Chapter 31 Surprising Moment

2K 42 4
                                    

Dahan-dahan ko siyang hinarap ngunit hindi man lang lumuwag ang pagkakayakap niya sa baywang ko kaya halos ilang pulagada na lang ang layo ng mukha niya sa mukha ko.

"Ano'ng ginagawa mo?" mahina ngunit gigil kong tanong sa kaniya. Naiinis ako sa ginagawa niya sa akin. Kung sa akala niya ay makakalimutan ko ang pakikipaghalikan niya noong isang araw ay nagkakamali siya!

"Why? I'm just greeting my girlfriend," simpleng tugon niya at sumilay pa ang mumunting ngiti sa mga labi niya. Biglang-bigla ay lalong tumataas ang tensyon sa katawan ko dahil sa pagkakadikit ng mga katawan namin. Nagpupumilit akong makawala sa kaniya pero lalo lang humigpit ang braso niyang nasa baywang ko.

"Ex-girlfiend," pagtatama ko. Pero agad siyang umiling.

"I'm so sorry. I was just mad and jealous that time, but I realized I don't want to let you go. I couldn't do it even if I tried many times!" he stated. I rolled my eyes and wanted to laugh at him.

"After mong makipaghalikan sa harap ko, may lakas ka pa ng loob na sabihin iyan?" angil ko. Kung akala niya madadaan niya ako sa sweet talk niya, puwes nagkakamali siya! Ang sakit-sakit kaya no'n at parang pinatay ang puso ko.

"Sinadya ko lang iyon para pagselosin ka. Pero mukhang wala namang epekto sa iyo," may halong pagtatampo na sagot niya kaya wala sa sariling napatitig ako sa kaniya. He's staring intensely back at me and in the end, I was the one who gave up first. Hindi ko kayang salubungin ng matagal ang mga titig niya nang hindi nanlalambot ang mga tuhod ko. Gusto lang niya akong pagselosin? Eh, ano iyong sinabi ni Darwin?

"Sinunganling! Ipinagtapat na sa akin ni Darwin ang lahat kaya tigilan mo na ako riyan sa mga panloloko mo!" sabi ko. Pilit kong inaalis ang braso niya sa katawan ko pero para iyong bakal at lalo lang akong nadidikit sa kaniya. Medyo nahihiya na nga ako sa puwesto naming dalawa ngayon.

"Pare, bitawan mo na siya! Mukhang hindi na siya kumportable," kinabahan ako nang marinig ang boses ni Terrence habang pinagsasabihan si Lance. Mula sa akin ay bumaling ang paningin ni Lance sa likuran ko at matalim itong tinitigan.

"Stay out of this and mind your own business!" he snapped at him angrily.

"Come on, Lance! Don't be too childish. May iba ka ng girlfriend tapos gusto mo pang bumingwit ng reserba? Aba, matindi!" nang-iinsultong banat ni Terrence. Namula sa galit ang mukha niya at mariing nagtiim ang bagang niya. Kinabahan ako nang akmang susugurin niya si Terrence kaya napayakap ako sa kaniya para pigilin siya. Agad naman siyang napatingin sa akin.

"Ipinagtatanggol mo na naman ba ang lalaking iyan?" delikadong tanong niya sa akin. Pinaningkitan ko siya ng mga mata at saka buong lakas na kinalas ang braso niyang nakapulupot sa katawan ko.

"Look, Lance, bumalik ka na roon sa totoong girlfriend mo at tigilan mo na ang panggugulo sa akin! Alam ko na ang lahat ng tungkol sa inyo ni Hailey kaya hindi mo na mabibilog nag ulo ko!" galit na panunumbat ko sa kaniya. Pigil na pigil ko ang sariling mapasigaw sa sama ng loob dahil marami nang mga bisita at malapit na ring magsimula ang programa.

"Hindi ko nga siya girlfriend! Ano ba'ng sinabi sa iyo ni Darwin? Maybe you just misinterpreted him. Alright, I am very sorry if I kissed her back just to make you jealous. I'm sorry, okay? But she's not my girlfriend and she will never be because it's you that I wanted!" he stated with firm determination in his eyes. Natulala ako sa mga sinabi niya at aaminin kong bahagyang nayanig ang mundo ko roon. Pero malinaw ang mga nalaman ko. Si Hailey lang ang babaeng mahal niya mula pa noon at nakita ko rin kung paano niya ito tingnan noon sa restaurant.

"Stop lying to me, Lance! Ano ba'ng trip mo at gustong-gusto mong nahihirapan ako? Natutuwa ka bang nakikita akong nasasaktan? Kaligayahan mo ba talagang pahi–"

Riot Men Series #21: DESIRED BY THE BILLIONAIRE HEIRWhere stories live. Discover now