Kabanata 51

71 3 0
                                    

Kabanata 51: Him.

"Ma'am, nasa conference room na po sila."

"Thanks."

Sumabay sa akin palabas ang secretary ko. Sa pagpasok namin ay tumahimik ang lahat. Akala ko ay dahil sa aking pagdating, iyon pala ay dahil sa isang lalaking kakapasok lang rin ng conference room.

"Good morning, Mr. Santiago."

"Ms. Hernandez, take a seat." Aya sa akin ng isa sa naroon at sinunod ko naman ito.

"Tawagan mo si Karina." Utos ko sa aking sekretarya na si Jen. Tumango ito at kinausap si Karina na papuntahin rito.

Wala ako sa kompanya ko at narito nga ako sa Cianvin Company, na pag-mamay-ari ni Santiago. Si Charles. Hindi ko alam kung bakit ganito ang nangyayari, pilit kaming pinagtatagpo ulit at hindi ko alam ang dahilan kung bakit.

Napailing ako. Mapaglaro nga talaga ang tadhana.

Nakikinig lang ako sa mga sinasabi nila at tumatango. Kahit na ganito ay natatandaan ko ang bawat salitang lumalabas sa bibig nila.

Ito nga talaga ang pangarap niya kahit noon pa. Ang magpatayo ng sariling kompanya.

Natapos ang meeting na hindi  man lang ako tinitignan ni Charles. Ako, ang tumititig sa kaniya. Hindi ko alam kung bakit ba ako titig na titig sa kaniya e, I can't deny na sobrang gwapo niya sa suot niya, isa na nga siyang C.E.O. good job, Charles, good job.

Pagkalabas ng room ay agad akong sumakay ng elevator. Pasara na ito pero may kamay na pumigil rito.

Pumasok si Santiago at hindi ko kilalang lalaki. Napapagitnaan nila ako at gustong-gusto ko ng makaalis rito.

Amoy na amoy ko ang pabango niya, walang pinagbago, iyon pa rin. Mas lumaki ang katawan na kita mo naman na alagang gym. I wonder if ano ang pinag-gagawa niya this past 7 years. Hindi ko alam kung bakit umaangat ang kamay ko na para bang gusto ko siyang mahawakan kahit saglit man lang.

Ang lakas ng tibok ng puso ko. Anong nangyayari?

I stiffened. Napalingon ako sa isa pang lalaking katabi ko bukod kay Charles. Sumasagi ang palad niya sa hita ko kaya napaatras ako. Palapit kay Charles. Naikuyom ko ang aking mga palad nang muli na naman itong sumagi.

Ayoko ng ganito. Pinapaalala lang nito kung ano ang nangyari sa'kin 7 years ago. Ayaw ko ng maulit pa 'yon.

Hinawakan niya ang hita ko kaya sa gulat ay napahawak ako kay Charles Kevin. Napatingin siya sa'kin at bumitaw naman ang lalaki.

Titig na titig ako sa mga mata niya, na para ba akong nanghihina sa mga nangyari. Iba ang mga tao sa kompanya niya.

Dahan-dahan akong napabitiw sa braso niya, pero hindi ako tumabi, bagkus ay mas lalo akong sumiksik sa tabi niya nang hindi niya nahahalata.

Napababa ang tingin ko sa palad niyang nakakuyom. Gusto kong tignan ang reaksyon niya, kausapin siya at hawakan pero natatakot akong baka hindi niya ako pansinin.

Right, sino nga ba naman ako sa buhay niya. I'm just his ex. Hindi ko alam sa sarili ko na, ako dapat yung magalit e, pero parang bumabaliktad ang sitwasyon. Siya na nga 'yong may ginawa na ikakasakit ko, siya pa 'yong may ganang hindi ako kamustahin.

Kamusta na nga ba ang puso ko? Sa tingin ko, ito, durog pa rin.

Napabuntong-hininga akong lumabas ng elevator nang nasa second floor na ito. Sinadya kong bumaba rito upang hindi na siya makasama ng matagal pa. Lalo na 'yong lalaking humawak sa'kin. Karmahin ka sana, kati ng palad mo, potangina ka.

"Nariyan na ba si Karina?" Tanong ko sa secretary ko nang sumagot ito sa tawag.

"Nandito na ako!" Rinig ko sa kabilang linya ang boses niya.

Pinatay ko ang tawag at dali-daling bumaba ng hagdan para lang maabutan ang dalawang lalaking kasakay ko sa elevator.

Nakabukas ang elevator at kitang-kita ko ang kamay ni Charles Kevin na nakahawak sa kwelyo ng lalaking nambastos sa'kin.

"'Wag na 'wag mong hinahawakan ang asawa ko. Lumayas ka na sa kompanya ko, now. You're fired!! Walang kwenta!"

Napaatras ako dahil sa sigaw niya. Nakayuko namang lumabas ang lalaking empleyado niya pala. Napalingon siya sa'kin at kitang-kita ko ang labi niyang may dugo. Pinunasan niya ito gamit ang palad at umiwas ng tingin. Pumindot ulit siya sa elevator at unti-unti na ngang sumasara 'yon.

"Cianelle!" Tuliro akong napalingon sa sumigaw.

Si Karina.

"Hoy! 'Wag ka ngang tumatakbo!" Asik ko sa kaniya. Ang kulit.

"Namiss kita," Aniya pa nang makalapit sa'kin. Yinakap niya ako pero ang tingin ko ay sa elevator pa rin. Nagbabakasakaling, lumabas siya ro'n.

Ako kaya ang sinasabi niyang asawa? Wala naman ibang hinawakan ang hayop na 'yon kun'di ako. Sino ba ang tinutukoy niya sa sinabi niyang, "'Wag na 'wag mong hinahawakan ang asawa ko. Lumayas ka na sa kompanya ko, now. You're fired!! Walang kwenta!"

"Hoy!"

"Ha?" Usal ko nang tawagin ako ni Karina "Bakit?"

"Kanina pa kita nakikitang gan'yan ha, simula no'ng nasa Cianvin company pa tayo."

"Anong gan'yan?"

"Gan'yan!" Tinuro niya ang mukha ko.

Nagsalubong ang kilay ko, "Ano ngang gan'yan!"

"Pagiging lutang!"

"Hindi naman ah."

"Oo, tungkol ba 'to kay Charles?"

Napatitig ako sa kaniya. "Nakita mo?"

Ngumisi siya, "Tama," Tumango-tango siya. "...siya nga ang iniisip mo ngayon. Hay nako, Cianelle. Kung ako sa'yo kalimutan mo na siya. Good influence ako, magtiwala ka sa'kin, sasakyan ka lang ulit niya. Ay ikaw ang sasakay ay I mean, SASAKTAN. Sasaktan ka lang ulit niya."

"Parang tanga 'to. Ni isa sa sinabi mo wala akong na gets."

"Oo nga pala, si Cianelle ka nga pala, na hanggang ngayon ay slow at lutang pa rin. Tss."

Pakialam ko ba sa mga sinasabi niya. Anong lutang 'di ko lang talaga naintindihan mga sinabi niya.

"Babalik ka sa kaniya?" Tanong niya pa.

"Anong babalik?"

"Sa mukha mo palang kanina, mukhang may balak ka e."

Gano'n ba ako kahalata? Gusto ko lang naman siya i-check if okay lang siya. Pero tama nga, sa dinami-daming sakit ang idinulot niya sa akin, dapat nga pala ay wala na akong pake sa kaniya. May balak pa ba akong bumalik pa? Sa tingin ko wala na. Kapag ex na ex na.

"Alam mo? Kung ako sa'yo 'wag ka nang bumalik do'n."

"Bakit?"

"Aba! Nagtatanong ng bakit! Anong bakit?! Dapat naman talaga ay hindi ka na bumalik do'n."

Napaiwas ako ng tingin nang ngumisi siya. Ano na naman iniisip ng buntis na 'to?

"Dahil naniniwala ako sa kasabihan na, nasa Kuya ng best friend ang true love!"

The Unwanted [Under Editing]Where stories live. Discover now