FINAL CHAPTER PART 2

3.8K 70 11
                                    

"Akala mo ba talaga mauuto mo ako? Ang buong bahay na ito ay napalilibutan ng bomba. Hanggang sa buong bakuran. Kaya iyang mga gagong tauhan mong nasa paligid ay kasabay nating mawawasak ngayong gabi. Hindi ako papayag na maging masaya kang gago ka habang ako naman ay nagdurusa! Sabay tayong tutungo sa impyerno!" malakas na sigaw niya at saka pinindot ang button ng remote control na hawak niya.

Natulos ako sa kinatatayuan at parang nag-slow motion ang lahat ng nasa paligid. Sa lakas ng tibok ng puso ko ay dinig na dinig ko na ang tunog nito. Bago ko pa man mapigilan si Darwin ay napindot na niya ang detonator nang sinasabi niyang mga bomba. Wala na akong nagawa pa sa gitna nang matinding pagkagimbal kung hindi ang pumikit at hintayin ang naghihintay kong katapusan. Ilang beses kong hiniling sa Diyos na huwag sanang dito matapos ang buhay ko dahil kailangan ko pang bumawi kay Farah. Kailangan niya ako at nang magiging anak namin. Pero huli na, dahil hindi ko inakalang aabot sa ganito ang kasukdulan ng kasamaan ni Darwin.

Ngunit imbes na malakas na pagsabog ay isang malakas na putok ng baril ang narinig ko. Mabilis akong napadilat at biglang yumuko at halos mapaluhod. Nasundan pa ng dalawang putok iyon kaya agad akong dumapa habang tinatakpan ang sariling ulo. Ngunit pagkatapos niyon ay wala na akong ibang narinig maliban sa mga daing ni Darwin.

Dahan-dahan akong tumayo at tiningnan si Darwin. Halos mapasinghap ako nang makitang sugatan ang kamay niya at nagkalat ang ilang daliri niya sa sahig. May tama rin siya sa balikat at sa kanang paa kaya hindi na siya makatayo ngayon. Lalapitan ko pa lang sana siya nang biglang bumukas ang pintuan.

"Boss, halika na! Three minutes na lang sasabog na itong buong bahay. Kailangan na nating umalis, ngayon na!" nagmamadaling yaya sa akin ni Amado na agad nakalapit sa tabi ko at ngayon ay hinihila ang kamay ko palabas.

"Teka, paano si Darwin?" hindi ko alam kung bakit, pero mas gusto ko sanang magdusa siya ng mahabang panahon kaysa mamatay lang dito.

"Wala na tayong oras, boss, halina kayo! Kagagawan niya ang paglalagay ng mga bomba rito at hindi na natin kasalanang siya mismo ang magdadala sa sarili niyang kapahamakan!"

Nasa labas na kami ngayon ng bahay habang sinasabi iyon ni Amado. Pero dahil mas lumalakas ang sigaw ng mga tauhan kong nasa labas ng bakuran ay binilisan pa namin ang pagtakbo.

Eksaktong narating namin ang gate ay ginulantang kami ng malakas na pagsabog. Dahil sa sobrang lakas ng impact niyon ay tumilapon kami ni Amado sa malayong bahagi. Tumama sa isang puno ang gilid ng ulo ko na nagkaroon ng sugat at ngayon nga ay nagdurugo na. Si Amado ay wala namang tinamong pinsala.

Halos magdoble ang paningin ko sa biglaang pagkahilo habang pinapanood ang mga tauhan kong tumatakbo papalapit sa kinaroroonan ko.

"Boss, may sugat ka!" puna agad ng isa. Tumango lamang ako habang inaalalayan nila akong makatayo.

"Boss, ayos ka lang?" hinihingal na tanong ni Amado nang ganap na ring makalapit sa amin. Bakas ang matinding pag-aalala sa mukha niya.

"Okay lang, ako. Saka, wala ito, maliit na sugat lang," pabalewalang sagot ko. "Paanong hindi kaagad sumabog ang bomba gayung kitang-kita ko noong pindutin ni Darwin ang detonator?" naalala kong tanungin habang patuloy pa rin ang pagkahilong nararamdaman ko. Medyo nanlalabo na nga rin ang aking paningin.

"Kaninang umaga lang namin aksidenteng nalaman, boss," sagot naman ni Dencio. Isa siya sa mga bomb experts sa grupo ko.

"Paano?" kunot-noong tanong ko.

"Habang nagmamanman kami kaninang madaling araw ay may paulit-ulit na binabalikan at tinatahulan iyong aso. Sa tuwing babalik ito ay naghuhukay sa bandang tinatahulan niya. May duda na ako, kaya noong lumabas si Darwin ay pinuntahan namin agad ang lugar. Doon namin nakita iyong mga mamahalin at malalakas na uri ng bomba. Agad kong tinawagan si Amado para dalhin dito iyong mga hound mo boss. At wala pang sampung minuto, nahanap na nila agad ang lahat ng bombang nasa paligid ng bakuran!" mahabang pagsasalaysay ni Dencio. Ilang beses pa siyang napatingin sa mga kasamahan habang nagsasalita.

Riot Men Series #21: DESIRED BY THE BILLIONAIRE HEIROù les histoires vivent. Découvrez maintenant