Kabanata 49

74 4 0
                                    

Kabanata 49: Bracelet.

"Hey,"

Galing sa pagkakatulala ay napalingon ako kay Zhilan. "B-Bakit?" Tanong ko. Masyado ba akong nawala sa reyalidad?

"Wala, tawag ka ni Karina." Aniya.

Napatango nalang ako at lumapit sa table ng mag-asawa. As usual, puno na naman ng pagkain ang bibig ni Karina. Ang takaw.

"Bakit?" Kumuha ako ng red wine na dala ng isang waiter. Marami ng umuuwi at nagpapaalalam sa akin. Sobrang dami rin ng natanggap kong regalo pero hindi iyon ngayon ang nasa isip ko.

Charles. I don't remember inviting him. I didn't even think that we would see each other again in the past many years.

Sa nagawa niya ay hindi ko na siya ginusto pang makita. Lahat ng bagay na konektado sa kaniya ay inalis ko na. Lahat, pati ang bigay niyang kwintas.

"Where's Khilan?" Karina asked. Katabi niya ang asawa na sinusubuan siya ng grapes.

Napangiti ako nang maalala ko ang sinabi niya dati na, "Gusto ko kapag nag-boyfriend na ako, iyon na rin ang pakakasalan ko."

Her first boyfriend is my Kuya Willert. Saksi ako sa bawat iyak ni Karina kapag nakikita niyang pumupunta sa bahay ang ex-girlfriend ni Kuya. Kawawa.

"He's on the way, ewan ko kung saan nagsusu-suot 'yon. Pumunta kung kailan patapos na." Anas ni Zhilan. Nilagok niya ang alak na nasa basong hawak niya. Gwapo niya ngayon, inaamin ko.

Patuloy kong ininom ang nasa kopita hanggang sa maubos ito. Iniisip ang mga bagay na nangyari 7 years ago.

Hindi ako sumama kay Papa pero pinayagan ako ni Mama na makipagkita sa kaniya. After I graduated from college, pinagtrabaho ako ni Papa sa kaniyang kompanya na ako at si Kuya Willert na ngayon ang namamahala. So far, nakapagpatayo ako ng bahay na kaming tatlo nila Mama at Shine ang nakatira. Si Ate Giselle ay bumukod na, kasama pa rin si Gab na ngayon ay asawa na niya.

"What?!"

Napalingon ako kay Zhilan nang sumigaw ito. Bakas sa mukha niya ang takot kaya nag-alala ako.

"Anong nangyayari, Zhilan?" Kabadong tanong ko. Binitawan ko ang kopitang hawak at lumapit sa kaniya.

"Shit! Okay, I'm coming!" Sigaw niya pa bago humarap sa amin.

"Naaksidente si Khilan." Aniya na nagpaawang sa labi ko.

"Ano?!" Sigaw ni Karina, pagtingin ko rito ay umiiyak na ito.

Nagtataka man sa inasta ni Karina ay hindi pa rin nawala ang kaba ko, lalo na ng kunin ni Zhilan ang susi ng kotse niya sa table.

Nagmamadali siyang kumilos pero pinigilan ko ang braso niya. "Sasama ako,"

"Nang gan'yan ang suot mo? No. Just stay here. I will let you know what happened." Bumaling siya kay Kuya Willert na pinapatahan ang asawa.

Hay nako, Karina, hanggang ngayon ang o.a mo pa rin.

"Willert, make sure she gets home safely. I'm just going to see my brother who stupidly crossed the road." Salubong ang kilay na saad ni Zhilan. Tumango si Kuya at muling lumingon sa'kin si Zhilan.

Sa pagtawid pala kaya na-disgrasya si Khilan. Hindi kasi tumitingin sa dinadaanan! Hay nako, Khilan. Kukutusan kita kapag nagkita tayo.

Tinapik ni Zhilan ang ulo ko at hinawakan ang kamay ko bago pinalatakan ng halik. "Be safe, Cian."

Hindi pa man ako nakakasagot ay mabilis na siyang umalis. Maya-maya pa ay umilaw ang phone kong nasa table. Nag text si Zhilan.

Zhilan pogi:
Open my gift and smile. Happy birthday, Cian.

Wala pa man ay napangiti na ako. Natatawa pa rin talaga ako sa pangalan niya sa contacts ko na siya naman mismo ang naglagay.

Nang makauwi sa bahay ay agad kong binuksan ang regalong sinasabi ni Zhilan. Sa party kanina ay hindi ko na nahagilap si Shine. Ang batang 'yon, sinabi nang sumabay na umuwi tapos bigla nalang nawala.

Bracelet.

Silver bracelet na may naka engraved na name ko. Cian. Pinagtagpi-tagping buwan na maliliit upang mabuo ang napakagandang bracelet na ito.

To Zhilan pogi:
Thank you, Zhilan.

Nang mai-send ang message ay nagbihis na rin ako. I took a hot shower before going to bed. Tulala lang ako habang iniisip kung ano na ba ang lagay ni Khilan. Si Shine naman ay hindi pa umuuwi.

Saan na ba nagsusu-suot iyon?

"Ate," Sagot niya sa tawag ko.

"Nasa'n ka?" Tanong ko kay Shine. Ala una na ng madaling araw pero hindi pa rin siya umuuwi.

"Ano po... Kasama ko po si Riya, nasa bahay nila ako."

Napapikit ako. "Ano na naman ang ginagawa mo riyan. Nagpaalam ka ba kay Mama?"

"Opo! I just want to stay here, Ate..." Naging malumanay ang boses niya kaya nagtaka ako.

"Shine? May problema ba?"

Narinig ko siyang tumikhim sa kabilang linya. "N-Nothing po, gusto ko lang po muna makasama pa si Riya. Bukas na po kasi ang flight nila."

Napabuntong-hininga ako. "Okay sige, basta promise mo uuwi ka mamaya ha."

"Yes, Ate."

Pagkatapos ng tawag ay muli akong tumayo para lumapit sa aparador. Aparador na pilit kong binubuksan noon pero may pumipigil.

Hawak ko ang susi at binuksan ko iyon. Bumungad sa'kin ang mga magagandang damit.

Magagandang damit na si Shine na ngayon ang nagsusuot.

Sa araw ng graduation ko ay naisipan ko itong buksan. Damit ang lahat ng laman at mga bagay na mamahalin. Bags, sandals, accessories at iba pa. Ang sabi ni Mama ay kay Papa daw lahat iyon galing. Kada birthday ko ay pinadadalhan ako ng mga damit. Iyon rin ang mga damit na nakita ko na kinuha ni Ate nang pauwi ako ng bahay.

Hindi naman sana ako magagalit kung magpapaalam siya, kinuha niya kasi at hindi na niya ibinalik pa. Pati pala siya ay may alam sa mga pagpapadala ni Papa.

At ito ako, walang kaalam-alam sa mga ginagawa nila.

The Unwanted [Under Editing]Where stories live. Discover now