Kabanata 5

63 4 0
                                    

Warning Trigger: Harassment.

Kabanata 5: Disgusted.

Pag-gising ko kaninang umaga ay wala ng tao sa bahay. Nakapasok na sila Ate Giselle at Sunshine. Si Mama ay wala rin dito dahil may pinuntahan yata.

Narito ako sa kusina at naghuhugas ng pinagkainan nila. Katulad ng sabi ni Ate ay hindi nga ako pumasok ng eskwela, dahil bukod sa itinago niya ang bag ko ay marumi rin ang uniform ko. Dalawa ang uniporme ko pero sinuot ko kahapon yung isa at yung isa naman ay alam kong dinumihan ni Ate. Katangahan ko rin kasi nakalimutan kong labhan ang uniform ko kagabi. Tuloy ay wala akong nagawa kun'di manatili rito sa bahay.

Napabuntong-hininga ako nang matapos sa paghuhugas ng pinggan. Nagsaing narin ako para pagdating ni Mama ay may sinaing na. Baka magalit na naman siya sa'kin at hindi ako papasukin bukas.

Ayokong may nakakaligtaan na gawain sa isang subject dahil malaki ang impact niyon sa grades ko.

Alam ko sa sarili kong napuyat ako dahil sa kaiisip sa message ni Charles Kevin sa'kin kagabi. Hindi ko rin alam sa sarili kung bakit hanggang ngayon ay iniisip ko pa rin iyon.

Tagaktak ang pawis na natapos ako sa mga gawain. Naglinis, naghugas, nagtupi ng mga damit, nagsaing at pati sa labas ay nagwalis ako dahil sa mga tuyong dahon na naglalagas sa malaking puno sa gilid ng bahay namin.

Nagpupunas ako ng seradura ng pinto nang biglang bumukas ito kaya napaupo ako. Nakita kong pumasok si Ate kaya mabilis akong napatayo at inayos ang buhok na ngayon ay gulong-gulo na.

"Ate..." Naiusal ko nang makitang hindi lang siya nag-iisa dahil may mga kasama siya. Napaatras nalang ako nang makita ang dala-dala ng mga classmate ni Ate Giselle.

Tumaas ang kilay niya na napatingin sa'kin. "Anong tinitingin-tingin mo riyan? Kumuha ka ng makakain sa ref at dalhin dito. Itikom mo yang bibig mo at 'wag na 'wag kang magsusumbong kay Mama. Naiintindihan mo?!" Mariing bulong niya dahil baka marinig kami ng mga classmate niya na isa-isa nang umuupo sa sofa.

Napalunok ako at bahagyang napaatras nang makitang madilim ang tingin sa'kin ng lalaking classmate rin ni Ate.

Nangangatal ang bibig na tumango ako. "O-Opo..." Mabilis akong umalis sa harap niya at nagtungo sa kusina para kunin ang ini-utos niya.

Nanginginig ang tuhod ko habang nakatingin kayla Ate na ngayon ay nagtatawanan na. Nakalapag sa lamesa ang mga bote ng alak na dala-dala ng mga classmate niya. Anim silang magkakasama. Dalawang lalaki at tatlong babae ang kasama niya.

Bakit sila narito at mag-iinom? Wala ba silang klase? At saka bakit dito pa sila mag-iinom? Paano kung mahuli sila ni Mama?

Huminga ako ng malalim bago pumunta sa sala at inilapag ang pitsel ng tubig at mga baso. Mabilis akong napaigtad nang hawakan ng lalaki ang kamay ko. Siya iyong lalaking nakatingin sa'kin kanina.

Inalis ko ang kamay niyang nakahawak sa'kin bago mabilis na tumakbo paakyat ng kwarto. Pinatunog ko ang aking daliri bago naupo sa kama. Ganito ang ginagawa ko kapag kinakabahan. Dahil para sa'kin ay sa gano'ng paraan nawawala ang kaba ko.

Kinuha ko ang cellphone sa aking kabinet at pinasadahan ito ng tingin. May mga message galing kay Charles Kevin, at sa pagkakaalam ko ay kagabi pa niya ito na send. Pinalitan ko na rin ang pangalan niya sa contacts ko.

Charles Kevin:
Sleep well, Miss.

Charles Kevin:
reply, Miss. Look oh, I'm sad :(

Charles Kevin:
Okay cge, text ka nalang pag-gising mo. Nyt²

Sa hindi malamang dahilan napangiti ako. Dahil sa sobrang pagod ay nakatulog ako habang mahigpit ang hawak sa aking cellphone.

Mabilis rin akong nagising nang makarinig ng yabag, napahawak ako ng mahigpit sa unan. Kusa akong napatayo nang bumukas ang pinto at iniluwa nito ang lalaking kanina pa nakatingin sa'kin pagkapasok niya pa lang sa bahay namin.

"B-Bakit po kayo n-nandito?" Tanong ko. Nanginginig ang tuhod ko sa hindi malamang dahilan, bigla na lamang akong kinabahan.

"Hinahanap ko yung banyo, sa'n ba dito?" Tanong niya pero madilim parin ang tingin sa'kin. Napaatras ako ng unti-unti siyang lumalapit sa'kin. Pasuray-suray pa ang lakad nito.

"W-Wala po---" Nahigit ko ang aking paghinga dahil sa bilis ng pagkalapit niya sa'kin. Amoy na amoy ko ang alak sa hininga niya, lasing na siya.

Humugot ako ng lakas ng loob bago siya itulak ng marahan para makadaan ako at makalabas ng kwarto. I screamed when he suddenly grabbed my hand. Mahigpit ang hawak niya rito kaya nagpumiglas ako.

Akma akong sisigaw nang tinakpan niya ang bibig ko at isinandal ako sa pader. Nanlaki ang mata ko nang ngumisi siya. Pilit kong inaalis ang kamay niyang nasa bibig ko ngunit sobrang higpit nito mas lalo lang akong hindi makahinga dahil sa ginagawa ko.

Nagpumiglas ako at sinuntok siya sa dibdib ngunit hindi man lang siya natinag. Hinuli niya ang mga kamay ko gamit ang isang kamay habang ang isa n'yang kamay ay nasa bibig ko parin.

Tumulo ang luha ko nang maramdaman ang labi niya sa leeg ko. Sumisigaw ako sa ilalim nang pagkakatakip niya sa bibig ko.

"Don't move," Usal niya habang patuloy ang paghalik sa leeg ko.

N-No...

Umiling-iling ako at gamit ang natitirang lakas ay sinipa ko ang nasa gitna niya kaya napabitaw siya sa'kin. Panay ang mura niya habang nakahawak roon.

Ginamit ko ang sitwasyong 'yon para makalabas ng kwarto. Naabutan ko pa sila Ate Giselle na nag-iinom parin habang ang ibang classmate niya ay tulog na, gawa ng kalasingan.

Hindi niya ako napansin na lumabas ng bahay. Takbo lang ako ng takbo. Natatakot ako, takot na takot na baka sundan ako no'n.

Napaupo ako sa gutter habang mahigpit ang hawak sa suot kong damit. Napatingin rin ako sa lap ko nang makitang may mga pasa ito dahil sa panlalaban ko kanina.

Ano ang naging kasalanan ko para pagdaanan ang lahat ng ito? Napahagulhol ako habang kinukuskos ng mariin ang leeg ko. Pinunit ko pa ang laylayan ng suot kong damit para lang punasan 'yon.

Nandidiri ako...

Diring-diri ako...

The Unwanted [Under Editing]Where stories live. Discover now