194.

783 25 2
                                    

FLASHBACK

Erpats

7:35 pm
Bakit ka nag-iwan ng sobre ng pera sa study ko, anak?

7:37 pm
Unang sweldo ko 'yan.

7:39 pm
Bakit hindi mo itabi para may extra ka?

7:41 pm
La lang. May pera pa naman ako.

7:43 pm
Tsaka pa-thank you 'yan na pinatuloy mo ako sa bahay mo dahil tinapon ako ni Anna dito. Makakabukod din naman ako kapag nakaipon.

7:45 pm
Hindi mo naman kailangan bayaran 'yon. This house is yours as much as it is mine. Ilang beses ko namang pinaalala sa'yo 'yon, anak. At hindi naman kita pinapabukod.

7:46 pm
Kunin mo na. Sa'yo talaga 'yan.

7:47 pm
Thank you rin pala sa bago kong belt. No'ng una kong araw sa trabaho.

7:48 pm
Nagustuhan mo ba?

7:50 pm
Oo. Mahal 'yon ah? Pwede naman ako kahit ano lang.

7:51 pm
Nakita ko ilang araw mo nang tinitignan 'yon sa computer mo.

7:53 pm
Dapat bumili ka rin ng iyo. Kahiya naman sa'yo, ako lang ang pogi.

7:54 pm
Ayos lang 'yon. Alam naman nila kung kanino ka nagmana.

7:55 pm
Parang hindi naman sa'yo. 😂

7:57 pm
Sus. Halika na. Lumabas ka na sa kwarto. Kakain na.

7:59 pm
Sabayan mo na ako.

8:00 pm
Pwede?

8:02 pm
Bakit hindi?

8:04 pm
Hindi kasi ako pinapasabay kumain ni Anna kapag nando'n ako. Sa kwarto lang ako o mauuna sila tsaka ako tatawagin.

8:05 pm
Tapos nasanay na ako. Kaya kapag nandito ako sa'yo, nauuna na akong kumain. Para kung ayaw mo 'kong kasabay, hindi ko mararamdaman.

8:06 pm
Kapag nandito ka, sasabayan kita.

8:07 pm
Ayos lang ako, Benj. Wala tayong kailangan baguhin. Sanay ako. 🙂

Part One: Not Like the MoviesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon