115.

1.1K 51 7
                                    

RAFAELA

Hinatid ako ni Zy sa apartment ko bandang ala una. Panay ang tawag at text ko kay Tunying pero wala siyang sinagot kahit isa. Siguro, kailangan niya ng oras para sa sarili niya kaya hahayaan ko muna. Pero magpapahinga lang ako para hanapin ulit siya mamaya.

I don't want him to think that no one cares for him. O tulad ng narinig ko kanina na dahil lang sa awa kaya siya mahal ng mga tao sa paligid niya.

"Anthony..." mahinang sambit ko nang makita ko siyang natutulog sa sofa. He is here at my apartment all along...

Sinubukan kong 'wag maging maingay habang palapit ako. Napansin ko agad ang mugto niyang mga mata kahit nakapikit ang mga 'yon. I'm sure he cried after walking away. I'm sure it hurt.

Kinuha ko ang pink fluffy blanket na nakatiklop sa gilid niya at marahan ko 'yong ibinalot sa kanya. He woke up because of that. At ngumiti siya sa akin.

Ngiti pa rin ang isinalubong niya sa akin kahit malungkot ang mga mata niya.

I then wondered... ilang beses na ba siyang ngumiti sa akin kahit mabigat ang dala niya? Ilang beses na kaya siyang ngumiti kahit malungkot ang puso niya?

Napailing ako. He's a liar after all. He lies when it's him who's hurting. He lies when he tell me it's okay.

"Hi..." sabi niya pa sa malat na boses. Itinaas niya ang kumot at ibinalot ako ro'n kasama niya bago siya sumiksik sa akin.

"Akala ko nawawala ka," mahina kong sabi.

"Matagal na akong nawawala," makahulugang sagot niya.

"Hinanap ka namin," sagot ko na parang sinisigurado ko sa kanya na may naghahanap sa kanya.

"Nahihiya ako..." pag-amin niya bago yumuko sa balikat ko. "Natatakot ako na baka ako talaga 'yong problema. Maybe I'm the bad guy. Na baka ako 'yong mahirap mahalin kaya ganito."

"Do you honestly believe that?" I asked and I felt him nod over my shoulder.

Humarap ako sa kanya. Pinipigilan ko ang mga luha habang kumikirot ang puso ko para sa kanya. It's so weird not to be hurt by the guy you like, dahil 'yon lang naman ang alam ko noon.

But with Anthony, he never did anything to hurt me. So it hurt more to hurt for him.

"I watched the movie Megamind just recently. I cried because he truly reminded of you," panimula ko bago hinaplos ang pisngi niya. "Before, I had a shallow understanding of him. He's blue with a big head... until I saw the movie."

"Noong una, tinawag kitang Megamind kasi ang yabang mo. Ang laki ng ulo mo," tawa ko pa at nakita ko ang ngiti niya habang inaalala 'yon. "Parang... ang gaan sa'yo ng lahat. Kahit ang totoo dito... masakit," duktong ko habang hinahaplos ang dibdib niya sa kaliwa, kung nasa'n ang puso.

"Alam mo ba, si Megamind... he didn't grew up in a very nice place. Sa prison siya. Tapos lumaki siya na naniniwalang masama siyang tao. So he became a supervillain, thinking that it was his purpose. And people affirmed that. They told him he would never change."

"Sinabi ko pa kay Sir Benj 'yong naalala kong line sa movie. And the exact line goes, 'I'm the bad guy. I don't save the day. I don't fly off into the sunset, and I don't get the girl.'"

"But you know what? Megamind also said that the benefit of losing is when you get to learn from your mistakes..." Itinaas ko ang kamay ko sa pisngi niya at marahang hinaplos 'yon. "So in the end, he found out that he's not the bad guy. And you're not one too."

"Hindi ikaw ang problema. Hindi ka rin masamang tao. At hindi ka mahirap mahalin," iling ko. "At alam ko na sinabi ko noon na madali lang hindi mahulog sa'yo. Madali lang hindi ka mahalin. Pero hindi ko rin naman sinunod. And you know why?"

Tumitig siya sa akin at inosenteng umiling. Na para bang hindi niya nauunawaan kung ano ang kamahal-mahal sa kanya. Pero alam ko 'yon. Nauunawaan ko. Naiintindihan ng puso ko.

"Because you make loving so easy, that it's honestly harder not to fall in love with you," pag-amin ko. "Mahal kita, Anthony."

"Hindi ko 'to sinasabi dahil malungkot ka at nasasaktan. Sinasabi ko 'to dahil gusto kong malaman mo na sa akin, kahit ano'ng mangyari, hindi ka maghahanap ng lugar mo."

"Sa akin, hindi ka mag-i-isa. Hindi ka mawawalan ng pagmamahal. Dahil ako, patuloy at paulit-ulit na tataya sa'yo. Maniniwala ako, hanggang maniwala ka rin sa sarili mo. At sa pagitan ng lahat, kahit sa akala mong pinaka masama mo, o pinaka gago, nand'yan ako."

"Because you are my Megamind. And you..." Isinandal ko ang noo ko sa kanya at napapikit siya habang hawak ang kamay ko na nanatili sa pisngi niya. "You get the girl in this version too."

"Please don't give me away like my parents, Rafaela," he pleaded, at do'n ko nakita ang mga luha niya. "Please don't give me up too."

"I'm laying all of my cards for you," paninigurado ko sa kanya. "And I won't back down now that I'm all in. Ipapanalo kita, Anthony. Ipapanalo natin 'yong tayo."

Yumakap siya sa akin at pareho kaming umiiyak hanggang makatulog. I hurt for him. And yet, I love for him too.

So much, that I could lose again. For him.

Part One: Not Like the MoviesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon