195.

935 33 5
                                    

FLASHBACK

abo-gwapos ⚖️
Active Now

FRI 7:56 PM

Ethan Paras
Benj, ano'ng oras ka dadating? Kahit daan ka lang sa celebration ng inaanak mo. 😊

Benjamin Tuviera
Please tell Elliot I said congrats! Mahusay, top one sa bar!

Benjamin Tuviera
'Pag uwi ko na lang ang regalo ko sa kanya. Babawi kamo ako. Pasensya na rin, Ethan. May aasikasuhin lang ako.

Ethan Paras
Saan ka pupunta?

Benjamin Tuviera
I'm flying to Cebu, paps. Umalis na si Anthony sa bahay.

Paxton Lim
Ano'ng gagawin mo sa Cebu!?

Benjamin Tuviera
Do'n nagpunta si Anthony. May hahawakan daw na malaking project sabi ni Thirdy. Ayaw lang daw ipasabi sa akin kung saan siya mismo sa Cebu.

Benjamin Tuviera
Buti ibinigay ni Apollo 'yong address ng apartment. Susundan ko lang.

Paxton Lim
Hanggang kailan kayo ro'n?

Benjamin Tuviera
Isang taon daw 'yong anak ko ro'n. Kaya baka ilang buwan din ako do'n, Pax. Sisiguraduhin ko lang na maayos siya. Kayo muna ang bahala ni Mav sa firm.

Paxton Lim
Oh sige. Unahin mo muna si Tunying.

Ethan Paras
Papakita ka ba?

Benjamin Tuviera
Kahit hindi na. Gusto ko lang makita kung maayos ang anak ko do'n. Pati ang tutuluyan niya

Benjamin Tuviera
Kinausap ko na 'yong landlord sa apartment niya na araw-araw akong magpapaabot ng pagkain.

Benjamin Tuviera
Nagbilin na rin ako kay Apollo na dagdagan 'yong allowance niya galing sa trabaho, ako na lang mag-shoulder. Para ginhawa siya do'n.

Paxton Lim
Hindi na naman alam ni Tunying mga ginagawa mo para sa kanya. Sabihin mo na, kaysa lalong nagkakasama ng loob sa'yo.

Benjamin Tuviera
Hindi naman kailangan malaman ng anak ko lahat ng ginagawa ko para sa kanya. Ayokong magbilang. Gusto ko lang maging tatay, kahit malayo na. 🙂

Part One: Not Like the MoviesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon