110.

1.2K 46 15
                                    

ANTHONY

Hawak ko ang kamay ni Rafaela habang papasok sa bahay ng isa sa mga ninong ko—si Ninong Paxton. Sa garden ang setup ang party kaya ro'n kami dumiretso dahil kami na lang din naman ang hinihintay.

Agad akong natawa nang makita ang disenyo ng garden. It's a Bob the Builder themed party pero pangalan ko ang nakalagay sa asul na banderitas.

'Anthony the Builder', it says in gold font.

Nang makita nila ako, agad na tumugtog ang theme song ng palabas. Sigaw nang sigaw ang mga ninong ko ng lyrics habang natatawa na rin si Rafaela sa tabi ko.

"Tunying the builder, can he fix it?"

"Yes, he can!"

"Congratulations, Tunying!" sigaw pa nila.

Kasunod nito ang party poppers bago sila lumapit sa amin. Nauna ang mga nakakatanda na excited lahat para sa girlfriend ko.

"Finally, the game changer... in flesh," ngiti ni Ninang Simone pagkatapos nilang bumeso nina Ninang Naomi, Ninang Cara, at Ninang Vera kay Rafaela.

"Nice to meet you po," sabi naman niya at tinawag niya pang 'Ma'am' ang mga ninang ko.

"Nako, Ninang na lang!" sabi pa ni Ninang Cara. "O Mommy Ninang. 'Yon naman ang tawag ni Tunying sa amin kapag naglalambing."

"Sige po... Ninang," nahihiyang sabi pa ni Rafaela. Ngumiti ako sa tabi niya nang marinig ko 'yon. I like having her in my small world and now, she gets to meet my family too.

Sumunod naman ang mga ninong ko na puro paninira ang sinalubong sa amin.

"Ito na ba si Rafaela? Bakit parang iba 'yong kasama mo no'ng isang gabi?" tawa ni Ninong Felix pagkatapos nilang magpakilala ni Ninong Kurt. Ninong Ethan remembers Rafaela as one of his students that's why he just asked her to call him 'Ninong' instead of 'Sir'.

Gano'n din kina Ninong Paxton at Ninong Maverick. Pero sa law firm ay by title pa rin ang gustong gamitin ni Rafaela bilang respeto sa trabaho.

"Ninong Felix, bawiin mo 'yan!" sabi ko pa sa kanya at nakitawa lang ang girlfriend ko sa kanila. She was game with all of their jokes at sinasakyan niya 'yon habang hawak pa rin ang kamay ko.

Pagkatapos sa mga Ninong at Ninang ko, sumunod naman ang mga kababata ko.

"I told them that Bob the builder is a building contractor and you're a Mechanical Engineer. They never listen," iling ni Elliot at tumawa ako. He's always the smartest one in the room. "Hi, Rafaela. It's nice to finally meet the other proof that miracles happen," biro niya pa.

"Hello, bar topnotcher," Rafaela chuckled.

"Hi, Ate Rafi. It's nice to see you again," singit ni Naya. I remember that Rafaela mentioned that she knows Naya from their org during undergrad. "Ako topping the bar topnotcher lang pero don't tell my dad I said that," rinig ko pang sinabi niya sa mahina na boses.

"Naya!" saway ko sa kanya pero humalakhak lang siya at hinila si Elliot papunta sa karaoke. She'll probably make him listen to her sing another Sexbomb song again.

Part One: Not Like the MoviesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon