Kabanata 14

51 3 0
                                    

Kabanata 14: Pictorial.

"Nand'yan na raw 'yong photographer!" Napatayo si Charles Kevin na nasa tabi ko. Pumasok ang isang lalaking kasing tangkad lang ni Charles Kevin at kasunod nito ang isa pang lalaki na sa tingin ko ay mas bata sa kanya, naka buntot lang ito habang hindi tumitingin sa amin.

Sa paanan lang siya nakatingin.

Magkapatid ba sila?
Inayos nila ang mga gagamitin habang si Charles Kevin at ibang lalaking classmate niya ay nag-susuot na ng barong.

"Excuse me, lapit ka kaunti." Anang photographer. Sumunod naman ang classmate ni Charles Kevin, hirap pa ito kung paano tatayo ng maayos at ngumiti.

Bakit parang ang bata naman yata ng photographer? Kasing edad lang niya yata sila Charles Kevin. Matangkad na lalaki pero sa tingin ko ay magkasing tangkad lang sila ni Charles Kevin.

"Bulaga!" Napaigtad ako nang bigla na lang may humawak sa magkabila kong balikat. Lumingon ako rito at ngayon ay nakataas na ang dalawa niyang kilay.

"May crush ka sa Kuya ko 'no? Tsk! Anong pangalan mo?" Tanong niya.

Do'n ko nga nakumpirma na magkapatid nga sila. Siya 'yong kasama ng photographer. Mas matanda yata ako sakanya.

"Hoy! Anong pangalan mo!" Pangungulit niya. Nanlalaki pa ang mga mata niya habang nakatingin sa'kin.

Bakit ba siya nagtatanong?

"C-Cianelle,"

Tumango-tango siya bago may isinulat sa hawak niyang notebook. Hala... Baka listahan 'yon ng mga pi-picturan.

"Ano... hindi ako kasama sa magpapa-pict---"

"Alam ko, 'wag ka maingay may inililista ako." Aniya at nagsulat na naman.

Pagkatapos ay tumingin uli siya sa'kin. "Eh, apilyedo mo ano?" Tanong niya, nakangiti ng sobrang lapad pero hindi nakalabas ang ngipin, mas lalong sumingkit ang mga mata niya.

"Ano... Trillanes, b-bakit?"

"Sabi ko 'di ba 'wag ka maingay. Kapag anong itinanong ko, ay 'yon lang ang sasagutin mo." Aniya. Ang sungit niya naman. Nagmumukha tuloy siyang mas matanda kaysa sa'kin.

Tulad ng sinabi niya ay hindi ako nagsalita hangga't hindi siya nagtatanong.

"How old are you?"

"Seventeen."

"Weh?" Mahaba ang naging saad niya. Parang hindi naniniwala.

"Oo nga, ikaw ba ilang taon kana?" Tanong ko.

Nagsalubong ang kilay niya habang nakanguso. "Fourteen. Oh! 'Wag kang magsasalita. Oo na bata pa ako. At least gwapo. Marami daw akong mapapaiyak na chix." Tumango-tango siya gamit ang kilay.

Nakakagulat naman siya, basta nalang magsasalita ng padepensa. Takot na masapawan siya.

"Bakit ka sumama sa Kuya mo kung gano'n?" Tanong ko.

"Wala lang, gusto ko lang sumama. Paki mo ba?" Nagulat ako nang irapan niya ako.

Napaka ano talaga.

"Wala naman akong paki, nagtanong lang." Saad ko, ginaya ang sinabi ni Charles Kevin sa akin dati.

Muli ay napairap siya. Tumaas sa ere ang kamay niya at naramdaman ko nalang na nakahawak na siya sa tainga ko, hawak ang hikaw ko.

"Pretty."

"Hoy bata! Anong ginagawa mo?" Biglang dumating si Charles Kevin at ngayon ay nakasuot na siya ng barong. Para siyang 'yong sa sinaunang panahon na manghaharana sa gabi sa labas ng bahay ng dalaga. Sana ay mayroon pa ng gano'n ngayon. Pero mukhang malabo na yata.

"Umalis ka rito," Ani Charles Kevin, he's glaring at the guy.

Masamang tumingin sakanya ang kausap ko kanina habang nakanguso. Hindi siya nagsalita at umalis na lang pero hindi nila nilubayan ng masamang tingin ang isa't isa.

"Next," Ani ng photographer.

Napatingin ako kay Charles Kevin nung hawakan niya ang kamay ko. "Tara," Aniya. Tumayo ako kahit na nagtataka.

"The time is running, I don't want to—" Kusang napatigil sa pagsasalita ang photographer nang mapatingin sa'min. I mean... sa akin lang pala. Nakaawang ang labi niya habang nakatingin sa'kin.

"Stop staring at my girl."

Lumingon ako kay Charles Kevin at ngayon ay sobrang diin na ng tingin niya sa lalaki. He clenched his jaw as he licked his lower lip.

The guy cleared his throat. Natauhan yata na kanina pa siya nakatingin sa'kin.

Nakatayo si Charles Kevin habang nasa harap naman ang photographer, naghihintay ng hudyat sa pag-click niya ng camera.

Akala ko ay tapos na pero nanlaki ang mata ko nang lumapit siya sa'kin at hinila patayo bago kami sabay na tumayo sa harap ng photographer, hawak niya ng mahigpit ang kamay ko.

"Another payment," Saad ng photographer bago ibaba muna ang camera na nakasabit sa leeg niya.

Kailangan pang magbayad ni Charles Kevin para lang magka-picture kami ng magkasama. Bibitaw na sana ako sa kamay niya nang higpitan niya ang pagkapit dito.

'Wag niyang sabihing magpapakuha parin kami ng litrato kahit na may dagdag na babayaran? Sabagay, bakit niya pa ba ako pinagsuot ng dress kung hindi niya naman pala ako isasama sa picture.

"I'm willing to pay. Just to see us in one frame, both smiling."

The Unwanted [Under Editing]Where stories live. Discover now