Kabanata 8

62 4 0
                                    

Kabanata 8: Ligaw

"Bagay kayo..."

Hindi naalis sa isip ko ang sinabi ng matanda. Bagay kami? Paano niya naman nasabi iyon? Siguro ay marami na siyang alam sa pag-ibig, dahil nga matanda na siya. Sa paraan ng pagtitig niya sa'min ni Charles Kevin kanina ay parang may kinang na hindi ko maintindihan.

Pagkatapos naming kumain kanina ay bumili kami ng iba't ibang pagkain na abot lang hanggang 100 pesos. Kumain kami at hindi siya nagsasalita, tahimik lang siya na parang may bumabagabag sakanya. Iniisip niya rin siguro yung sinabi ng matanda.

Kinabukasan ay maaga akong pumunta sa school. Ang sabi ay may program daw. Masyadong maaga ang mga estudyante ngayon.

"Miss!" Nang lingunin ko ay si Charles Kevin iyon. Nakangiti sa'kin at kumakaway. May sukbit siyang gitara sa likod, nakahawak siya sa strap na lagayan nito.

"Good morning," Kumindat siya.

I smiled. "Good morning din. Nag gi-guitara ka?" Tanong ko, nakakunot ang noo.

Ngumiwi siya bago umiling. "Ay hindi... Dinala ko lang 'to, design gano'n. Hindi talaga ako nag gi-guitara, hindi talaga." Nang-aasar ba siya o ano? Kasi ang sama niya kung makatingin sa'kin. Inaano ko ba siya?

"Eh.. bakit mo dinala?"

Napatampal siya sa noo. "Miss." Aniya, naaasar na.

"B-Bakit?"

He heaved a sigh. "Tara na nga," Aniya. Nauna siyang maglakad bago ako sumunod.

Pagdating namin sa auditorium ay marami ng estudyante. Karamihan ay naka civilian clothes lang. Ako kasi ay nakasuot ng uniform.

"Upo ka d'yan." Ani Charles Kevin.

Umupo ako sa itinuro niya. Komportable naman ako dito kaya okay na. Nagulat ako nang tumabi siya sa'kin.

Hindi ba't may section ang kada upuan? Bakit siya narito? Baka may makakita sakanyang teacher.

"Hi, Charles!" Napalingon si Charles Kevin sa likod kung nasaan si Janine at ang mga kaibigan niya.

"Hello," sa simpleng sinabing 'yon ni Charles Kevin ay hindi na magkanda-ugaga sila Janine kakatili. Akala mo naman ay artista itong si Charles Kevin.

Sa simula ng program ay hindi ako nakinig dahil nakatulog ako sa sobrang antok. Siguro ay napuyat ako kaiisip dun sa sinabi ng matanda na bagay kami ni Charles Kevin.

Sa hindi malamang dahilan ay napangiti ako. Ang sarap naman n'on pakinggan ng paulit-ulit. Bagay kami ni Charles Kevin...

"Damn..."

Sa babaw ng tulog ko ay mabilis akong nagising, nanlaki ang mata ko nang makita kong nakatingin sa'kin si Charles Kevin.

Nanlaki rin ang mata niya nang makitang gising na ako. Napalunok siya bago umayos ng upo. Napatingin ako sa tainga niya na ngayon ay sobrang pula na.

He slowly looked at me. "Potek... 'wag ka kasi matulog, sobrang ganda ng mukha mo. Nababaliw ako."

Ginulo niya ang buhok bago napakagat sa ibabang labi. "Damn it. Sobrang ganda niya..." He whispered before looking directly at my eyes.

"Charles Kevin..."

Ano ba ang mga pinagsasasabi niya? Totoo bang maganda ako? Bakit parang palagi ay ipinamumukha sa'kin ni Ate Gisele na pangit ako, na walang magkakagusto sa'kin. Pero bakit ngayon ay may isang tao ang nagsabi ng salitang hindi ko inaasahang na lalabas sa bibig niya.

Maganda ako...

I bit my lower lip para pigilan ang pag-ngiti. Hindi na siya nakatingin sa'kin kaya wala akong nagawa kun'di ang malawak na ngumiti habang nakatingin sa mukha niya.

I really appreciate this person. May gusto kaya siya sa'kin kaya niya sinasabi niya ang mga 'yon?

Nanlaki ang mga mata ko dahil sa naisip, binatukan ko ang aking sarili.

Ano ka ba Cianelle? Anong pumasok sa isip mo at sinasabi mong may gusto sayo si Charles Kevin!

Baka lang naman kasi, hindi ko naman 'yon malalaman kung hindi ko itatanong kaya...

"May g-gusto ka ba sa'kin?" Malumanay kong tanong. Bahagyang nanlaki ang mga mata niya at namula rin ang tainga, hindi inaasahan ang tanong ko.

Ngunit mas hindi ko yata inaasahan ang ginawa niya sa'kin.

Humarap siya sa'kin at hinawakan niya ang pisngi ko bago mataman na tumitig sa'kin. "Mayroon. Bakit bawal ba? Wala ka namang boyfriend kaya liligawan kita." Tumaas pa ang dalawa niyang kilay bilang pagtango.

Napaawang ang labi ko dahil sa sinabi niya. Ano raw? Ligaw? At saka boyfriend? Wala naman talaga akong boyfriend. NBSB ako, No Boyfriend Since Birth.

"L-Ligaw?" Kumurap-kurap ako.

Binitawan niya ang pisngi ko kaya parang gusto kong habulin ang kamay niya at panatilihin nalang sa pisngi ko.

"Oo. Huwag mong sabihin na pati panliligaw ng lalaki ay hindi mo alam?"

"Hindi... B-Bakit ko naman aalamin 'e hindi naman ako lalaki." Napanguso ako. Totoo naman 'diba? Hindi naman ako lalaki.

Napapikit siya at napahampas sa noo gamit ang palad. "Dyos ko, bakit naman katulad niya pa ang ibinigay niyo sa'kin? Bakit hindi nalang pera para makapagtayo na ako ng sarili kong kompanya." Bulong niya. Kahit mahina ay rinig ko parin.

"May balak kang magpatayo ng kompanya?"

"Oo. Ikaw ba... May balak kang magpatayo?" Nagtaka ako sa sinabi niya lalo nung tumingin siya sa ibaba.

"Anong tinitignan mo d'yan?" Takang tanong ko dahil nakatingin parin siya sa ibaba. Naitikom niya ang kanyang bibig bago tumingala at ngumisi.

"Damn. She's so innocent..." He whispered. Lumalam ang mata niyang tumingin sa'kin bago ngumiti. Ngayon ko lang napagtanto na sobrang gwapo niya pala kapag palaging nakangiti. Sana ay ako rin, sana ay nakakangiti rin ako ng ganyan.

Napabuntong-hininga ako at napansin niya 'yon. Sinilip niya ang mukha ko dahil nakayuko ako.

"Do you have a problem?" Gusto ko nalang pumikit dahil sa lambing ng boses niya.

Umayos ako ng upo bago siya tignan at umiling. Panay parin sa pagsasalita ang emcee at heto kami ni Charles Kevin, nag-uusap na para bang kaming dalawa lang ang nandito.

Wala akong problema pero may gusto akong sabihin sakanya.

"Tell me... what's bothering you?"

"Ano yung ligaw?" Tanong ko. Naubo siya dahil sa tanong ko. Nakita ko rin ang pagtaas-baba ng adam's apple niya.

He cleared his throat. "T-To make the girl fall in love... Why? You think I'll not make you fall in love with me?" Ngumisi siya. Grabe talaga siya sa taas ng confidence.

Umiling ako. "Hindi, ang ibig kong sabihin ay ano ang mga ginagawa pag nanliligaw?"

"What?" His forehead creased. "Uh, I mean... Syempre, gano'n nga, to make the girl fall in love. Dadalhan mo siya ng bulaklak araw-araw---"

"Eh hindi naman 'yon pata—"

"Shit. I mean, mga rose gano'n, chocolates and most of all, kailangan mo siyang mahalin araw-araw para someday maibalik niya 'yon sayo ng sobra pa." Aniya.

Sa sinabi niyang 'yon ay parang may pinaghuhugutan. Hindi kaya ay nililigawan niya ang isa sa babaeng kasama niya kanina? Paano na ako? Sabi niya ay gusto niya ako.

Tumitig siya sa'kin ng matagal bago bumuntong-hininga kaya nakahinga ako ng maluwag ngunit agad ding kinapos nang marinig ang sunod niyang sinabi.

"From now on, I will court you."

The Unwanted [Under Editing]Where stories live. Discover now