144.

845 31 3
                                    

RAFAELA

Hinatid din ako ni Zy pabalik sa apartment ko pagkatapos naming mag-dinner at mag-catch up. I cried too. May mga bagay na tumatakbo sa isip ko pero ayaw kong maging makasarili. Gusto ko pa ring unahin si Anthony pero may mga araw na masakit. May mga araw na gusto kong lumapit pero parang ang layo-layo niya ngayon. Kaya mas pinili kong bigyan siya ng oras kaysa ipilit sa kanya na nandito pa rin ako.

Alam ko naman kasi na kahit sa anong paraan ko siya bigyan ng kasiguraduhan, hindi ako sapat para punan lahat ng hinahanap niya. Lahat ng pagkukulang ng mga magulang niya. Pero gusto ko ring makita niya na hindi ako takot sumubok paulit-ulit. Kahit sa ilan pang tahimik na pagtataboy niya.

"Huh?" nagtatakang pakawala ko nang makita ang isang kraft paper bag na nakasabit sa doorknob ng apartment ko. I don't remember ordering something.

Naisip ko na baka mali 'yon at hindi para sa akin pero nakita ko ang pangalan ko sa asul na sticky note kaya kinuha ko 'yon bago pumasok sa loob.

Hinubad ko ang suot kong heels bago naupo sa sofa para buksan ang paper bag. Nakita ko ro'n ang isang plastic container na may lamang ilang piraso ng mga lumpia at suka. Sa ilalim nito, may isang Megamind plushie.

At kahit pangalan ko lang ang nakasulat sa sticky note, alam ko na agad kung kanino galing 'yon. Kaya kinuha ko ang stuffed toy at inilapit sa dibdib ko. Mahigpit ko 'yong niyakap habang tahimik na umiiyak.

I know it's from Anthony.

I miss him a lot.

And I don't know what to do with his hurt.

I don't know how to make it go away for him.

Kaya paulit-ulit akong bumulong ng pagpapatawad sa laruan na hawak ko. Dahil kahit 'yon, pati 'yon... malungkot ang mga mata.

"I'm sorry..."

'Yon lang ang tangi kong kayang sabihin. Humihingi ako ng tawad para sa lahat ng taong nanakit at tumalikod sa kanya. Humihingi ako ng tawad para sa kahulugan ng pagmamahal na ipinagkait sa kanya.

Humihingi ako ng tawad para sa mga sugat niyang hindi nabigyan ng pagkakataon gumaling dahil paulit-ulit din itong tinutuklap at hinihinog ng sakit.

Humihingi ako ng tawad para kay Anthony.

At baka sakali, maging sapat kahit ako lang.

Kahit ako lang muna ang magdala ng pagmamahal para sa aming dalawa.

Part One: Not Like the MoviesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon