Simula

223 7 2
                                    

Simula.

Nagising ako sa malakas na tunog ng alarm na nagmumula sa cellphone ko. Agad ko iyon pinatay dahil baka magising sila Mama. Katabi ko sa pagtulog ang bunso naming kapatid, bahagya itong gumalaw kaya naitikom ko ang aking bibig upang hindi makagawa ng ingay.

Dahan-dahan akong bumaba sa hinihigaan na kama at lumapit sa kabinet, kinuha ko ang fudgee bar na itinago ko kanina. Kinuha ko rin ang posporo at naglakad patungo sa may bintana.

Nang mapadaan sa aparador na malapit sa kama namin ni bunso ay kinuha ko ang aking cellphone at sinipat ang oras.

It's 11:50 pm.

I sighed. Masama man ang loob ay tumitig ako sa langit, pinagmamasdan ang mga bituin na labis ang mga kislap. Sa liwanag ng buwan ay kitang-kita ko ang tahimik na paligid. Madilim oo, pero dahil sa buwan ay lumiliwanag ito. Nasisilawan nito ang malungkot kong mukha kaya imbes na sumimangot ay ngumiti ako.

I smiled while looking at the sky. Nanlaki ang mga mata ko. Oh my gosh! I saw a shooting star. Mabilis akong pumikit at pinagsaklop ang mga palad.

I wish I have someone na malalapitan sa mga araw na hindi ko kinakaya ang mga nangyayari. Please, God. Give me someone who'll understand me. Who's willing to protect me on my family. Who's willing to loved me, forever.

Pagmulat ay sa buwan kaagad ako nakatingin. I smiled as my tears started to fall. Mabilis kong pinalis iyon at tinignan muli ang oras sa aking cellphone. It's already 11:58.

2 minutes to go...

Kumuha ako ng palito at inilagay ito sa ibabaw ng fudgee bar. Sinindihan ko ito bago pumikit para sa isang kahilingan.

I wish, this year would be better...

I opened my eyes para makita ang mabilis nang maupos na ilaw. I blow the mini candle as I whispered...

"Happy birthday, self..."

The Unwanted [Under Editing]Where stories live. Discover now