104.

767 37 3
                                    

Rafaela Zaylee Canlas
Active Now

TUE 9:00 PM

Rafaela Zaylee Canlas
Hi. Are you asleep?

Anthony Trevor Tuviera
Babe, I'm studying a blueprint. For my engineering firm.

Rafaela Zaylee Canlas
Miss kita bigla.

Anthony Trevor Tuviera
Bukas pupunta kami ni Jimny ulit sa'yo. 😊

Anthony Trevor Tuviera
Alam mo, ang weird 'no? Pwede pala 'yong na-mi-miss mo kahit halos araw-araw mo kasama.

Anthony Trevor Tuviera
Kaya miss din kita, babe. Sobra.

Rafaela Zaylee Canlas
Weird nga 'yong nasusulasok lang ako sa pagkatao mo no'ng mga nakaraan tapos ngayon, hinahanap na kita 'pag wala ka.

Anthony Trevor Tuviera
GRABE 'YONG NAKAKASULASOK 😂 Diring-diri ka sa akin pero boyfriend mo na akong tunay.

Rafaela Zaylee Canlas
Kairita ka.

Rafaela Zaylee Canlas
Pero gustung-gusto kita.

Rafaela Zaylee Canlas
Kaya gusto ko maging happy ka rin.

Anthony Trevor Tuviera
Happy naman ako, babe.

Anthony Trevor Tuviera
Dati alam mo, naiinggit ako kina Elliot, kina Naya at Monica, kasi masaya 'yong pamilya nila. Alaga naman ako do'n pero syempre, hindi pa rin naman 'yon akin. Hindi pa rin ako do'n uuwi.

Anthony Trevor Tuviera
Kaya nararamdaman ko pa rin na mag-isa ako. Kaya mas gusto ko 'yong gano'n. Para 'di ka aasa na may magpupuno sa'yo.

Anthony Trevor Tuviera
Tapos dinala ka sa buhay ko.

Anthony Trevor Tuviera
Tapos naalala mo, tinanong mo ako kung naiisip ko ba kung sino 'yong tao na dinala para sa akin ng universe? 'Yong tao na dumadating kahit akala natin, hindi pa natin kailangan?

Anthony Trevor Tuviera
Para sa akin, ikaw 'yon.

Anthony Trevor Tuviera
Tapos sabi mo pa, sana okay 'yong tao para sa'yo.

Anthony Trevor Tuviera
Sabi ko naman sa'yo, babe... okay ako. 😊

Anthony Trevor Tuviera
Nagiging okay ako dahil sa'yo.

Rafaela Zaylee Canlas
Kapag ayaw nilang maniwala sa'yo, sa kung sino ka, nandito ako. At alam ko, hindi ka sinungaling.

Rafaela Zaylee Canlas
So don't change, Megamind. (Except the girls. Ikaw gigilingin ko sa mixer) 😇

Rafaela Zaylee Canlas
Pero seryoso... salamat, Anthony. I thank the universe each day for bringing you to me.

Rafaela Zaylee Canlas
And I promise that you will never be alone as long as you have me. Dahil do'n ako, kung nasa'n ka. 😊

Part One: Not Like the MoviesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon