Kabanata 30

54 3 0
                                    

Kabanata 30: Sikretong malupit

"Damn it,"

"Ayos ka lang ba?"

He looked at me. "Mukha ba akong okay, Love?"

Itinikom ko ang aking bibig para pigilan ang pagtawa. "Sorry na, nag enjoy ka na man 'di ba?"

Blangko ang mukha na tumitig siya sa'kin na para bang may nasabi akong mali. Mayroon ba?

"Get in the car," Sumunod ako at pumasok sa kanyang kotse. Nakita ko si Shine na natutulog na sa back seat habang yakap-yakap parin ang kan'yang stuffed toy. Mukhang napagod siya. Ako din naman, ewan ko lang kay Charles Kevin dahil simula yata una ay uwing-uwi na siya.

"Ipapasara ko na talaga 'yan." He's glaring at the Amusement park.

Nakagat ko ang pang-ibabang labi dahil ayaw kong magpakawala ng bungisngis.

"Hindi naman sayo 'yan e,"

"Bibilhin ko 'yan tapos ipapasara ko."

Gano'n ba sila kayaman para lang makabili ng ganito kalaking Amusement park?

"Sayang naman kung bibilhin mo at ipapasara lang. E'di sayang 'yong pera mo."

Nakanguso siyang lumingon sa'kin. "Ayoko ng sumakay doon, Love."

Hinawakan ko ang kamay niyang nakahawak sa clutch, napatingin siya sa'kin at ngumiti. "Hindi na, Love."

Nang maihatid kami ni Charles Kevin sa bahay ay pumasok kami kaagad pagkatapos nagpaalam sa kanya. Muntik ko pa ngang buhatin si Sunshine dahil ayaw pa niyang gumising, inakala yatang nasa kwarto lang siya at natutulog.

Naabutan namin si Ate na nasa sala at abala sa pagtanggal ng mga kalat na alam kong pinagkainan nila. Umuwi na ba ang mga classmate niya? Bakit hindi man lang siya tinulungan ng boyfriend niya magligpit?

Pinauna ko na si Shine sa taas ng kwarto upang matulog na. Ginabi kami ng uwi kaya alam kong pagod na pagod siya. Sumunod naman agad siya kaya lumapit ako kay Ate para tulungan siya.

"Ako na po, Ate." Napalingon siya sa'kin na para bang ngayon lang niya ako napansin na dumating.

"Oh? Umuwi ka pa?"

Napayuko ako. "Namasyal lang po kami ni Shine, Ate. Nasa'n na po 'yong mga classmate mo, Ate?"

Tinaasan niya ako ng kilay. "Bakit ka nagtatanong? Kung tutulong ka ay tumulong ka! 'Wag ka ng tanong ng tanong."

Napalunok ako't napatango sa kanya. Tinulungan ko siyang mamulot ng mga kalat at ako na rin ang naghugas ng mga pinagkainan nila. Wala pa rin si Mama kaya magtataka na ako kung bakit palagi nalang ito wala sa bahay.

Nang matapos sa ginagawa ay napalingon ako sa sala. Wala na ro'n si Ate. Mukhang pumasok na sa kwarto niya.

Napatingin ako sa pintuan ng bumukas ito. Nakita ko si Mama na diretsyong napatingin sa akin. Kita ko ang gulat sa mga mata niya, pero pinanatili niya ang seryoso niyang mukha.

"Saan po kayo galing? Gusto niyo po ba munang kumain?" Lumapit ako sa kanya pero umatras siya. Nangunot ang noo ko dahil doon. May problema ba kayo Ma?

"Busog ako, bakit ka ba nagtatanong? At bakit gising ka pa? Ano at bakit gan'yan ang suot mo?"

Napatingin ako sa suot kong bohemian dress at doll shoes. Nakalimutan kong magpalit muna ng damit dahil sa pagtulong kay Ate. Mabuti na iyon kaysa maabutan ni Mama ang kalat rito at magtanong.

"A-Ano po, namasyal po kami ni Sunshine."

"Bakit hindi ka pa natutulog?" Sa unang pagkakataon ay kinausap niya ako sa maayos na tono. Napangiti ako.

"Matutulog na po ako, Ma. Matulog na rin po kayo, mukha po kayong pagod."

"Umakyat ka na, Cianelle. Matutulog na rin ako maya-maya." Aniya kaya hindi na ako nagdalawang isip na umakyat pero hindi ako tuluyang pumunta sa kwarto. Nasa gitna ako ng hagdan na alam kong hindi niya ako makikita.

Sinilip ko si Mama at gano'n na lang ang gulat ko ng makita s'yang parang nanghihina na napaupo sa malapit na sofa. Sapo ang mukha at umuuga ang balikat. Maya-maya lang ay narinig ko ang hikbi niya.

Napaawang ang aking labi dahil sa nakikita. Bakit umiiyak ang Mama ko? May nangyari ba? Kahit gusto kong lumapit ay hindi puwede dahil natatakot ako na kapag lumapit ako ay hindi na siya umiyak at hindi mailabas ang kung ano mang sama ng loob ang kinikimkim niya.

Bumigat ang dibdib ko at lumungkot ang mukha habang nakatingin kay Mama nang lumakas ang hikbi niya. Napasapo ako sa bibig ng unti-unting tumulo ang luha ko. Bago pa ako makagawa ng ingay ay maingat akong pumasok sa kwarto namin ni Shine.

Ano ang problema ng Mama ko hmm?

Tuloy-tuloy na umagos ang luha ko. Hindi ko maisip na may ganito pa lang dinadamdam si Mama. Gusto ko siyang yakapin ngayon at patahanin saka tanungin kung ano ang problema niya.

-

Kinabukasan ay maaga akong bumaba sa sala upang maghanda ng almusal namin. Maaga pa naman at alam kong hindi ako mali-late sa school. Nagluto lang ako ng sinangag at pin'rito ang hotdog at itlog na nasa ref. Ako pa ang bumili no'n.

Pagkatapos ay inihain ko na iyon sa lamesa. Kinatok ko ang kwarto ni Ate na kaagad niya naman binuksan. Naka suot na siya ng uniform niya at nagsusuklay ng buhok.

"Kain ka na po," Sinilip ko kung naroon pa si Mama sa kwarto niya pero wala akong nakita. Saan kaya pumunta?

"Tabi." Ani Ate Giselle kaya tumabi ako at pinadaan siya. Nang makita kong kumakain na siya ay mabilis akong pumunta sa itaas, sa kwarto namin at ginising si Shine.

Kinusot niya naman ang kanyang mapupungay na mata saka bumangon. Mabilis niyang hinagilap ang kanyang stuffed toy at nang makita ay yinakap niya kaagad ito.

"Maliligo na po ako, Ate." Aniya at magiliw na lumabas ng kwarto at pumasok sa banyo. Pagkatapos niya ay binihisan ko na siya saka ako naman ang naligo at sinabi sa kanya na hintayin ako at kumain na at ako na ang maghahatid sakanya.

Nang bumaba ako ay hindi ko na nakita si Ate Giselle, mukhang nauna ng pumunta sa school nila. Naabutan ko naman doon si Shine na maganang kumakain ng paborito niyang hotdog.

"Kain na, Ate." Aniya, puno pa ang bibig. Palagi kong sinasabi sa kanya na huwag magsasalita kapag puno ang bibig, pero mukhang nakakalimutan niya iyon kapag kumakain na.

Inabot ko ang bibig niya at pinunasan, may bahid kasi iyon ng ketchup. Ngumiti siya sa'kin bago nagpatuloy sa kinakain. Ako naman ay nagsimula ng kumain.

Hanggang ngayon ay pala-isipan parin sa'kin kung bakit umiiyak si Mama. Bumibigat ang dibdib ko kapag naaalala 'yon. Hindi ko kayang nakikita siyang umiiyak. Mas mabuti nang umiyak siya dahil sa saya hindi 'yong dahil sa problema.

"Ate, pupunta pa po ba tayo sa pinuntahan natin kahapon? Gustong-gusto ko po makasakay ulit doon sa kabayo, pero kasama na po si Yellow." Ipinakita niya sa'kin ang kanyang stuffed toy na larva na kulay dilaw na ibinili sa kanya ni Charles Kevin.

Bigla kong naalala ang sinabi ni Charles Kevin na ayaw niya na daw pumunta doon at kapag nabili na niya 'yon ay ipapasara niya na 'yon.

Natatawa akong tumingin kay Shine. "Mukhang hindi na natin mapipilit si Charles Kevin."

Humaba ang nguso niya. "Ngi, e'di hindi na makakasakay si Yellow doon. Sige na, Ate, pilitin mo po so Kuya Charles. Promise po, behave na ako." Itinaas niya ang kanang palad.

"Sige... Pero hindi ko pa sigurado kung papayag siya ha?"

"Yey! Kapag po hindi siya pumayag ay may sasabihin ako sa kanya." Ngumisi siya.

"Ano'ng binabalak mo ha?"

"Sikretong malupit!" Napailing na lang ako dahil pati siya ay nahahawaan na ng mga pinagsasabi ni Charles Kevin.

The Unwanted [Under Editing]Hikayelerin yaşadığı yer. Şimdi keşfedin