Chapter 24 Discovered Truth

2.1K 35 0
                                    


Lance's POV

I was so devastated when Farah mentioned about my mom. I found her too insensitive for even mentioning her like that. Alam niyang masakit sa akin ang mabanggit ang mama ko pero ginawa niya pa rin. I was so jealous and anxious when she told me that she is with that fucking Terrence. Pero hindi niya ako naiintindihan at sa halip ay mas gusto pa niyang ipagtanggol ang lalaking iyon.

Nang makauwi kami ay hindi ko siya kinakausap. Kahit noong mag-sorry siya ay sapat na iyon para mapawi ang sama ng loob ko pero nasasaktan pa rin ako. Sa tuwing maaalala kong ipinagtanggol niya ang lalaking iyon at kinailangan pang banggitin niya ang mama ko ay talagang nagpagalit ito sa akin.

"Make sure to cook food for her. Tulog pa siya ngayon at siguradong gutom na iyon paggising niya. I will be out so I might not be able to make it on time for dinner," bilin ko sa mga maids bago umalis.

Dumiretso ako sa opisina dahil may mga naiwan akong dokumentong kailangang pirmahan dahil sa biglaang pag-alis ko kanina para lang mapuntahan si Farah. Natapos ako halos mag-aalas otso na ng gabi. Ilang beses akong nagtangkang tawagan si Farah at kumustahin siya pero nanaig pa rin sa akin ang pride ko. I will just talk to her when I got home. Tumayo na ako at naghanda sa pag-uwi nang makatanggap ng tawag mula kay Angeli.

"Hey, what's up?" tanong ko nang sagutin ang tawag nito. Pasakay na ako sa elevator noon at nasa isang kamay ko ang coat ko.

"Lance, have you forgotten the date today? It's my birthday! I sent you an invitation remember?" Fuck! I already forgot that one.

"I'm sorry. Nasa trabaho pa lang ako, papunta na ako riyan. Saan ba ang party?" pagsisinungaling ko. Maybe I need to drink a bit to clear my head.

"At my house, of course! I will wait for you, okay?" malambing na sabi niya. Natawa na lang ako at tumango. Angeli was my friend since college days. Kaya ayaw ko namang magtampo siya kung hindi ako sisipot sa birthday celebration niya.

"I'm on my way. Sige na," I heard her giggle with my reply. Pinauwi ko na ang driver ko at ako na lang ang nag-drive papunta sa bahay ni Angeli.

But I was confused when I arrived at a quiet house. Where the hell is the party?

"Hi! I'm glad you made it!" salubong sa akin ni Angeli nang marating ko ang main door.

"This is too quiet for a party!" I commented.

"Well, I only invited very few since my family is in the states. Nasa likod sila, sa may pool," paliwanang niya. I handed her my gift. Actually, naipabili ko na iyan noon pa at nakalagay lang sa trunk ng sasakyan ko. But I totally forgot about the date, mabuti na lang. Sa susunod I will make it a habit na bumili na agad ng regalo para kahit makalimutan ko iyong mismong araw, hindi ako mahahalata.

Some of our common friends were already partying in the pool. May ilang magkapareha naman ang naghahalikan sa isang banda, may mga kumakain at ang ilan ay nanonood sa mga naglalaro at nag-iinuman sa tubig. They all greeted me when they saw me.

"Kumain ka muna bago ka uminom!" reklamo ni Angeli nang abutin ko ang kopita ng alak na iniabot sa akin ng isang waiter. Nakangising umiling ako sa kaniya pero nilagok ko pa rin ang hawak na alak bago siya sinundan sa buffet table.

"Hintayin mo na lang ako doon sa isang mesa," itinuro niya ang sinasabi na sinundan ko naman ng tingin. "Ako na'ng bahalang kumuha ng pagkain mo. I know you're tired from work," masayang-masaya ang ngiti niya habang nakatingin sa akin. Maybe she's so happy because it's her birthday.

Riot Men Series #21: DESIRED BY THE BILLIONAIRE HEIRWhere stories live. Discover now