Kabanata 42

47 2 0
                                    

Kabanata 42: Anniversary

"Love!" Napalingon ako kay Charles Kevin. Nakangiti siyang lumapit sa'kin bago ako akbayan. Magaan ang kamay niya na para bang kapag binigatan niya 'yon ay masasaktan ako.

"Kamusta tulog mo?" He asked.

"Hindi ko alam, tulog ako 'e." Sagot ko. Humawak ako sa bewang niya.

"As usual, Miss. Ako 'di mo tatanungin?"

"Kamusta tulog mo?" I asked.

"Hindi ko din alam. Tulog ako 'e."

Sabay kaming natawa dahil sa kalokohan. May pupuntahan kami ngayon. Mamamasyal raw kami kasi sa nagdaang linggo ay hindi man lang kami lumabas na dalawa kasi busy na siya, pati na rin ako dahil nga graduating student.

Isang linggo na lang ay ga-graduate na ako. Gusto ko man maging excited ay hindi ko magawa. Parang may kulang na hindi ko maintindihan.

"Shall we go?" He laid his hand in front of me.

Magkahawak ang kamay na naglalakad kami sa loob ng Mall. Ngayon na may pera ako ay gusto kong ako naman ang manlibre sa kanya.

"Look!" Itinuro ko ang malaking stuffed toy na si Yellow. Mas malaki pa ito kumpara sa iniregalo ni Charles Kevin kay Shine. Sa section na 'to ay puro sa larva na cartoons ang makikita mo.

Ang lambot nilang yakapin.

Narinig ko ang pagsinghal ni Charles Kevin. "I knew you would be like this. Hugging stuffed toys instead of me,"

Nang lingunin ko siya ay nakanguso na siya habang masama ang tingin sa hawak niyang stuffed toy. Kinuha ko iyon sa kamay niya at ibinalik sa dating pinagkuhanan niya.

Imbes na umalis na do'n ay yinakap ko siya. Pinigilan niya pang ngumiti pero hindi siya nagtagumpay. Lumabas ang dimple niya dahil sa pag-ngiti.

"Alam na alam mo kung paano ako pangitiin." Mas hinigpitan niya ang yakap sa'kin.

Hindi ko naman alam ang mga pinag-gagawa ko pagdating sakanya pero palagi ko siyang napapangiti.

"Miss, ano masasabi mo?"

Napalingon ako kay Charles Kevin na nag-try ng sunglasses habang itinaas pa ang kaniyang buhok.

"Ang gwapo mo!" Nakangiti kong sabi dahil bagay sa kaniya iyong itim na sunglasses.

"Thank you. You know what? My girlfriend's inlove with my handsome face." Natawa ako nang baguhin niya ang boses niya at nag-pogi sign.

"I really do."

Napakagat siya sa ibabang-labi at umiwas ng tingin pero nahuli ko ang pag-ngiti niya.

"Miss naman e, bakit ka gan'yan? Ang bilis mo lang akong napapangiti. Ginayuma mo ba ako?"

"Looks like ako 'yong na gayuma pero ikaw ang na-inlove ng lubos." Balik ko sakanya. Muli ay napangiti siya.

"Damn, I'm so inlove with you,"

-

"Happy 1st anniversary, love." Saad ni Charles Kevin. Narinig ko ang malamyos na tunog ng violin kaya napapikit ako. Ang sarap sa pakiramdam.

It's March, 28. Sobrang bilis ng panahon, noon lang ay nag-oo ako sakanya at ngayon nga ay nag-isang taon na ang pagmamahalan namin.

"Mahal na mahal kita, Charles Kevin," Saad ko habang nakatitig sa mga mata niya.

Hinawakan niya ang kamay ko at sinabing, "I love you more."

Iginaya niya ako sa gitna kung nasaan ang red carpet at sinimulan niya akong isayaw. Dahan-dahan at pinapakinggang mabuti ang musika. Sa restaurant na ito ay kami lamang ang tao. Aniya'y, nagpa-reserve siya ng table pero hindi ko alam na buong restaurant pala ang pinareserve niya. Walang ibang tao kun'di kami lang, dalawang tumutugtog ng musika at waiter na nakatayo lang sa gilid kung sakali mang may kailanganin kami.

Sobrang saya ko ngayong araw na kahit tanghali ay hindi ako nabo-bore. Hindi kasi ako puwedeng magpagabi dahil mabilis na akong hanapin ni Mama kapag wala ako sa bahay.

Katulad nalang ngayon na pag-uwi ko. Hinahanap nga ako.

"Saan ka galing? Sino iyong lalaking 'yon?" Tanong ni Mama. Hindi ako nakasagot.

Nakita niya si Charles Kevin?

"Malamang boyfriend niya, Ma." Sabat ni Ate na kalalabas lang ng kusina kasama si Gab, ang boyfriend niya.

Napayuko ako. Hindi ko alam ang gagawin kong ngayon ay nalaman nila na may naghatid-sundo sa akin.

Naramdaman kong lumapit sa'kin si Mama kaya napaatras ako pero hinablot niya ang braso ko kaya napatingin ako sakanya. Masama ang tingin niya sa'kin at gano'n rin si Ate.

"Totoo bang boyfriend mo iyon, Cianelle?!" Halos mapangiwi ako nang diinan ni Mama ang pagkakahawak sa braso ko.

Napayuko ako para itago ang mga nagbabadyang luha. Nag-iinit ang sulok ng mga mata ko at nagsimula na ring manlabo ang paningin ko dahil sa namumuong luha.

Akala ko... Akala ko puro saya na ang mararanasan ko pagkatapos ng pagsasama namin kanina ni Charles Kevin pero nagkamali ako, dahil ngayong pag-uwi ko ng bahay ay puro sakit nalang ang naranasan ko.

"Bakit hindi ka makasagot?" Mas lalong humigpit ang hawak niya kaya hindi ko na napigilang maluha.

"Dahil totoo naman, Ma. Boyfriend niya ang lalaking 'yon," Rinig kong sabi ni Ate.

"Hindi ba't ang sabi ko ay—"

Napaangat ako ng tingin. "Trenta? Trenta pa ako pwedeng mag-asawa! Pero hindi mo naman sinabi sa'kin na kung anong edad ba ako pwedeng mag-boyfriend!" Sigaw ko kahit pa man na nakakapit pa rin sa'kin si Mama. Nanlaki ang mata ni Ate at nagsalubong naman ang kilay ni Mama.

Napabaling sa kaliwa ang mukha ko nang sampalin ako ni Mama. "Kailan ka pa natutong sumagot ng gan'yan?"

Hindi na ako sumagot kaya mas lalo siyang nagalit. "Sagutin mo ako, Cianelle! Hindi ba't sabi ko bawal kang mag-boyfriend o mag-asawa ng hindi ka pa trenta?"

"Ma! Sino naman ang gugustuhin na trenta na magkaroon ng unang boyfriend? Sabihin mo nga, ikaw ba gusto mo no'n?"

Napahawak ako sa kaliwang pisngi ng muli kong maramdaman ang palad niya. "Hindi mo naiintindihan ang sinasabi ko! Wala kang alam! Hiwalayan mo ang lalaking 'yon! Bawal kang magka-boyfriend—"

"Bakit? Bakit si Ate nga ay mayroon ng boyfriend?" Tanong ko.

"Ang kapal ng mukha mo!" Napabaling sa kaliwa ang mukha ko nang sampalin ako ni Ate. "Bakit?! Bawal ba akong magmahal?!"

"Gano'n din ang tanong ko, Ate!" Hinarap ko siya at nagulat siya sa pagsigaw ko sakanya. Tinitigan ko siya habang naluluha, "Bakit? Bawal din ba akong magmahal?"

The Unwanted [Under Editing]Where stories live. Discover now