-hininga ako at mariing napapikit. Parang bigla ay gusto ko nang umatras at maghanap na lang ng ibang papasukan. Pero sa huli ay napagpasiyahan kong sabihin na lang ang totoo. Useless din naman kung itatago ko pa. Sooner or later malalaman din naman niya dahil nga magkapatid sila.

"Wala na kami," mahinang usal ko. Doon nagbago ang ekspresyon ng mukha niya. Ngayon ay hindi ko na mabasa ang emosyong naroon.

"Well, then, there will be no problem! Would you like to start today?" maya-maya ay biglang tanong niya. Hindi ko rin iyon inasahan pero napangiti ako at tumango.

"Okay, sir!" nakangiting sagot ko. Hindi ko lang maitago ang galak ko kasi akala ko hindi niya ako tatanggapin.

"Just call me, Darwin. Ngayong wala na kayo ni kuya, ibig sabihin ba niyan puwede ka nang makipag-date? Kasi nga single ka na ulit," pilyong tanong niya. Natawa naman ako at medyo naasiwa.

"Iyong pag-aaral ko at itong trabaho na lang muna ang aatupagin ko. Mas tahimik pa ang buhay ko kapag gano'n," pabirong sagot ko naman. Pero deep inside, totoo iyon. Paano naman ako makikipagrelasyon sa iba kung iisa lang naman ang laman ng puso ko? Ano'ng akala niya, iyong pagmamahal ay parang bula lang na bigla na lang nawawala? Saka kahit siguro hindi ko na mahal si Lance ay hindi pa rin muna ako makikipagrelasyon.

"We'll see about that. Kung wala ka ng itatanong puwede ka nang magsimula. Dati ka naman na rito, so I think there's no need for training and further instructions," sabi niya.

"Wala bang nabago sa mga rules? I mean iyong oras ng pagpasok at pag-uwi, iyong wearing of uniform, etcetera, gano'n pa rin ba?" tanong ko. Mabuti nang sigurado at siyempre bagong management baka may mga nabago rin na patakaran.

"For now, aside from the pay hike, wala pa naman," sagot niya. Pero nanlaki ang mga mata ko sa sinabi niya.

"Tumaas ang suweldo? Kasali na rin ba ako riyan kung sakali?" hindi ko naipigilang itanong. Bigla akong na-excite na tumaas daw ang sahod. Natawa siya ng kaunti sa itsura ko habang nagtatanong.

"Of course! I will have my secretary print a contract so that you can sign it later," dagdag pa niya. Muling lumapad ang ngiti ko at masayang nagpaalam.

Paglabas ko ng opisina ay nakangiti akong sinalubong ni Leah. Dahil halata naman sa mukha ko na good news ang dala ko, binati na niya ako agad.

"Wow! Magkakasama na ulit tayo sa trabaho! Sige na magbihis ka na ng uniform kasi maya-maya dadami na ang mga tao," susog niya sa akin. Natawa na lang ako at nagpasalamat saka pinuntahan ang locker room para makapagbihis. Halos wala pang limang minuto ay nakapagbihis at nakapag-ayos na ako. Isang malalim na buntong- hininga at masayang ngiti ang baon ko paglabas ng silid na iyon.

Riot Men Series #21: DESIRED BY THE BILLIONAIRE HEIRWhere stories live. Discover now