175.

1.2K 42 1
                                    

ANTHONY

Hatinggabi na ako nakabalik sa unit ko. Dad bought this for me when my mother finally decided that I'm not her family. No'ng una, sinubukan niya akong isali sa bagong mundo at pamilya niya, pero ayaw sa akin ng asawa niya dahil anak ako sa labas. Nagdesisyon silang mag-migrate sa Canada at sa gano'ng paraan ako tuluyang binitiwan ng nanay ko. Sabi niya, malaki naman na ako at may trabaho, kaya ko nang maging independent.

Mapait akong natatawa kapag naaalala 'yon. I've always been independent, kahit hindi niya sabihin. Kinaya ko dahil madalas silang wala ng tatay ko. And although my mom constantly sends me money, she doesn't talk to me. Bawal daw sabi ng asawa. Bawal daw kasi alaala ako ng nakaraan ng nanay ko at hindi 'yon magandang balikan.

So I have always disliked this unit because it reminds me that I am not wanted. Na wala akong lugar kaya isa lang din 'tong tapunan para may paglagyan ako. And even though the place is nice, basurahan pa rin 'yon para sa tulad kong kaya lang itapon ng sarili kong mga magulang.

But it's the closest thing I have to a home. Na akin. Na pwede kong uwian.

"Anthony?" rinig kong tawag sa akin ni Rafaela. I can hear her voice but I don't know where it's coming from. "Megamind, nasa kusina ako!" duktong niya pa.

"Okay. Wait lang, I'll change into my slippers!" I shouted back while removing my shoes.

Wala namang nagbago rito sa unit ko, nanatili ang ayos tulad nang kung paano ko iniwan noon at kahit naglinis na si Rafaela. I didn't really take much with me when I left this place. 'Yong mga importante lang din ang kinuha nina Belts at Xavi para sa akin.

But the smell... it's different. Mabango dahil naglinis si Rafaela pero ngayon ay naririnig ko na siyang magluto sa kusina. Napangiti ako. Unang beses may nagluto sa kusina ko. I usually eat out, order food, or I just sleep it off. I don't really cook here, at wala rin namang nag-a-asikaso sa akin.

'Yon siguro ang bago para sa akin. The place finally smelled like home. It feels home to me. Because of her. Because Rafaela is finally here.

Tahimik kong tinungo ang kusina ng unit. Sumandal ako sa bukana nito at pinanuod si Rafaela. She's unaware that I'm watching, so I enjoyed looking as she moved around like it's hers.

Do'n ko naunawaan na lahat ng sa akin ay totoong pwede niyang ariin. Because she already owns my heart, that includes everything that I have too.

"Ganda ko 'no?" tawa niya habang nakatalikod sa akin at nag-gi-gisa sa cooking pan. "I know you're watching me."

"Saan ka kumuha ng mga pangluto?" tanong ko sa kanya.

"Bumili ako. Complete set! Kasi nakita ko na wala kang gamit sa kusina except sa utensils tapos walang laman 'yong ref kaya nilagyan ko rin," pagmamalaki niya. "Pakialamera ako 'no?"

"It's okay," I assured her. "Bumili ako ng stock ng mga pagkain no'ng naging tayo kasi nga baka magpunta ka rito tapos gusto ko maayos lahat. Pero kinuha nina Belts no'ng umalis ako para hindi mapanis," paliwanag ko pa.

Nilingon niya ako at sinalubong ng malaking ngiti habang hawak pa rin ang wooden spatula. She looks beautiful with my white shirt and black boxers, while her hair is in a messy updo.

"Pero hindi ka nagluluto dito 'no? Kaya ako na lang simula ngayon. Ipagluluto kita," sabi niya naman bago bumalik sa niluluto niya. "Kakatapos ko lang maglinis at maligo halos. Nilulutuan lang kita kasi baka gutom kaoh..."

Part One: Not Like the MoviesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon