Kabanata 26

49 3 0
                                    

Kabanata 26: Unfair.

"Tita..."

Inihatid ako ni Charles Kevin kanina sa bahay at naabutan ko si Tita dito sa sala kausap si Mama.

Iyong tungkol sa Mama niya ay hindi na namin napag-usapan pa, alam kong iniiwasan niya iyon sambitin habang magkasama kami kaninang dalawa. Imbes na damdamin ang pakikitungo sa'kin ng Mama niya ay ipinasyal niya na lamang ako para mawala ang lungkot ko. Ayaw na nga sa akin ni Mama tapos pati Mama niya ay ayaw rin sa akin.

Tita Nellie looked at me. "Halika rito, Cianelle." Aniya.

"Don't you dare, Ate."

Hindi ko pa man naihahakbang ang paa ko ay narinig ko na si Mama na nagsalita. Nang lingunin ko ay masama na ang tingin niya kay Tita Nellie.

Si Tita Nellie ang kanyang nakatatandang kapatid. Dalawa lang silang magkapatid, sa tagal ng panahon ay hindi ko kailanman nakita ang mga anak n'ya. O kung may anak ba talaga s'ya. Minsan lang s'yang dumalaw rito pero palagi s'yang may pasalubong sa'kin, pero ngayon ay wala akong nakikita ni-isa.

Hindi ko alam kung bakit ganito sila umasta. Ano ang nangyayari at bakit parang may galit sila sa isa't isa?

Tumayo si Tita Nellie at lumapit sa'kin. Napatayo rin si Mama habang masama pa rin ang tingin kay Tita.

"Ano pong... nangyayari?" Nagtataka ako kung bakit ganito ang asta nila. Samantalang kapag bumibisita na man si Tita rito sa bahay ay maayos lang silang nag-uusap ni Mama.

"Umakyat ka na sa taas, Cianelle." Seryosong saad ni Mama. Imbes na sa'kin nakatingin ay kay Tita Nellie ang kanyang paningin.

Sa takot na baka sigawan ako ni Mama ay sumunod na lang ako pero hindi pa man ako nakakahakbang ay nahawakan na ni Tita ang braso ko.

"Ate, ano ba?!" Lumapit sa'min si Mama at hinawakan ang kabila kong braso. Hindi ko alam ang nangyayari dahil kauuwi ko lang. Wala pa nga dito si Ate at Shine. Mas mabuti na iyon na hindi nila ito alam.

"Bumitaw ka Maycee!" Sigaw ni Tita pero hinigpitan ni Mama ang hawak sa braso ko, na para bang ayaw niya akong mawala at pakawalan.

"Ate, hindi pwede! Alam mo kung ano ang nangyari sa'kin. Alam na alam mo kung paano ako nagdusa dahil sa demonyo'ng 'yon! Alam mo!"

"Pero hindi mo maalis sa isip mo na ginusto niya rin ang nangyari! Ginusto niya, Maycee! Buksan mo ang isip mo at makinig ka sa'kin!"

Marahas na umiling si Mama. "Hindi! Hindi totoo iyan! Umalis ka na at 'wag na 'wag ka nang pupunta rito!"

"Ma!" Awat ko, anong hindi na niya pababalikin si Tita? May kasalanan ba si Tita sa kanya kaya ganito nalang s'ya kung magalit?

"Umalis ka na, Ate!"

"Hinding-hindi ako aalis hangga't hindi sumasama sa'kin si Cianelle."

"Ano?!" Tumingin si Mama kay Tita na magkasalubong ang kilay at masama na ang tingin sa kanya. "At ano ang gagawin mo ha?! Dadalhin mo do'n sa hayop na iyon?! Bakit ba ang hirap mong intindihin na wala s'yang kwentang tao! Wala! 'Wag na 'wag mong kukunin ang anak ko, Ate."

Hinihingal na lumingon sa'kin si Mama. Padarag n'yang hinila ang kamay ko kaya napabitaw sa'kin si Tita. Sinamaan niya ng tingin si Mama. Hindi ko alam ang nangyayari at mas lalong hindi ko alam kung ano ang pinag-uusapan nila.

"Kailangan n'yang makilala ang tatay niya."

Mabilis akong napalingon kay Tita nang sabihin niya ang salitang iyon. Tatay... Kilala niya ang tatay ko at ipapakilala niya ako rito? Pagkakataon ko na ba 'to? Pagkakataon ko na ba na makita at makasama ang Ama ko?

"Wala s'yang Ama, Ate!" Nagulat ako nang bigla na lang tumulo ang luha ni Mama. "Wala..."

"Ma..."

"Hindi mo kailanman maitatago ang katotohanan Maycee. Kailangan niya rin ng Ama. Alam kong matagal ng gusto ni Cianelle na makita ang Tatay niya! May karapatan din siya, Maycee!" Hinawakan ni Tita ang kamay ko. Napabitaw sa'kin si Mama dahil sa panghihina, napayuko siya.

"Dadalhin na kita sa kanya." Hindi ako makaangal at basta nalang napatianod kay Tita Nellie.

Isang hakbang palapit sa pinto habang hawak ni Tita ay narinig namin ang sigaw ni Mama.

"Sige! Sige at sumama ka sa Tita mo! At hindi mo na kailanman makikita pa si Sunshine!"

Napako ako sa kinatatayuan at hindi na halos makagalaw. Napalunok ako at hindi ko alam sa sarili ko kung bakit tumulo ang luha ko. Gustuhin ko mang makita ang Tatay ko ay hindi pwede dahil alam kong ano mang oras ngayon na sumama ako kay Tita ay alam kong hindi ko na muling makikita pa si Sunshine.

Nilingon ko silang dalawa bago dahan-dahang umiling. "Ang unfair niyo..."

Pinunasan ko ang aking luha bago patakbong lumabas ng bahay. Wala akong pakialam kung tinatawag pa ako ni Mama. Panay ang hawi ko ng mga luha na dahan-dahang tumutulo. Marahas ang paghawi ko pero ayaw parin tumigil.

Napapikit ako nang maalala ang Mama ni Charles Kevin na ayaw sa akin. Ano ang mayroon sa'kin na ayaw nila? Dahil ba... Anak ako sa labas? Hindi ko kasalanan iyon na hindi pinakasalan ni Papa si Mama. Bakit nga ba gusto ko pang makita ang Ama ko? Paano kung ayaw niya rin sa akin? Ayaw ko na rin sa kanya. Ayaw ko na siyang makita kung gano'n. Pero bakit may parte sa puso ko na gustong-gusto ko siyang makita at mayakap?

"Love," Napaangat ako ng tingin sa nagsalita. Mabilis kong pinunasan ang mga luha ko sa pisngi at pilit na ngumiti sa kanya.

"A-Anong ginagawa mo dito?" Imbes na sagutin ang tanong ko ay lumapit siya sa'kin at yinakap ako... Yinakap niya ako ng mahigpit habang hinahaplos niya ang aking buhok.

"It's okay, love. It's okay to cry."

Sa isang iglap ang ngiti ko ay naglaho. Unti-unti ay ibinaon ko ang mukha ko sa kanyang leeg at naririnig ko nalang ang sarili kong humihikbi. Napahagulhol ako at alam kong basa na ang balikat niya dahil sa mga luha ko.

The Unwanted [Under Editing]Место, где живут истории. Откройте их для себя