30.

638 32 5
                                    

RAFAELA

Padabog akong lumabas ng opisina. May sari-sarili kaming kwarto rito sa firm at nakalagay sa harap ng bawat glass door ang kanya-kanya naming pangalan ng mga associates. Mas malaki ang opisina ng mga managing partners na sina Attorney Lee, Attorney Lim at Attorney Tuviera, kasunod ang mga senior associates na matagal na ring mga abogado.

Dahil bago pa ako at kakapasa lang sa bar, maliit ang opisina ko bilang junior associate pero masaya ako ro'n. Lalo na kapag nakikita ko ang pangalan ko sa glass door, 'Atty. Rafaela Zaylee Canlas'—a reminder of my hard work for that four-letter title.

Ngayon, ni hindi ko matignan 'yon na hindi nakikita ang sa kanya. Kaya iritado akong lumingon sa kanan at pinagmasdan ang maintenance sa inaayos niyang opisina na katabi ng akin. Bago na ang pangalan sa glass door mula sa dating abogado na umalis na sa firm, pero kabisado ko ang bawat letra nito.

Atty. Achilles Zain Salazar—a reminder of my heartache.

"Attorney Canlas, pinapatawag na po kayo ni Sir Benj para kumain," sabi ng sekretarya habang nakatalikod ako sa kanya at ang mga mata ko ay nasa pangalan na pinagmamasdan ko.

"I'll be there in a minute. Thank you," I replied before closing my eyes.

Napahawak ako sa sentido at huminga nang malalim bago tinungo ang malawak na pantry sa firm kung nasa'n ang dining area. Dito kami sabay-sabay na kumakain kapag may okasyon o kapag may nanlilibre mula sa mga managing partners.

Kaya kahit halos isang buwan pa lang ako, masaya ako dahil generous ang mga boss dito. Maayos din ang mga benefits at professional lahat ng katrabaho ko. Marami akong natututunan lalo sa mga managing partners na talagang hands-on sa mentorship.

Hindi na nga lang ako sigurado kung masasabi ko pang masaya pa rin ako ngayong nandito na si Ace. Mukha lang akong matapang no'ng nagpaalam ako sa kanya pero ang tagal kong binuo ang sarili ko para masabi kong ayos na ako. Dahil kahit nagpaalam na ako noon, may mga gabing masakit. May mga gabing luha lang ang sagot na isinusukli ko sa sariling tanong kung bakit hindi ako naging sapat. At kung bakit huli akong pinili.

Ngayon, may mga tanong na naman sa isip ko. Bakit? Bakit pagkatapos kong mabuo, babalik siya? Bakit ang liit ng mundo para sa akin pagdating sa kanya?

Bakit parang hindi ako pwedeng umusad?

"Rafi, eat..." rinig kong sabi niya habang nakatayo siya sa harap ko.

Napamura ako sa isip habang nararamdaman ko ang mga matang nakatingin sa akin. Kumpleto rito sa firm ngayon kaya hindi ako pwedeng magpahalata at mag-attitude. Kailangan kong ngumiti at kunin ang plato na inaabot sa akin ni Ace kahit gusto kong magbasag sa harap niya.

"Thank you... Ace," mahina kong sabi, naiilang sa lapit niya.

"You both attended Athenas for law school, right? Same batch?" tanong ni Sir Maverick.

Gusto kong sabihin sa kanya na ayokong pag-usapan kung ano man ang nagduduktong sa nakaraan namin ni Ace kahit pa sa simpleng bagay tulad ng law school o batch pero wala silang alam kaya isang inosenteng tanong lang 'yon. Inosente pero nagbabalik ng sakit.

"Opo," maikling sagot ko. Sinubukan kong ituon ang atensyon ko sa pagkuha ng ilang pagkain pero hindi ako makagalaw kaya binawi ni Ace ang plato sa kamay ko.

Part One: Not Like the MoviesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon