196.

939 30 5
                                    

BACK TO PRESENT TIME

ANTHONY

Sa labas pa lang ng kwarto, rinig na ang ingay mula sa loob. Sinubukan kong tahimik na bumalik pero agad akong nilingon ng mga ninong at ninang ko kasama ang mga kababata, pati ang mga kapatid ko at si Rafaela.

Malaki ang kinuhang kwarto para sa daddy ko. Marami rin kasi ang bumibisita sa kanya at sa extended family pa lang namin, puno na ito.

"See, kalbo is in. Look at Tunying," pahayag ni Ninong Ethan sa harap nina Mattti habang may hawak na electric shaver. Bago kasi ako lumabas kanina, dumating na sila nina Ninong Paxton. Pasunod pa lang no'n sina Ninong Maverick kaya hindi ko naabutan nang dumating sila.

Ngayong kumpleto na kami, mukhang ako na lang ang hinihintay bago ahitin ang buhok ni Dad.

"Ethan, don't play with that," saway ni Ninang Simone sa kanya bago nakangiting bumaling sa akin. "Bibili kami ng mga ninang mo ng drinks at merienda do'n sa coffee shop sa labas ng hospital. Favorite mo do'n, 'di ba?"

"Yes, Ninang," sagot ko.

"I'll get you the usual," sabi niya pa sa akin at tumango ako. Ninang Simone knows my favorite food, she takes note. Kaya kapag bumibisita ako sa bahay nila, pinaghahanda niya ako ng mga gusto ko. At kapag sa labas, ibinibili niya rin ako. Tulad ngayon.

"Thank you po."

Nagpaalam sila sandali at sunud-sunod na lumabas nina Ninang Naomi, Ninang Cara at Ninang Vera. Kasama na nila ang mga kapatid ko na sasabay pababa para umuwi sandali sa condo na ipinahiram ni Tito Ethan. Magpapahinga lang daw si Bella at sasamahan muna nina Carl at Dan.

"Ibigay mo na kay Tunying 'yang shaver para magupitan na si Benj!" rinig kong sabi ni Ninong Felix kay Ninong Ethan nang lingunin niya ako sa tabi ni Rafaela.

"Hindi pwedeng sina Anthony at Benj lang ang pa-gwapo ngayon. Dapat tayo rin," sabi naman ni Ninong Ethan. "Sina Carl at Dan, papakalbo rin daw pagbalik dito. Tara?"

"Papangit ka," tawa ni daddy habang nakikinig sa pinag-u-usapan. Nakaupo siya sa kama niya habang nasa gilid niya sina Monica at Anaya na masayang nagkukuwento sa kanya kanina ng kung anu-ano.

"Ay nako, bubuo tayo ng samahan ng mga gwapo na kalbo," ngisi ni Ninong Ethan bago humarap sa mga kababata ko. "Sino mauuna?"

"Si Daddy, hindi na niya need 'yan kasi dati pa siya kalbo," Anaya even giggled after what she said. Natawa rin kami dahil noon pa nga, hindi na nagpapahaba ng buhok si Ninong Paxton. Lagi itong semi-kalbo o clean cut.

"Ah, gano'n? Halika, Elliot. Para pareho na tayo," tawag niya rito bago inagaw ang electric shaver kay Ninong Ethan.

"Okay. For Ninong Benj," pagpayag agad ni Elliot at sunud-sunod na ang mga kababata kong nagpa-kalbo. It was a sight. At lahat, para kay Daddy.

"You don't have to do this for me," aliw niyang sabi habang pinapanuod sina Ninong Paxton na kinakalbo sina Belts.

"Sasamahan ka namin," sagot sa kanya ni Ninong Maverick. "We're in this together."

"Salamat," grateful na sabi pa ni Daddy habang nanunuod sa kanila.

Halos lahat ay tapos na ni Ninong Paxton, maliban kina Ninong Ethan at Matti.

Part One: Not Like the MoviesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon