Kabanata 45

58 4 0
                                    

Kabanata 45: Another pain.

Mabigat ang loob na umuwi ako ng bahay, gusto ko mang magpahinga ay hindi ko magawa dahil bukas na ang graduation namin.

Sino na ngayon ang sasama sa'kin paakyat ng stage? Papayag pa kaya si Mama matapos nang pag-alis at ginawa ko kanina?

Pagkapasok ko ng bahay ay naabutan ko ang kapatid na nasa sala habang may mga magagandang damit na nakalapag sa sofa.

Napatingin siya sa'kin bago tarantang kinuha ang mga damit at inilagay sa paper bag. Malilikot ang mga matang tumingin siya sa'kin.

"Bakit umuwi ka pa?" Sa mukha niya ay parang takot siya na may malaman ako. Kitang-kita sa reaksyon niya na may itinatago siya dahil kahit nanginginig ang mga labi ay sinubukan niyang magsalita.

Sinilip ko ang isang damit na nakatago sa likuran niya pero ibinalik ko rin sa kaniya ang tingin ko. "Nasaan si Mama?"

"Bakit? Ano na namang kailangan mo? Matapos mong umalis at sampalin ang Ate mo ay may lakas na loob ka pang umuwi?" Bigla nalang sumulpot si Mama galing sa kwarto niya.

Napayuko ako. Saan ko na ipapahinga ang puso kong durog kung gano'n? Sobrang sakit na, please lang, tama na muna.

"Pasensya na po sa inasal ko kanina. Ma... 'di ba po nagsabi na ako sainyo nung nakaraan na graduation namin sa March 30, bukas na po 'yon." Nagkunwari akong kinamot ang aking noo para hindi niya mapansin ang namumugto kong mga mata. Masakit para sa'kin ang naranasan kanina. Sobrang sakit na gano'n pala ang reason ng paglapit sa'kin ni Charles Kevin.

Pustahan lang ang lahat.

"Hindi kita masasamahan."

Mabilis akong napaangat ng tingin. Nanlalaki at nakaawang ang labi kong napatingin sakanya.

"Ma... g-graduation ko po 'yon," Garalgal ang boses na sabi ko. Kahit na kinakabahan ay tinignan ko parin siya.

"Sabi na ngang hindi kita masasamahan! Bakit ba ang kulit mo, Cianelle?! Graduation rin ng Ate mo bukas, alangan naman na hindi ko siya samahan, may honor siya. Ikaw ba ay mayroon? Hindi ba wala?!" Napaatras ako habang sinisigawan niya ako.

Another pain... Kakayanin ko ba?

Mayroon po... gusto kong isagot sa kaniya. Palagi naman akong may honor pero bakit palagi nalang si Ate ang inaatupag mo? Anak mo rin ba talaga ako?

"Pero Ma... K-Kahit po, ma-late kayo okay lang," Lumunok ako habang pinapalakas ang aking loob. "I-Importante rin po kasi sa'kin ang araw na 'yon... G-Gusto ko pong naroon ka," Pilit kong nilalabanan ang luhang gusto nang kumawala. Ayoko na... Ayoko ng umiyak pa.

Sobrang sakit na pero bakit parang hindi natatapos ang sakit na nararamdaman ko?

"Hindi nga sabi Cianelle! Hindi ko pwedeng iwan ang Ate mo doon!"

Napayuko ako. Anak niyo rin po ako...

Lumapit ako sakanya at hinawakan ang kamay niya, baka sakaling magbago ang isip niya. Baka samahan niya ako. Importante 'yon, gusto ko naroon siya.  "Ma, sige na po. Kahit po pagkatapos na ng graduation nila. K-Kahit po late na kayo makarating," Napahagulhol na ako, gusto kong lumuhod para lang samahan niya ako sa importanteng okasyon sa buhay ko.

Ayos lang naman kung pinapagalitan at sinusungitan niya ako lagi e. Ayos lang kung ayaw nila sa'kin ni Ate, basta—basta makasama ko lang siya sa mahalagang araw sa buhay ko.

"Umalis ka!" Sigaw niya at marahas na binato ang kamay kong nakahawak sakanya, kaya naitikom ko ang bibig ko.

Parang tinutusok ng libo-libong karayom ang puso ko sa sakit na salitang ibinabato niya sa'kin. Sumisikip ang dibdib ko pero nagawa ko pa rin ang ngumiti kahit pa man puno na ng luha ang pisngi ko.

"S-Sorry po, Ma... N-Naiintindihan ko po, akyat na p-po ako." Nangangatal man ang bibig ay nagpaalam akong aakyat muna sa kwarto at pagpapahingahin ang isip at puso na kanina pa nasasaktan.

Wala pa rin si Sunshine sa kwarto pagdating ko ro'n. Siya lang 'yong makakausap ko sana ngayon pero tignan mo nga naman, pilit na pinapadama sa'kin ng tadhana ang sakit. Siya nalang iyong kakampi ko e, si Shine nalang ang meron ako, ang bunso ko, ang nag-iisang nagmamahal sa'kin ng totoo.

Nanghihina akong napaupo sa kama. Hindi ko na alam ang gagawin ko... Hanggang kailan ako magdudusa? Hanggang kailan ko lolokohin ang sarili ko na okay lang ako. Na walang masakit, walang mali. Gusto ko ng magpahinga... Ang sabi ko dati ay hindi ako susuko, pero sa sitwasyon ko ngayon, parang gusto ko na lang bawiin ang sinabi ko noon. Sukong-suko na ako...

"It's okay, love. It's okay to cry."

Sa isang iglap ay tumulo ang luha ko. Sumagi sa isip ko ang mga sinabi sa akin ni Charles Kevin no'ng panahon na nasasaktan ako. Napahikbi ako habang sapo ang mukha. Halos hindi ako makahinga dahil sa labis na pag-iyak ko.

Gusto kong sumigaw.

Umiiyak akong tumayo habang pilit na pinapalis ang luhang hindi matigil sa pagtulo.

"Pagod na ako..."

Naikuyom ko ang mga palad bago tumakbo pababa ng sala. Walang nakapansin sa'kin kaya dire-diretso akong lumabas ng bahay. Sa pagtakbo ko ay magkaiba palang tsinelas ang naisuot ko. Takbo lang ako ng takbo hanggang hindi ko na nakayanan at napaupo nalang ako sa sahig.

"Aaahhh!!"

Napahikbi ako hanggang sa naging hagulhol. Pumalahaw ako ng iyak. Gusto kong sumigaw ng sumigaw. Umaasang maaalis ang sakit na dinadamdam ko ngayon. Umaasang maibabalik ko ang lahat na pangyayari... na sana hindi ko nalang nakilala si Charles Kevin.

Walang tao... Walang tao na gustong tumulong sa'kin. Pero bakit pa nga ba ako manghihingi ng tulong gayong pwede kong tulungan ang sarili ko. Hindi ko maiwasan mag-isip ng mga bagay na nangyayari ngayon. Na kung bakit ako nag-iisa? Kung bakit ayaw nila sa akin? Na kung bakit walang nagmamahal sa'kin.

Pinagtitinginan ako ng mga tao na nakasakay sa iba't ibang sasakyan, ngunit wala akong pakialam. Ang gusto ko lang ay maalis ang lahat ng sakit. Lahat ng sama ng loob na dinadama ko ngayon. Gustong gusto ko mailabas ang mga iyon, sa pamamagitan ng pag-iyak.

Hikbi ko ang tangi kong naririnig, walang iba kun'di ang sarili ko lang. Ang daming tanong na pumapasok sa isip ko.

Bakit ako nasaktan ng ganoon ni Charles Kevin?

Bakit ba hindi ako kayang mahalin ni Mama? Kasalanan ko bang kamukha ko ang tatay ko? Hindi ko naging kasalanan kailanman ang kasalanan ng Ama ko.

Na kung bakit...

"Bakit walang totoong nagmamahal sa'kin?" Usal ko, ubos na ang luha sa kaiiyak.

"I'm here..."

Napaangat ako ng tingin dahil sa nagsalita. Napaawang ang labi ko at muli ay tumulo ang luha ko. Umiiyak ko siyang dinamba ng yakap. Nang maramdaman ang yakap niya sa'kin ay napahagulhol ako. Mahigpit ang hawak ko sa laylayan ng damit niya, habang hindi ako matigil sa pag-iyak.

Zhilan. Nang dahil sakanya ay nailabas ko ang lahat ng sakit na naranasan ko noong araw na 'yon. He comforts me, pinagaan niya ang pakiramdam ko kaya I will be always thankful for him.

The Unwanted [Under Editing]Opowieści tętniące życiem. Odkryj je teraz