Kabanata 21

48 3 0
                                    

Kabanata 21: Kiss.

Bakasyon na at naisipan namin ni Charles Kevin ang pumunta sa isang beach resort na pagmamay-ari nila. Nagpaalam ako kay Mama na may swimming kaming mga classmate kahit na ang totoo ay si Charles Kevin ang kasama ko. Ngayon ay natuto na akong magsinungaling...

Hindi naman ako sutil kapag may sinasabi si Mama, lagi ko iyong sinusunod na walang palya. Sigawan man niya ako sa huli o hindi.

Ngayong bakasyon ay naisipan kong magtrabaho para may panggastos na ako sa mga bayarin sa school, para hindi na mag abala pa si Mama. Tanggap ako sa trabahong pinasukan ko at sa susunod na linggo na nga ang umpisa ko. Hindi ko pa nasasabi kay Charles Kevin— I mean love, ang bagay na 'to.

Sa susunod na buwan ay second monthsary na namin ni Charles Kevin. Hanggang ngayon ay hindi parin ako sanay na tawagin s'yang gano'n. Nakakapanibago, dati ay nasanay akong Charles Kevin ang tawag sa kanya, kahit pwede naman na Charles lang o kaya Kevin.

Napabuntong-hininga ako, nakaupo ako sa kama sa kwarto na inukupa ni Charles Kevin kanina.

"'You okay?" Charles Kevin asked. Nakasuot siya ng white v-neck shirt na pinaresan ng khaki shorts. Tsinelas na pambahay lang din ang sapin niya sa paa.

Kaninang umaga kami dumating dito sa beach resort na pagmamay-ari nila. Pagtanaw ko palang sa malayo ay tanaw ko na ang white sand, matatayog na puno ng niyog sa mga gilid at mga batang nag su-surf board.

"May iniisip lang." Tipid akong ngumiti sakanya.

He hold my hand and gently kissed it. "If you have a problem don't hesitate to tell me love, hmm?"

Napapikit ako sa lambing ng boses niya. Para akong batang hinehele dahil sa sarap sa pakiramdam. Ngumiti ako bago muling nagmulat. Sobrang lapit na ng mukha niya pagdilat ko. Nakangiti siya kaya lumitaw ang dimple niya.

He kissed my forehead bago lumayo ng kaunti sa'kin, hawak parin ang kamay ko.

"Ligo tayo habang hindi pa masyadong mainit." Aya niya.

Umiling ako. "Inaantok ako, Charles Kevin." I pouted.

"Stop pouting, love. Alright, take time to rest alam kong pagod ka sa biyahe kanina."

Ngumiti ako sakanya bago nahiga sa kama. Hindi pa man ako nakakatulog ng mahimbing nang maramdaman kong may naglagay ng kumot sa katawan ko. Yinakap ko 'yon at napangiti.

——

"Wake up, love."

Naalimpungatan ako sa mahinang pagtapik sa aking pisngi. Iminulat ko ang aking mata para lang matagpuan ang hubad na katawan ni Charles Kevin at tanging boxer short lang ang kanyang suot.

Mabilis akong napabangon at binato siya ng unan. "Magbihis ka nga do'n Charles Kevin!"

Natatawa naman s'yang umalis sa harap ko at lumapit sa cabinet. Ngayon ko napagtanto na basa ang kanyang buhok at tumutulo pa ito sa sahig, kakagaling lang sa pagligo. Napatingin ako sa kanyang pang-upo. Matambok... Hapit na hapit ang suot n'yang boxer short lalo pa't basa ito. Nagmumukha pa siyang babae kaysa sa'kin.

"Liking the view?"

Napaiwas ako ng tingin nang lumingon siya sa'kin habang nagbibihis ng damit. Nakangisi na siya ngayon habang nakatingin sa'kin. Pinamulahan ako ng pisngi. Nakakahiya! Ano ba ang ginagawa ko at hindi maalis ang tingin sa—

Sa nakaumbok sa kanyang harapan! Hindi kasi natatabunan ng damit n'yang pang-itaas ang boxer short niya dahil ang igsi lang ng damit niya at hapit pa talaga! Ngayon nga ay nagmumukha na s'yang babae.

Binato ko ulit siya ng unan kaya humalakhak siya. Napaatras ako nang lumapit siya sa'kin, nakangisi pa ang kumag! Hinapit niya ako sa bewang kaya nagdikit ang katawan namin.

"Charles Kevin, a-anong g-ginagawa mo?"

Hinalikan niya ako sa noo bago ako hatakin patayo. Ngayon ay magkayakap na kami habang siya ay nakayuko sa'kin.

"Maliligo tayo, Miss. 'Wag kang assuming." Aniya kaya hinampas ko siya sa braso.

Asar akong lumabas ng kwarto at bumaba ng hagdan. Oo, nag hagdan ako. Ayoko mag elevator dahil natatakot ako na baka kapag sumakay ako do'n ay mamatay ang ilaw at umuga. Kaya never, never na never akong sasakay sa elevator.

Padarag kong hinubad ang suot kong pajama, may suot akong short sa ilalim no'n. Lumusong ako sa tubig, maginaw ang tubig dahil gabi na. Wala ng tao.

Nang nasa bewang ko na ang tubig ay tumigil ako sa paglalakad at lumusong sa tubig. Umahon muli ako at lumusong. Hawak-hawak ang buhok ko nang may bigla na lamang may humapit sa bewang ko at dalhin ako sa ilalim na parte.

Napapadyak ako nang hindi ko na maabot ang tubig. Napayakap ako sa leeg ng may hawak sa'kin. Inis ang reaksyon ko nang makilala kung sino ito.

"Don't move, love,"

"Bitawan mo ako Charles Kevin, ibalik mo ako do'n!"

"Kapag binitawan kita edi malulunod ka,"

"Nakakaasar ka!" Hinampas ko siya sa braso, hanggang leeg na lang namin ang tubig kaya natatakot akong awayin siya dahil baka iwanan niya ako rito. Hindi ko na abot ang buhangin kaya mas lalo akong napakapit sa leeg niya. Ikinapit ko na rin ang mga binti ko sa bewang niya para sigurado na hindi niya ako bibitawan.

He chuckled as he encircled his arms around me. "Relax, love. I won't leave you here,"

"Kapag ako talaga nakaalis rito, Charles Kevin tignan mo, hinding-hindi talaga kita papansinin—"

Napahugot ako ng malalim na hininga bago naitikom ang bibig nang bigla siyang lumusong sa dagat, nasama ako dahil nakakapit ako sa kanya at gano'n rin siya sa'kin.. Dilat na dilat ang mata ko habang nakatingin sakanya. Nakangiti pa siya habang nasa ilalim kami ng tubig. Habang ako, eto at kakapusin na ng hininga. Hindi ako sanay na nagtatagal sa tubig dahil hindi ako swimmer, at mas lalong ang igsi lang ng hininga ko habang nasa tubig.

Pinilit ko s'yang umahon kami pero nakatingin lang siya sa'kin. Pinandilatan ko siya dahil kaunting-kaunti na lang. Pinilit ko paring kumawala sa kanya pero hindi ko inaasahan ang sumunod n'yang ginawa. Hinalikan niya ako at ramdam ko ang pagbuga niya ng hangin. Siya ang nagbibigay ng hangin sa bibig ko upang makahinga sa ilalim ng tubig.

Gulat akong napatingin sa mukha ni Charles Kevin na ngayon ay nakapikit na at mahigpit ang yakap sa'kin. Dahan-dahan s'yang umahon ng tubig kaya natamaan ng liwanag na nanggagaling sa buwan ang mukha niya. Habang nakatitig sakanya niya ay hindi ko namalayan na nakapikit na rin pala ako habang nakaawang ang labi at unti-unti iyon gumagalaw. I kissed him the way he kissed me, this... is my first kiss.

Saksi ang buwan at bituin sa aming unang halik sa tubig-alat. Ang dagat, at ang buwan na nagbibigay ng liwanag sa madilim na kapaligiran.

The Unwanted [Under Editing]Where stories live. Discover now