Kabanata 34

47 2 1
                                    

Kabanata 34: Secret.

"Ano?! 'Yon lang ang dahilan niya kaya niya ginawa 'yon?"

Tumango ako kay Karina. Nang maikwento ko ang nangyari sa loob ng guidance office ay iyan kaagad ang naging reaksyon niya. Masyado pa siyang OA dahil sa naglalakihang mga mata niya.

Isinama ako ng mga officers ng eskwelahan sa guidance office para kausapin, kasama na roon si Janine at Jasmine. Hindi pa no'n matigil sa pag-iyak si Anna.

"Ayokong sumama, isusumbong ko kayo kay Mommy ko!" Iyak pa rin ng iyak si Anna nang makapasok na kami sa guidance office.

Nakayuko lang ako at hinintay ang mga sasabihin ng teacher.

"Ms. Cortez, bakit mo naman ginawa iyon?" Tanong ng teacher namin na si Mrs. Tanya, ang teacher na huling pumasok sa klase namin bago nagkagulo.

"That bitch," rinig kong bulong ni Janine habang masamang nakatingin kay Anna.

"Dahil palagi nalang siya ang nasa una! Palagi nalang akong pangalawa!" Pumiyok siya.

Anong ibig niyang sabihin?

"Iniiwasan ko siyang maging classmate noong junior high school dahil ayaw kong nalalamangan ako!" Sigaw niya pa habang masama ang tingin sa akin.

Kung narito lang si Karina ay sigurado akong nasampal niya na 'to. Hindi kasi siya pinapasok dahil hindi naman daw siya nag-aaral rito, pati na rin si Charles Kevin na sa kabilang campus na kaya hindi rin siya pinapasok rito sa guidance office.

"Paano ba 'yan? Classmate mo siya. Umaabuso kana raw kasi kaya kailangan mo na ng kakompetensya," Ngumisi si Jasmine.

"Noong naging classmate ko naman si Cianelle ay naging okay lang sa'kin. Ako nga na palaging pangatlo, nagreklamo ba ako? Nagtago ba ako ng ire-report ng iba?!" Umirap si Janine kay Anna.

"Shut up!" Asik ni Anna.

"You shut up, bitch!" Sigaw pabalik ni Janine. Palaban talaga siya, kaya natatakot akong patulan siya nung mga panahong ayaw niya sa akin dahil kay Charles Kevin.

"Girls! Calm down," Si Sir Calvin na pumagitna na. Siya ang teacher namin na susunod na sanang papasok sa oras na ito. Pero sa tingin ko ay hindi niya basta-bastang mapapakalma si Janine na halos bumuga na ng apoy dahil sa galit kay Anna.

"How can I fucking calm down if that witch stole my reports?! Isusumbong kita kay Mommy! Nang-gigigil ako sayo!"

Napailing ako. Nakakatakot pala talaga si Janine.

"Kasalanan mo ba na matalino ka?" Asik pa ni Karina.

Hanggang ngayon ay hindi siya kumakalma. Natawa ako, "Kalamahan mo nga,"

"Paano ako kakalma—"

"Oh, ang ingay-ingay mo parin hanggang ngayon. Gayahin mo bebelabs ko, tahimik lang," Nakangising inilapag ni Charles Kevin ang mga in-order namin sa coffee shop. Aniya'y siya nalang ang magdadala ng inumin namin sa table dahil wala masyadong waiter na umaaligid.

"Bebelabs, bebelabs," she mocked, umirap pa siya kaya mas lalo akong natawa. Hanggang ngayon ay bitter parin siya.

"Bakit nga pala kayo nandito?" Kanina ko pa gustong magtanong pero pinipigilan ko dahil mukhang badtrip silang dalawa kanina.

Napaatras ang mukha ko nang ilapit ni Karina ang mukha niya sa mukha ko. Agad na umupo si Charles Kevin sa tabi ko at inilayo ang mukha ni Karina sa akin.

"Too close,"

"Ay hindi, too open," Biro pa ni Karina. "'Wag ka ngang magulo Charles! Baka sabihin ko sakanya kung anong naabutan ko no'ng pumunta ako sa campus niyo,"

Nangunot ang noo ko, "Bakit ano 'yon?"

"Nothing, love. Karina stop." May diing aniya.

Napalingon ako sa kaniya. "Ehh? Bakit parang may tinatago ka?" Napanguso ako.

"Meron talaga!" Ngumisi si Karina kaya mas lalo akong na-curios. "Pero sa ngayon, secret muna!"

"Nagbibiro ka ba?"

"Nagbibiro ba ako?" Parang tangang tanong niya pa sa sarili.

"Surprise 'yon, 'wag mo muna alamin. Baka kapag nalaman mo ay mahimatay ka sa kagwapuhan ko," Ngumisi si Charles Kevin kaya napasimangot ako.

Anong connect?

Hindi nalang ako umimik pero tinanong ko parin sila kung bakit sila narito.

"Magsusumbong sana ako sa'yo na nakita ko si Kenzo na may kasamang ibang babae, pero iyon ang naabutan ko, nakita ko 'yong Kyla na may inilalagay sa bag mo. Pagkatapos kong mag-video ay pumunta ako kila Charles, buti nalang may mabait na gwapo do'n na itinuro siya," Kwento niya.

Napatampal ako sa aking noo. Wala talaga siyang matinong sinasabi.

"Ano namang pakialam niya kung may kasamang ibang babae ang bansot na 'yon?"

I looked at Charles Kevin, he just sip in his coffee na para bang wala siyang sinabing masama.

"Charles Kevin! Hindi naman bans—"

"Pinagtatanggol mo siya?" Lumingon siya sa'kin at basta nalang inilapit ang mukha sa mukha ko, halos maduling ako sa sobrang lapit niya. "Hindi mo na ako mahal? Hindi mo na ako mahal?" Maktol niya pa na parang bata.

"Ano ba! Respeto sa single!" Asik ni Karina.

Itinulak ko ang mukha ni Charles Kevin na ngayon ay nakasimangot na.

"Hindi mo na ako mahal, Miss," Ngumuso siya at nag-iwas tingin.

I chuckled, nagiging bata na siya dahil sa asta niya.

Inilapit ko ang upuan ko sa kaniya at iniyakap ang braso ko sakanya. Inihilig ko rin ang ulo ko sa balikat niya. Naramdaman kong hinalikan niya ang tuktok ng ulo ko.

"Mahal kita, Charles Kevin. Mahal na mahal,"

"I love you more, love."

Sobra kong na-miss ang yakap niya, halik at I love you's.

Lumapat ang tingin ko kay Karina na nakasimangot na ngayon habang nakatingin sa amin.

"Ang pangit niyo ka-bonding!"

Sabay kaming natawa ni Charles Kevin nang biglang umalis sa table namin si Karina. Mas lalo kaming natawa nang lumapit siya sa isang gwapong lalaki at nagkunwaring napatid kaya nasalo siya ng lalaki. Kita ko pa ang pag-ngiting tagumpay niya.

Omg, Karina, ang harot!

The Unwanted [Under Editing]Where stories live. Discover now