Kabanata 37

45 2 0
                                    

Kabanata 37: It's My Birthday.

18. Buwan ang lumipas na parang kay bilis. Ngayon ay araw ng aking kaarawan. As usual, walang naka-alala. Walang may alam, walang nakakaalam...

"Ang sabi ni Ma'am Tanya ay sa'yo raw ipasa ang mga activities," Saad ni Janine at basta nalang inilapag ang mga bond paper mula sa iba naming kaklase.

"Teka, a-ang dami nito, pwede ba a-akong magpatulong?" Tanong ko.

Ang aga ko pumasok kanina pero ito naman pala ang naghihintay sa akin. Ang magbitbit ng mga activities. Ang dami kayang pinagawa ni Ma'am kanina. Poster, Slogan and collage. Kamusta naman 'yong magbi-bitbit?

Tinaasan niya ako ng kilay. "Sa tingin mo?"

Natahimik ako. Sabi ko nga bawal.

"Hoy! Tinatanong kita,"

Napaangat ako ng tingin sakanya. "H-Ha?"

Umirap si Janine at kinuha ang ibang activities ng mga classmate namin. Ngumiti siya, "Mataray talaga ako, masanay kana, dahil ngayon best friend na kita." Aniya na nagpaawang sa aking labi at napatulala nang makitang palabas na siya ng classroom.

Dali-dali kong binuhat ang mga bond paper at sinundan siya.

Totoo ba ang sinasabi niya? Best friend niya ako? Natural ay totoo! Ano kaba Cianelle kailan ba nagsinungaling iyang si Janine.

Noong nag away-away nga kami dahil sa report ay talagang isinumbong ni Janine sa Mama niya si Anna, ayon, pinagalitan at iyak naman ng iyak si Anna. Ang sabi pa ni Karina ay 'deserve'.

Napailing ako, mukhang kailangan kong pakisamahan si Janine. Ngayon lang may nag-claim na magkaibigan na kami. Oo, masamang kaagad na magtiwala pero ewan, gumaan 'yong loob ko sakanya.

"Here, Ma'am," Ani Janine at kumindat sa akin. Ngumiti naman ako sakanya at inilapag na rin ang mga dala ko.

Pagbalik namin sa classroom ay nakangiti akong umupo. Katulad ng dati ay nakahiwalay sila sa silya ko. Hindi ko alam kung bakit gano'n parin tingin nila sa'kin. Nagtino naman na isip ko. Hindi ko na sinasabunutan ang buhok ko.

Bumigat ang dibdib ko nang maalala na walang text o tawag si Charles Kevin simula pa kagabi. Nag good night lang siya kagabi, iyon lang.

Hndi niya ba maalala iyong araw na una naming pagkikita? Iyong araw na naramdaman kong kahit dumating ang kaarawan mo, wala mang bumati na kakilala mo ay mayroon at mayroon paring babati sa'yo na hindi mo kilala.

Nakakatuwang isipin na 'yong taong hindi mo kilala na bumati sa'yo ay siya pala ang magiging unang boyfriend mo.

"Missing someone?" Boses na nagmula sa likuran ko. Alam ko na kung sino.

"Of course, it's Charles." Saad niya pa at inusog ang silya palapit sa akin.

"H-Hindi—"

"Don't deny it. You know... that if you deny your boyfriend to others is so masakit?"

Napabuntong-hininga ako, oo nga naman, kung ako ay i-deny ni Charles Kevin sa iba ay masakit talaga kahit hindi mo alam.

"Bakit? Naranasan mo na ba?"

She smiled. "There, nagsalita ka rin. I want to talk to you, you know?"

"B-Bakit hindi mo ako kausapin?"

"Iyon na nga, kapag kinakausap kita ay umiiwas ka naman. It hurts you know?"

Napangiwi ako dahil sa kaka-you know niya.

"Anyways, yes, naranasan ko na. And it hurts a lot. I heard him saying that I'm not his girlfriend." Napa huhu pa siya. "Omg, can I cry ba here? Naiiyak na ako, ikaw kasi."

Muli ay napangiwi ako, ang OA niya, parang si Karina. Pero kung gano'n nga talaga kasakit. Then, I'll let her cry. Malay ko ba kung anong naranasan niya no'ng nagka-boyfriend siya. Wala akong alam kasi hindi ko pa nararanasan at 'wag naman sana.

"I hate him so much. If I have a gun now? I will pull the trigger right in front of his kabit."

Nanlaki ang mata ko. "T-Teka, ba't may baril? Bakit may kabit?"

Salubong ang kilay na ngumuso siya. "Tanungin mo siya," itinuro niya ang lalaki gamit ang nguso.

Napaawang ang labi ko. "Si Sir Calvin?!"

Her eyes widened at tinakpan ang bibig ko. "Omg! He's looking at our direction tuloy! You're nakakainis, you know?"

Ayan na naman siya sa kaka-you know niya.

"Good morning, class," Si Sir Calvin na pumasok na sa silid kaya naman walang nagawa si Janine kun'di tanggalin ang kamay niya sa bibig ko at bumalik sa sariling silya.

Pinandilatan niya pa ako na para bang sinasabi na 'shut up, you know.' of course I will. Katakot naman mahuli ng mga classmate namin. Alam kaya ito ng best friend niyang si Jasmine? Sa tingin ko ay oo. Sa tingin niya palang kay Sir Calvin ay parang gusto niya itong itumba ngayon din.

Napabuntong-hininga nalang ako at nakinig. Natapos ang klase at halata akong hindi tumitingin si Janine kay Sir Calvin kanina. Simangot ang mukha ni Sir na lumabas kanina at ngiting-ngiti naman si Janine.

"Mall tayo!" Aya niya. Hindi ko alam kung bakit hindi niya kasama ngayon si Jasmine. Panay ang kapit niya sa braso ko habang naglalakad. Sabay pa nga kaming kumain kanina sa canteen.

"S-Susunduin ko kapatid ko," Tanggi ko.

"Don't worry, may susundo na sakanya." Sagot niya at basta nalang akong hinila palabas ng gate.

"Gusto mo 'yan?" Tanong niya nang hawakan ko ang isang damit na kulay puti. Maganda sana ang tela pero no'ng pagtingin ko sa presyo ay naging pangit na sa paningin ko iyon.

"Hindi, pangit no'ng design," dahilan ko. Ang ganda sana, hayaan mo, kapag nagka-trabaho ulit ako ay babalikan ko ang damit na 'to.

"Cianelle! Alin mas maganda?" Ipinakita niya sa'kin ang mga dress, isang puti at isang pink. Itinuro ko ang puti. Nakakhumaling ang ganda ng disenyo. Kung susuotin niya ay para siyang dyosa.

"Kulay?" Tanong niya ulit. Hawak ang mga liptint.

"Pula, mas bagay sa'yo,"

"Alin mas maganda?" Muli ay ipinakita niya sa'kin ang mga hairpin.

"Yung plain," ang cute no'n kapag sinuot niya.

"Pakihawak nga, it's so mabigat, you know?"

Tinulungan ko siyang buhatin ang mga pinamili niya nang bumaba kami sa isang restaurant. Nagtaka ako nang ipabitbit niya sa akin lahat. Hindi ko na iyon pinansin nang pumunta kami sa garden sa likod ng restaurant.

Ano naman ang mayroon dito? Napakadilim, mabuti nalang at hawak ako ni Janine sa braso. Pero kapag tumakbo siya ay maiiwan ako rito.

Pinagpapawisan ako na kinakabahan at hindi ko alam kung bakit.

"Janine? A-Anong gagawin natin dito?"

Wala akong nakuhang sagot ngunit narinig ko ang pagpitik ng daliri niya.

Unti-unting lumiwanag ang paligid at nagsimula kong narinig ang musika, tunog sa violin pero wala akong ibang nakikitang tao kun'di si Charles Kevin at Karina.

Nakatayo si Charles Kevin sa gilid ng mga bulaklak na pinahugis puso, sa gitna niyon ay nakatayo si Karina na nakangiti at may hawak na malaking teddy bear.

Nagkikinangan ang mga nakasabit na ilaw at mapupulang rosas na nagkalat sa sahig.

"Happy Birthday!!" Boses ni Karina at Shine na basta nalang sumulpot sa harap ko at nagpaputok ng confetti.

Naluluha akong lumingon kay Janine, nakangiti na siya ngayon.

"That's my gift to you, it's your birthday, you know?"

The Unwanted [Under Editing]Where stories live. Discover now