Kabanata 3

74 3 0
                                    

Kabanata 3: Charles Kevin.

Abala ako sa pagsusulat nang marinig kong magtilian ang mga classmate ko. Nakatingin sila sa labas ng classroom. Ang iba pa ay nakikisingit para makita kung ano ang tinitignan at tinitilian nila.

Napabuntong-hininga ako at ipinagpatuloy ang pagsusulat. Porke walang teacher ay ang gugulo na nila. May iniwan sa'min si Ma'am na susulatin at ngayon nga ay malapit na akong matapos. Pagkatapos niyon ay pwede ng umuwi.

"Omg! Nandito si Charles Kevin!" Rinig kong sigaw ni Janine. Lumapit siya sa isang classmate ko na bff niya, si Jasmine.

"Jasmine! Narito ang crush ko! Bilisan mo!" Hindi magkanda-ugaga silang dalawang tumakbo palabas ng classroom.

Ano ba ang mayroon at kung magkandarapa sila ay parang isa itong artista na sinasabi nilang Charles Kevin.

"Excuse me," my eyes widened when I heard that voice, his voice...

Napatingin ako sa bukana ng pinto at hindi nga ako nagkakamali nang makita siyang nakatayo roon at nakangiti sa'kin. Mariin akong napapikit nang makitang matalim na ang titig sa'kin ni Janine.

Bakit ka galit? Wala naman akong ginagawa.

Inilagay ko ang notebook at ballpen ko sa bag at isinukbit iyon. Hindi ko kinakaya ang hangin dito sa loob ng classroom, lahat sila ay nakatingin sa'kin.

Hindi ba ang sinabi ko sakanya na sa labas lang siya maghihintay at huwag na huwag papasok. Binatukan ko ang sarili. Sino ba kasi ang nagsabing ituro mo ang classroom mo? Hays.

Lumabas ako ng classroom at nilagpasan siya. Hindi ko alam kung bakit pinagmamasdan niya lang ako hanggang makalabas ng classroom, tulala siya, bahagya pang nakaawang ang labi. Nang makabawi ay mabilis siyang sumunod sa'kin. Ang daming nakatingin sa'min na mga estudyante at karamihan ay masama ang tingin, iyong iba naman ay kinikilig.

"Sungit, Miss." Sumabay siya sa'kin sa paglalakad habang hawak ang magkabilang strap ng bag niya.

Magkasalubong ang kilay na lumingon ako sakanya. "Hindi ba sabi ko huwag na huwag kang papasok sa classroom namin at saka bakit—"

"Oh, bale dalawang piso na ang utang mo sa'kin, make sure na mababayaran mo ako ngayon ha." Tumango siya sa'kin, nang-aasar talaga.

Subuan ba naman ako ng chocolate candy na chubby. Nakataas ang dalawang kilay na nginuya ko iyon. Nakakaasar talaga siya. Hindi ko siya kilala at mas lalong ayaw ko siyang makilala.

Siya ba iyong sinasabi ng mga classmate ko na Charles Kevin? Anong kahanga-hanga diyan e, para nga siyang stalker. Hindi ba naman ako tinitigilan hangga't hindi nakukuha ang gusto niya.

"Manong sampung piso nga po ng fishball." Aniya at inabot ang bayad kay Manong na nagtitinda ng fishball. Iyong dinudugasan niya. Hindi ba siya nako-konsensiya niyan?

"O," inabutan niya akong isang stick ng fishball. Nangunot ang noo ko. Hindi ba sabi niya ay may utang ako sakanya, kaya kami nandito para bayaran ko siya. Bakit parang ako pa yata ang inililibre niya.

"H-Hindi kita mababayaran, w-wala akong pera," Napayuko ako. Kung sakaling pagbabayarin niya uli ako ay hindi ko siya mababayaran dahil nga maski pisong duling wala ako.

Gamit ang palad niya ay hinawakan niya ako sa noo bago patingalain sakanya. Nakangiti na naman siya.

"Hindi mo naman 'to babayaran. Libre ko," Kumindat siya bago ibigay sa'kin ang isang stick ng fishball.

Wala akong nagawa kun'di kunin ang ibinigay niya. Kinain ko iyon, siya naman ay tahimik lang na kumain kahit na may mga nakatingin sa'min ngayon.

"Birthday mo kahapon 'di ba? Hindi mo man lang ako in-invite," nang lingunin ko siya ay nakanguso na. Kinuha niya ang stick naming dalawa at inilagay iyon sa basurahan. Nang bumalik siya sa pwesto ko ay pinasadahan niya ng daliri ang kanyang buhok.

Umiwas ako ng tingin. "G-Gusto mo bang pumunta doon?" Tinuro ko ang cart ng mga nagtitinda ng cotton candy, iniiwasan ang tanong niya.

Paano niya naisip na i-invite ko siya 'e, hindi ko nga siya kilala tapos nakakainis pa ang unang pagkikita namin. Napaso ba naman ako ng flip dahil sakanya. At saka birthday? Hindi ko na alam kung kailan pa huling isinelebrar iyon ng masaya at sama-sama.

I sighed. Inilagay ko ang kaunting hibla ng buhok sa tainga dahil kumawala ito. Tumingin ako sa kaharap at nakatingin na siya sa mga nagtitinda ng cotton candy.

He looked at me. "Gusto mo n'on?" He asked. Sunod-sunod akong tumango. Alam ko ang pangalan niyon pero hindi ko pa iyon natitikman. Minsan na rin kasing nagpabili sa'kin si Shine ng gano'n pero isa lang ang nabili ko dahil iyon nalang ang kaya ng pera ko.

He smiled, bahagya niyang ginulo ang buhok ko kaya tumaas ang dalawang kilay ko. Mahina siyang tumawa nang makita ang reaksyon ko.

"Galit ka na naman niyan, Miss?"

"'W-Wag mo kasing guluhin ang b-buhok ko."

"Bakit ka nauutal?" Ngumisi siya. Tumingala siya na parang nagyayabang. "Sabagay, isang Charles Kevin ba naman ang itapat sayo, sinong hindi kikiligin? Tsk." Umiling-iling siya.

"S-Sinong kinikilig? Naiilang lang ako k-kasi kanina mo pa hawak ang b-buhok ko." Napatingin siya rito at bigla nalang napabitaw. Awkward siyang tumawa kaya sumimangot ako. Ano bang problema niya? Kaunti nalang iisipin ko ng baliw siya, ipagmayabang ba naman kung sino siya.

"Tara na," Aniya at nanguna sa paglalakad. Tumigil siya nang mapansing hindi ako nakasunod. "Bakit?"

Nahihiyang yumuko ako. "A-Ano... Wala akong pera," Mariin akong pumikit, tanga Cianelle bakit mo sinabi? Bakit ba kasi itinuro ko pa iyong cotton candy? Hays.

Lumapit siya sa'kin at sa gulat ko ay inakbayan niya ako, dahil hindi ko inaasahan ang ginawa niya ay mabilis akong napaharap sakanya at nasampal siya. Napasinghap ako at napatakip sa bibig nang masyado palang malakas ang pagkakasampal ko.

"Hala... S-Sorry,"

"Pucha, a-ang sakit..." Hawak niya ang kaliwang pisngi na ngayon nga ay namumula na. "Lakas mo pala manampal, Miss." Nagawa niya pang tumawa.

"H-Hindi ko sinasadya, nagulat lang ako. W-Wala pa kasi sa'kin nakakagawa ng gano'n," paliwanag ko. Baka kasi gantihan niya ako o ano. Malakas at matangkad pa naman siya kaysa sa'kin.

"Kaya naman pala, pasensya na." Humawak siya sa magkabilang strap ng bag niya at tumingin sa'kin. "Tara na? Birthday mo naman kahapon 'e, libre na kita." Kumindat siya bago nagsimulang maglakad. Natakot siguro na kapag dumikit siya sa'kin ay masasampal ko na naman siya. Napabuntong-hininga ako bago sumunod sakanya.

Sa araw na 'to, na-realize ko na nagkatotoo nga ang hiling ko. Na bigyan ako ng taong masasandalan. Siguro ay si Charles Kevin na iyon. Hindi man niya ako maipagtatanggol, at least mayroon akong taong masasandalan kapag malungkot man o masaya ako.

Totoo nga na nagkakatotoo ang hiling basta maniwala at magtiwala ka lang.

The Unwanted [Under Editing]Where stories live. Discover now