FINAL CHAPTER Part 1

2.7K 38 0
                                    

"Ha? Bakit? May nangyari ba sa kanila?" nahihintakutang tanong ko. Bigla kasi akong kinabahan sa ibinalita niya sa akin.

"Nagsiguro lang ako dahil alam ko kung gaano na kadesperado si Darwin na mahanap ka. At alam kong ikaw ang gagamitin niya para mapasunod ako sa anumang iba pang binabalak niya. Kaya inunahan ko na siya bago pa niya maidamay ang pamilya mo. Kahit ang mga kaibigan mo ay pinababantayan ko na rin. Konting-konti na lang ay mahuhuli na rin namin ang hayop na iyon!" asar na tukoy ni Lance kay Darwin. Nakahinga naman ako nang maluwag dahil doon.

"Salamat Lance. Salamat at hindi mo sila pinabayaan."

"Wala kang dapat ipagpasalamat. Ako pa nga ang dapat humingi ng dispensa dahil nadadamay kayo sa gulo ng pamilya ko," may lungkot niyang sabi.

"Hindi ka nag-iisa, Lance. Nandito lang ako. Haharapin natin nang magkasama ang lahat ng problema," sinserong sambit ko sa kaniya.

"Hirap ka ba sa paglilihi? Oh, kaya ay may mga gusto ka bang kainin o iyong mga cravings, gano'n?" pag-iiba niya sa usapan. Napangiti tuloy ako pero bigla ring sumimangot.

"Hindi na ako nakakaramdam ng paglilihi ngayon. Kasi noong mga panahong may mga morning sickness ako, o kaya may gusto akong kainin, hindi ko naman napapansin masiyado. Kasi nakatutok lang ako sa pagbabantay at pag-aalaga sa iyo. Sobra akong nag-alala sa iyo akala mo lang. Huminto na nga rin ako sa pag-aaral kasi gusto ko ay ako ang personal na mag-aasikaso sa iyo araw-araw. Pero paggising mo, may ibang babae ka namang hinahanap," nagtatampong tugon ko. Dapat joke lang iyon pero itong mga mata ko ayaw makisama. Bigla na lang naglalabas ng luha.

"Sorry na. kung hindi ko iyon ginawa, siguradong napasakamay ka na ni Darwin ngayon. Handa akong gawin ang lahat para sa iyo, Farah. Alam ko nasaktan kita. At alam kong nahirapan ka at ang baby natin dahil sa akin. Pero pangako, huli na iyon. Pagkatapos ng lahat ng ito ay hinding-hindi ka na ulit mahihirapan o masasaktan ng dahil sa akin," masuyong sambit niya. Ikunulong niya ang mukha ko sa mga palad niya saka ako hinalikan ng banayad.

"Mahal na mahal kita, Lance. Kahit minsan ang hirap at ang sakit mong mahalin, hindi pa rin mapigilan ng puso kong laging maghanap sa iyo. Minsan, kahit parang ang tanga ko na, nagagawa ko pa rin dahil laging may hibla ng pag-asang gustong-gusto kong panghawakan," lumuluhang saad ko.

Muli niya akong hinalikan at saka mariing pumikit habang magkadugtong ang mga noo namin.

"Kulang ang salitang mahal kita, para mailarawan ang nararamdaman ko sa iyo. Wala pa akong minahal nang ganito sa buong buhay ko. Ikaw lang. Ngayon, habang nakatingin ako sa mga mata mo at nahahawakan kita ng ganito, lalo ko lang napapatunayang hindi ko kayang mabuhay ng wala ka. I am yours, and my life is yours. I love you even beyond what love truly means, Farah Jimenez. My future Mrs. Lance Dominguez," buong pagmamahal niyang pahayag na lalong nagpaiyak sa akin.

"Ano iyong huling sinabi mo?" natatawang tanong ko habang patuloy sa pag-iyak. Para na nga akong tanga, tumatawang umiiyak! Pero gano'n naman talaga. Pagdating sa pag-ibig walang sukatan at hangganan ang kaya mong gawin para sa taong mahal mo.

"My future wife – Mrs. Farah Jimenez Dominguez. Sa iyo ko lang ibibigay ang apelyedo ko at wala ng iba pa!" hanggang ngayon ay seryoso pa rin ang mukha niya habang nagsasalita. Kaya sa sobrang saya ko ay ako na mismo ang humalik sa kaniya. I dominated him like an empowered woman that is bound by eternally unconditional love.

Dahil nakakandong ako sa kaniya ay naramdaman ko agad ang pagtigas niya. Napangiti ako at lalong pinag-igihan ang paghalik sa kaniya na sinabayan ko nang paggalaw sa ibabaw niya.

"Fuck!" ilang beses siyang napamura habang nagsasalo kami sa mapusok na halik dahil lalo siyang lumalaki sa bawat paggiling ko sa ibabaw niya.

Riot Men Series #21: DESIRED BY THE BILLIONAIRE HEIRWhere stories live. Discover now