Kabanata 17

44 3 0
                                    

Kabanata 17: Boyfriend

Pag-uwi ko sa bahay ay gulat lang ang naging reaksyon ko. Nangangatog ang tuhod ko habang nakatingin sa lalaking katabi ni Ate Giselle. Nasa lamesa sila at kumakain kasama sila Mama at Shine.

Ano'ng ginagawa ng lalaking 'yan dito sa bahay?

Habang abala sila sa pagkain ay humakbang ako. Hindi nila ako napapansin dahil sa kausap ni Mama ang lalaki. Ang lalaking nagtangkang manggahasa sa'kin.

Lumalakas ang kabog ng dibdib ko at pinanggiliran ng luha. Hindi ko kinakaya ang mukha ng lalaking katabi ni Ate.

"Oh, sumabay kana sa'min." Napansin ako ni Mama na kanina pa ako nakatayo sa may bukana ng pintuan.

I cleared my throat. "Aakyat na po ako."

Hindi pa man siya nakaka pagsalita ay lumapit na ako sa may hagdanan para lang mapatigil ulit dahil sa paghampas ni Mama sa lamesa. Napaigtad ako dahil do'n.

"May bisita Cianelle, 'wag kang bastos!" Mariing aniya. "Sumabay ka. Habang nakakapagtimpi pa ako."

Ayaw ko naman na magalit na naman sa'kin si Mama kaya wala akong nagawa kun'di lumapit sa hapag at naupo katabi si Shine.

"Kain ka na po, Ate. Nasaktuhan po siya ng ulan kaya dito muna pinakain ni Mama. Mabait po si Kuya Gab, Ate! Nakipaglaro siya sa'kin habang gumagawa sila ng project ni Ate Giselle." Mahabang kwento niya.

Mabait...

Paanong naging mabait ang siraulong iyan?

Napakurot ako sa daliri bago tumango-tango kay Shine. Hindi ako makatingin ng maayos sa lamesa dahil alam kong nakatingin sa'kin ang lalaki. Ramdam na ramdam ko ang presensya niya lalo na ni Ate na alam kong masama ang tingin sa'kin.

Tahimik kaming kumain at nang matapos ay mabilis kong hinugasan ang mga platong pinagkainan.

Narinig kong dito nalang daw muna patutulugin ang classmate ni Ate dahil umulan na naman. This time ay malakas na, hindi na talaga siya makakauwi.

Agad akong umakyat ng hagdan pagkatapos. Pagpasok ko sa kwarto ay natutulog na si Shine. Ini-lock ko ang pinto bago tumabi sa pagkakahiga kay Shine.

Mariin ang titig ko sa pintuan. Natatakot ako... Natatakot akong baka bigla na lang itong bumukas at iluwa ang taong kinamumuhian ko. Ang classmate ni Ate... Ang classmate ni Ate na nagtangkang manggahasa sa akin.

Unti-unting tumulo ang luha ko. Hindi ko napigilan dahil sa bigat sa dibdib. I covered my mouth to stop from sobbing. Ayokong magising si Shine at makitang ganito ang itsura ko.

Halos hindi ako nakatulog dahil sa kakatitig sa pinto ng kwarto namin ni Shine. Lumapit ako sa aparador at kinuha ang susi sa bulsa ng bag ko. Ito yung susi na binigay sa'kin ni Shine na regalo niya no'ng kaarawan ko.

Nailusot ko na ang susi at akmang paiikutin nang makarinig ako ng yabag. As usual, laging nauudlot kapag tinatangka kong buksan ang aparador na ito. Kung anong laman ay hindi ko alam.

Lumapit ako sa pinto at pinagbuksan ang kung sino mang kumatok.

"Umuwi na ang boyfriend ng Ate mo. Maligo ka na at isama mo na lang si Sunshine sayo papuntang eskwelahan." Ani Mama. Umalis rin siya agad pagkatapos no'n.

Boyfriend? Ang akala mo ay mag-classmate lang sila ni Ate? Nagkamali yata ako. Mukhang pinakilala na ni Ate ang boyfriend niyang si Gab kay Mama.

Parang mas lalo yata wala akong karapatan na sumabatan ang siraulong 'yon, lalo pa't boyfriend siya ni Ate.

Napabuntong-hininga ako. Nakahinga ako ng maluwag dahil sa sinabi ni Mama. At least ay hindi ko na makikita ang pagmumukha no'n.

Ginising ko si Shine at pinaligo na rin. Pagkatapos ay nagpaalam kami kay Mama na papasok na. Mabilis lang naman kumilos si Shine kahit pitong taong gulang pa lang siya at ngayong linggo ay magwa-walo na.

Hawak-hawak ko ang kamay ni Shine habang naglalakad kami sa kalsada. Nakatingin lang siya sa mga sasakyang dumadaan.

"Someday... Magkakaroon din ako ng car katulad no'n." Ani Shine. Itinuro ang kulay dilaw na kotse.

"Bakit dilaw ang gusto mong kulay?" Tanong ko. Nakangiti naman siyang lumingon sa'kin.

"Para po katulad siya ng pinapanood kong larva. Iyong color yellow po."

"Don't you like color pink?"

She shooked her head.

"Ayoko po..." Humaba ang nguso niya.

Halos lahat ng bata ay gusto ang kulay na pink. Pero siya ay dilaw ang paborito, dahil nga raw sa larva na pinapanood niya.

"Charles Kevin..."

Sa bahay na hinintuan namin kagabi ay naroon siya at nakatayo habang nakatingin sa'ming dalawa ni Shine. He is smiling while holding a bunch of roses.

Nagtago sa likod ko si Shine kaya sinilip siya ni Charles Kevin. Lumapit siya sa'min kaya hindi ako gumalaw sa kinatatayuan.

He handed me a bunch of roses. "Good morning, Miss." Lumingon siya kay Shine na nagtatago parin sa likuran ko. "Good morning, princess."

"H-Hindi po princess ang pangalan ko. S-Sunshine po." Nahihiyang saad ni Shine.

Naitikom naman ni Charles Kevin ang labi at napatingin sa'kin. I greeted him good morning then he suddenly smiled.

May kinuha siya sa bulsa ng suot na uniform bago yumuko kay Shine. Ibinigay niya ang mga chocolates.

Nakakunot ang noo ni Shine habang nakatingin kay Charles Kevin. "Tsokolate po?"

"Yeah... B-Bakit ayaw mo ba?"

Natawa ako sa reaksyon ni Charles Kevin dahil nakatingin lang siya kay Shine habang kinakabahan. Napapalunok pa siya at nagpilit ng ngiti.

"Gusto po! Thanks, Kuya. Ano po name niyo? Boyfriend po ba ikaw ni Ate Shan?"

Gulat akong napatingin kay Shine dahil sa nabanggit n'yang huling tanong. "Shine! Hindi ah!" Tanggi ko. Nanliligaw pa lang si Charles Kevin at sa aminin ko man o hindi ay may balak na akong sagutin s'ya. Hindi ko lang alam kung saan at kailan.

Kahit na sabihin ko kay Charles Kevin na mauna na s'ya sa school ay sumunod parin siya sa'kin para ihatid si Shine, tuloy ay sabay kaming pumasok ng school.

"Bakit pala hindi mo dala ang kotse mo?" Naitanong ko. Na cu-curious kasi ako kung bakit hindi niya dala samantalang kahapon ay oo. Kahapon ko nga rin lang nakita 'yon.

"Ayoko..." Lumingon siya sa'kin. "Mas gusto kong kasama ka maglakad kaysa kasakay ka sa kotse na mabilis ang andar, kapag gano'n ay ang ikli lang ng oras ko 'pag kasama ka."

"Kaya..." I stiffened when he hold my hand. "Mas gusto kong kasama ka habang naglalakad, para mahaba ang oras kong kasama ka, Miss."

The Unwanted [Under Editing]Where stories live. Discover now