Chapter 42

13.9K 555 84
                                    

NAPAUNGOL SI Lorch hindi lang dahil masakit ang likod niya, pati rin ang ulo niya ay masakit dahil sa paglalasing niya

"Fuck..." he cussed, gripping his pillow when one short move was enough for the excruciating pain to assault his back.

Bumilis ang paghinga niya para tiisin ang sakit saka inalala ang mukha ni Saskia at ang pagbubuntis nito. She's his way to divert his mind away from the pain he is in right now. Napanaginipan niya rin ito.

"Sober?"

Natigilan siya ng marinig ang boses ng dalaga. Ilang sandali pa ay nasa tabi niya na ito.

"Ayos ka lang, baby?"

Napalunok siya. Fuck! She's here!

"W-what are you doing here?"

"I'll be looking after you." Bumuntong-hininga ito. "I cooked food for you. Mamaya lang ay pupunta dito si Unx para bigyan ka ng IV bag at painkiller—"

"No! I don't want any of it!" Sinubukan niyang gumalaw para maupo pero pinigilan siya nito.

"You have to. That's an order."

Lumamig ang tingin niya kay Saskia. He loves her, there's no question about that but she can't just force him to take some things that bring enormous fear to him.

"Get out," he coldly told her.

Natigilan ito at tumitig sa kanya. But Lorch saw the hurt in her eyes and it was a painful sight to see. Pero dapat magtanong rin ito kung gusto niya.

"Sure..." anito saka tumayo. "Though keep in mind the moment I get out of your room you are not going to see me again."

Natulala siya at parang may dumagan sa dibdib niya. Mariing naglapat ang ngipin niya.

Pinulot nito ang bag nito saka naglakad papuntang pintuan at kahit na kapalit ng pananatili nito ang posibilidad na pwede siyang maturukan ay tinawag niya parin ito.

"Saskia, stay," he said, calling her by her name because he can't bring himself to call her luv when she's giving him no option at all.

"Okay." Bumalik ito saka malawak na ngumiti. "Gusto mong kumain, baby?"

Umiling siya dahil nakakawalang gana ang ginagawa nito.

Binaling niya ang mukha sa kabila para hindi nito makita ang dilim ng mukha niya. He's hating the fact that Saskia is not asking him if he wants those damn injections or not. And she seems not interested at all if he wants it or not.

"Baby, galit ka ba?" Tanong nito.

Pinikit niya ang mata at napipilitang sumagot.

"Yes," he answered honestly.

"Ako rin galit," anito. "I'm mad at how you keep on hiding things away from me. From your connection to my dad to Youri's status, the bodyguards, and now this. Gusto mo dagdagan ko pa ang sugat mo, baby?"

"You can't do that."

"Sugat na hindi mo makikita baby pero mararamdaman mo."

Gumalaw ang panga niya sa narinig. "Are you threatening me of you leaving me for good?"

"Hmm—"

"That is way more painful than my wounds, Saskia. You are my lifeline now. Losing you is a death sentence." Malamig niyang saad.

"Wala naman akong sinabing iiwan kita. Pero syempre dahil sa dami na ng nakalista mong kasalanan sa akin bibigyan na kita ng matagal na punishment," anito sa kalmadong boses. Well, she has been calm and composed since she popped up. She doesn't look mad or worried.

Lorch CrownWhere stories live. Discover now