89.

649 30 2
                                    

Erpats

8:34 am
Nakita ko kayo kahapon ni Rafaela. Isang buwan na, hindi pa rin ba tapos 'yan, anak?

8:35 am
Benj, totoo na 'to.

8:37 am
Gusto mo na?

8:39 am
Yes.

8:41 am
'Wag mo na kontrahin. Bihira ako maging masaya. Ibigay mo na 'to sa akin.

8:43 am
Wala naman akong sinabi. Just looking out for the both of you.

8:45 am
Kung totoo na, sana seryoso ka na.

8:46 am
Benj, bakit ang hirap patunayan ng sarili ko sa'yo?

8:47 am
Lumaki naman ako nang maayos. Nagtapos ng pag-a-aral ko. Pumasa ako. Ilang taon na akong nagtatrabaho.

8:48 am
Pero laging ganyan. Laging may paalala. Kaysa sabihin mo sa akin na proud ka. Na nagtitino ako. Na nagbabago ako.

8:50 am
Anak, proud naman ako sa'yo.

8:51 am
Kailan? Kapag hindi ako nakakagulo sa buhay mo?

8:53 am
Benj, hindi ko sinira 'yong buhay ko kahit galing ako sa dysfunctional na pamilya. I was neglected as a child but I persevered. Kasi tama sila, I owe that to myself. To keep going despite our family's circumstance.

8:54 am
Ako lahat. Pera lang ambag niyo ni Mommy sa buhay ko. Na kayang-kaya kong palitan.

8:55 am
Si Rafaela, she cares for me. She takes care of me. Ngayon lang ako... maaalagaan.

8:57 am
Kaya ito lang, kahit dito lang, maniwala ka sa akin.

8:59 am
Anak, hindi naman sa gano'n.

9:00 am
Pero gano'n 'yung nararamdaman ko.

9:02 am
Benj, gago pa rin ako. Hindi naman ako perpektong tao.

9:04 am
Pero hindi pala ako ikaw.

9:05 am
And I will never be like you.

Part One: Not Like the MoviesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon