178.

786 22 0
                                    

Lumpia Babe

3:00 pm
Tunyinggg, 'wag mo na akong daanan.

3:02 pm
Nag-book ako ng ride. Otw na ako sa ospital. Nagpapasama si Bella eh. Tapos 'wag na pala kayong kumain somewhere nina Dan, dito na lang. May dala akong pagkain.

3:04 pm
Send me the details of your ride. Pati 'yong route. Susunod ako.

3:05 pm
Nag-send ako ng link sa messenger para ma-track mo ako. 😊

3:06 pm
You worry too much about me when I'm not with you. Kaya ko naman nga. I've been commuting before you, 'di ba?

3:07 pm
That was before me.

3:08 pm
Now, you're with me. And I want to take care of you. Even though you're such a girl boss, even though I know you can handle yourself.

3:09 pm
Kung inaalagaan mo ako, aalagaan din kita. Hindi dahil gusto kong kailanganin mo ako, pero gusto ko nand'yan ako para sa'yo.

3:10 pm
Ang seryoso naman. 🥺

3:11 pm
Kasi no'ng unang beses kitang itinaboy, hindi ako nakahinga.

3:12 pm
Ayoko lang na maramdaman mo ulit na malayo ako sa'yo.

3:13 pm
Naiintindihan ko naman.

3:14 pm
That doesn't make it okay. Ayoko na makalusot sa sakit na naiparamdam ko sa'yo dahil naiintindihan mo ako.

3:15 pm
I want to be here for you and make up for the hurt that I've caused you. Gusto kitang itrato ng tama, kung ano ang dapat para sa'yo.

3:16 pm
You've been good to me, Anthony. Hindi naman ako naghahangad na higitan mo pa. Basta mahal mo ako.

3:17 pm
Sabi mo nga, this will be hard not only for me. Kasama ka do'n. Alam kong hindi rin magiging madali sa'yo ang pinagdadaanan namin dahil mahal mo ako.

3:18 pm
Kaya hanggang kaya ko, ayoko na maramdaman mong mag-isa ka habang dala mo 'yong bigat na akin.

3:19 pm
Because if you're allowing me to burden you, let's be burdened together.

3:20 pm
At hanggang gumaan ulit, tayo pa rin.

3:21 pm
Kanino pa ba ako kung hindi sa'yo?

3:22 pm
I'm yours too. Just as much. And more.

3:23 pm
You're my lumpia. ❤️

Part One: Not Like the MoviesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon