160.

1K 41 5
                                    

RAFAELA

It was irresponsible of me to ask for him this midnight, I know that. May trabaho pa ako mamaya at abala rin siya sa kompanya na binubuo pati na sa mga diskarte niya para kumita ng pera. Pero sa kanya ako dinala ng mga paa ko. Kahit pa anong tahimik nitong mga nakaraan, at kahit hindi pa rin kami maayos na nag-u-usap, dito ko pa rin gusto sa kanya.

"Hey," he uttered in a low voice. Sinundo niya ako rito sa lobby ng condo nila at bahagya akong ngumiti nang makita ang suot niyang pantulog. It's the patterned sleepwear I got for him. May disenyo 'yon ng puro asul na ulo ni Megamind. He looks cute.

"Akyat mo na 'ko," balik ko sa kanya at inilahad ko ang bakanteng kamay sa harap niya. I want him to hold my vacant hand while I carry my duffle bag using the other one. May dala kasi akong ilang extra'ng damit para sa trabaho bukas, pati na ang pink blanket na galing sa kanya.

Tumitig siya sa akin ng ilang segundo tsaka kinuha ang bag na hawak ko. Kasunod nito ay ang paghawak niya sa kamay ko bago namin sabay na tinungo ang elevator paakyat sa unit nila.

It's my second time in their unit. The first one wasn't a good memory because that's when we found out that his dad has a cancer. Hindi ko na siya masyadong makausap no'n kaya umalis na lang muna ako para bigyan siya ng espasyo.

Ngayong nakabalik ako, mas maigi kong napagmasdan ang kwarto niya. He doesn't really have much here. 'Yong table kung saan siya nagbubutingting, binuo lang niya mula sa mga tira-tirang plywood galing sa pinapaayos na firm nina Xavi at sa kompanya niya. Pati na ang upuan niya na puro wood glue dahil sa ilang bali.

It was an old office for Xavi and Belts, but it's home for Anthony. Kahit pa maliit ang espasyo niya rito at luma, maayos pa rin itong tignan sa puting pintura at iilang gamit.

I bet it's a lot nicer at his old unit, pero ito ang tinitiis niya araw-araw para makawala sa mga bagay na iniisip niyang utang na loob. Para makawala sa ilusyon ng pamilya na hinding-hindi naibigay sa kanya ng mga magulang niya.

But even with this, he wasn't really able to get away. Dahil hanggang dito, dala niya ang bigat ng pagiging anak.

"May gamit ka d'yan sa cabinet ko..." mahina niyang sabi habang hindi pa rin sinasalubong ang mga mata ko. Ganito rin siya kanina nang sinundo ako, pagkatapos nang mahigit isang linggo niyang hindi pagpapakita sa akin.

"Nag-iwan ba ako—oh..." hindi makapaniwala kong sabi nang makita ko ang mga gamit na tinutukoy niya. Kalahati ng maliit niyang cabinet, puro pink. Puro bagong gamit para sa akin. Complete toiletries, pajama set, few shirts, house slippers... even my own mug. Nando'n 'yon lahat.

"May dala ako. Hindi ka na sana gumastos para sa akin," halos pabulong kong sabi habang naluluha.

"Binili ko 'yan no'ng unang buwan natin. Gusto ko kasi na may sarili kang gamit sa unit ko kapag pupunta ka," paliwanag niya habang hindi ko nakikita ang ekspresyon sa mukha niya dahil nanatili akong nakatalikod sa kanya. "Kaya lang... hindi naman kita nadala ro'n. Ang dami kasing nangyayari sa buhay ko."

"Okay lang. I don't mind," paninigurado ko sa kanya. Para akong gaga na nakaharap pa rin sa loob ng cabinet niya. Hindi ko makuhang kumilos dahil alam kong iiyak ako kapag nakita ko ang lungkot sa mga mata niya.

"Rafaela..."

"Hm?"

"Don't cry for me. Please..."

Part One: Not Like the MoviesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon