Kabanata 28

49 3 0
                                    

Kabanata 28: Ice cream.

"Kamatis, Luya, Bawang at Paminta... Ano pa ba?"

Kausap ko ang sarili habang naghahanap ng mga sangkap na kasama sa listahan na ipinapabili sa'kin ni Ate. Lumapit ako sa refrigerator at kumuha ng dalawang bote ng 1.5 litter na Coke. Kahit na tinatamad akong lumabas ng bahay ay wala akong magagawa dahil inutusan ako ni Ate Giselle na mag-grocery.

Gusto ko sanang yayain si Karina para may kasama ako pero mukhang busy dahil hindi niya sinasagot ang tawag ko.

Sa pagtulak ko ng cart ay may hindi inaasahang nabunggo akong cart din. Napalingon ako rito.

"S-Sorry po, sorry..." Kusa akong napatigil nang makilala kung sino ang nakabunggo ko ng cart.

"Hi Ate, ikaw ulit. Miss mo Kuya ko 'no?" Nakataas ang dalawa n'yang kilay, nang-aasar.

Kung narito siya ay hindi malabong narito din ang Kuya niya. Hindi nga ako nagkakamali dahil paglingon ko sa kaliwa ay naroon si Zhilan sa may fridge at abala sa pagkuha ng iba't ibang flavor ng ice cream. Hindi niya ako napansin at basta na lang lumapit sa kapatid niya at inilagay ang mga ice cream sa cart nila.

"Tsk. I really hate this store, palagi na lang walang avocado flavor." Hindi sadyang napalingon siya sa'kin. Nanlaki ang mata niya at mabilis na ipinahawak kay Khilan ang mga natirang hawak pa niyang ice cream.

"Kuya..." Nang lingunin ko ang bata ay nakanguso na at masama ang tingin sa Kuya niya.

Lumingon sa kanya si Zhilan at sinamaan ito ng tingin. "'Yong mga i-ice cream mo, ikaw na humawak. Gastos ka talaga kapag kasama." Aniya sa kapatid.

Naitikom ko ang bibig nang tumingin siya sa'kin. "B-Bakit kayo nandito—"

"Ano'ng gastos? Natutulog ako kanina tapos ginising mo ako para lang samahan ka bumili ng ice cream mo—"

Natahimik si Khilan nang salpakan ni Zhilan ng mansanas ang bunganga ni Khilan, na galing pa sa cart nila.

Nagkunwari akong tumitingin sa mga pagkain na nasa harap ko para lang hindi niya malaman na narinig ko ang sinabi ni Khilan kani-kanina lang. Sa kanya pala ang lahat na ice cream na 'yon. Pfft, ginising pa talaga si Khilan para doon.

"Why are you laughing?"

Natigil ako nang magsalita si Zhilan. Lumingon ako rito at sobrang sama na ng tingin niya sa'kin. Samantalang ang kapatid niya ay abala na sa pagkagat ng mansanas.

Namilog ang bibig ko. "Hala... H-Hindi pa bayad 'yan."

Inosenteng lumingon sa'kin si Khilan at ipinakita sa'kin ang bilog na papel na sticker na alam kong nakadikit iyon kanina sa mansanas. Mas lalo akong napanganga. Grabe ang magkapatid na 'to.

"Nakabili ka na?" Pagkapasok ko sa bahay ay iyan kaagad ang itinanong ni Ate.

Tumango ako, inilagay ko ang mga bitbit ko sa lamesa at sinimulan ito ilabas isa-isa. Sinimulan kong hiwain ang bawang at sibuyas katulad ng ini-utos ni Ate Giselle. Hindi ko alam kung anong mayroon bakit sila naghahanda.

"Nasa'n po si Mama?" Tanong ko kay Ate Giselle. Kinuha ko ang mga kamatis at carrots saka ito inilagay sa sink upang hugasan.

"Bakit mo hinahanap?"

Napalingon ako sa kaniya dahil sa tanong niya. Hindi ko rin alam kung bakit ko hinahanap si Mama, kahit naman na narito ako sa bahay ay hinahanap ko pa rin siya. Ewan ko ba, mukhang normal na yata iyon na kapag wala sa paningin mo ang Nanay mo ay awtomatikong hahanapin at tatawagin mo siya.

"W-Wala lang po," Ayaw ko nalang magtanong ulit dahil baka magalit pa siya.

Pagkatapos ng pinapagawa niya ay umakyat na ako sa kwarto ko upang maabutan lang si Sunshine na nakadapa sa kama habang naglalaro sa aking cellphone. Lumapit ako't umupo sa kama. Napalingon siya sa'kin.

"May alam ka ba kung bakit madaming pinabili sa'kin si Ate?"

"Ang alam ko po ay birthday ni Kuya Gab ngayon." Aniya. Nagulat man ay hindi ko pinahalata. Bumigat ang dibdib ko na para bang may biglang dumagan na mabigat na bagay. Lumungkot din ang pakiramdam ko dahil sa sinabi ni Shine.

Doon ako napaisip... Bakit ang Gab na 'yon ay pinag-aksayahan niya ng oras at effort para lamang sa birthday nito? Bakit no'ng ako... Bakit no'ng ako ay wala man lang sa kanilang dalawa ni Mama ang nakaalala ng kaarawan ko. Ang kaarawan ko na hinihintay ko pa para lamang makasama sila upang iselebrar iyon. Bakit parang, ang unfair?

Nagulat ako nang hinawakan ni Shine ang mukha ko at itinapat sa kanya. Gamit ang maliit na palad ay pinunasan niya ang luha ko na hindi ko alam na tumulo na pala.

"Bakit po umiiyak ang Ate kong maganda?" Malambing niyang saad.

Napapikit ako't napangiti. Sobrang swerte ko sa kapatid ko, kasi kahit na ayaw sa'kin ni Mama at Ate ay nand'yan siya at ipinaparamdam ang pagmamahal niya para sa akin.

"Wala," Huminga ako ng malalim bago nagmulat. "...wala Shine, a-ano kasi may napanood ako kanina nakakaiyak. H-Hindi ko pa nalilimutan."

Tumitig siya sa'kin na para bang sinusuri kung totoo ba ang sinabi ko. Sa huli ay tumango siya at nagpatuloy sa paglalaro.

Maya-maya pa'y narinig kong nag-ring ang cellphone ko. I looked at Shine who's already staring at me. She handed me my phone as she smiling widely.

Napatingin ako sa screen ng cellphone ko. Charles Kevin is calling. Tapos na kaya ang ginagawa n'yang report? Kahit kasi walang pasok ay may ginagawa siya.

"Hello?"

"Hi, Love. Miss me?" Napatawa ako dahil sa sinabi niya. Siniko naman ako ni Shine, panay ang ayieee na walang boses kaya hindi iyon maririnig ni Charles Kevin.

"A-Ano, siyempre 'no. Bakit ka napatawag? Tapos mo na ba ang ginagawa mo?"

He chuckled. "Of course, me pa. Do you want to go somewhere?"

Napatingin ako kay Shine. "Ha?" Iyon lang ang tangi kong nasabi.

"Date."

"Date?" Halos mapunit ang labi ni Shine dahil sa narinig. Parang siya pa nga iyong inaaya. Hay nakung, batang 'to.

"Yes, a date, Love. I badly want to see you, right now." Aniya na nagpangiti sa akin.

Miss talaga niya ako.

"Ano... Kasama ko si Shine," napakagat ako sa labi. Baka kasi hindi siya pumayag dahil kasama si Shine, pero nagulat ako sa naging sagot niya.

"It's okay, Love. As long as makikita kita, kahit pa sino ang kasama mo ay magiging masaya ako."

The Unwanted [Under Editing]Where stories live. Discover now