51.

663 28 3
                                    

RAFAELA

Lumabas ako sa apartment para kay Tunying. Nakita ko siyang nakasandal sa itim niyang sasakyan—si Jimny Neutron. Nakasuot siya ng black shorts at white shirt pati na ang itim niyang slides. Sa tabi niya ay isang maliit na street food cart.

"Attorney!" tawag niya sa akin sabay turo sa cart. "Kain tayo? Midnight snack."

"Saan mo nakuha 'yan?" natatawang tanong ko nang makalapit. Nakasuot na ako ng puting pares ng pajamas at tsinelas, pambahay tulad ng sa kanya.

"Nadaanan ko. Sabi ko sumunod si Manong, babayaran ko na lang lahat," paliwanag niya. "Oh, kumuha ka na. Buffet 'yan!"

Tumuro siya sa inilulutong iba't-ibang klase na tuhug-tuhog tsaka ako inabutan ng stick at plastic cup. May hawak din siya para sa kanya habang kumukuha ng kikiam.

Ngumiti ako habang naglalagay ng ilang fishballs sa baso. Pinalagyan ko 'yon ng maanghang na sauce at kumain habang nararamdaman ko ang titig sa akin ni Tunying na hindi na ginagalaw ang kikiam niya.

"Oh? In love ka na?" tukso ko sa kanya. Ibinaling ko ang tingin ko sa kanya at nakita kong may sauce sa gilid ng labi niya. "Ang dumi mong kumain."

Pinunasan ko 'yon gamit ang hinlalaki ko at natigilan ako ng hawakan niya ang kamay ko.

"Oh? In love ka na?" balik niya habang nakatitig sa akin.

"Kaya mo bang sumalo?" hamon ko pa at tumawa siya.

"Hindi ka naman magpapasalo," sagot niya na lang. Bumitiw na siya sa kamay ko at siya na ang nagpunas ng labi niya. "Kumain ka na d'yan."

Nanatili kaming tahimik ng ilang minuto bago ko siya bahagyang siniko. Umiinom pa siya ng palamig kaya ibinaba niya muna 'yon bago ako nilingon.

"Tunying, salamat ha?" sabi ko sa kanya.

"Wala 'yon, babe. Magkano lang 'to," kibit-balikat niyang sabi.

"Bigyan kita pang-gas pauwi," alok ko at umiling siya.

"'Wag na. Full tank si Jimny Neutron," sabi niya pa. "Nabawasan ba ang lungkot mo?"

"Oo. Food always works," tawa ko. "Ginagawa mo ba 'to sa lahat ng nagiging babae mo kaya ka iniiyakan?"

"Attorney, malinaw ako sa kanila. Alam nila kung hanggang saan lang ako. Sabi ko naman sa'yo, 'di ba?" paliwanag niya. "Hindi ko sila pinagsasabay-sabay pero ayaw ko nang may umaasa. Kaya lang, hindi maiwasan."

"Dahil kaunting ngiti, pa-gwapo, pa-sweet, nakukuha niyo na kami?" irap ko.

"Bumibigay rin pero wala namang pilitan."

"Naka-taym pers ka pa rin ba sa gano'n mong gawain?" curious ko pang tanong.

"Baka hindi ko na lang balikan," maikling sagot niya habang diretso ang tingin sa harap. Kumunot pa ang noo ko kaya itinuwid niya 'yon nang harapin ako. "Busangot ka na naman. Titigil na nga ako."

"Bakit? Para sa akin? Dahil sinabi ko?"

"Hindi para sa'yo," tanggi niya. "Ayoko lang ng gulo ngayon."

Nanatili akong nakatitig sa kanya. Wala naman akong sasabihin dahil buhay niya 'yan. At choice niya kung ano ang gusto niyang gawin... o kung sino man.

"Rafaela," tawag niya pa sa akin bago itinuloy ang sasabihin. "A fraction may make one whole, but accepting a fraction of someone's time, attention, or heart won't make you whole if you're not a part of their equation."

"Meaning, that won't make you an equal to them no matter how hard you try," diin niya at marahan niya pang pinitik ang noo ko "So, become a number that could stand alone and remember your value. Para sa susunod, hindi ka na tatanggap ng kulang. O hati."

Hindi ako nakasagot. Nagbayad na lang siya sa may-ari ng street food cart at muling bumaling sa akin para tapikin ang ibabaw ng ulo ko.

"Uwi na 'ko, Attorney. Pasok ka na."

"Uhm... ingat ka... kayo ni Jimny Neutron," mahina kong sabi.

"Okay, babe," ngisi niya bago ako marahang itinulak. "Balik ka na sa loob ng apartment mo. Tsaka ako aalis."

"Sige. Good night, Anthony."

"Good night, Rafaela," ngiti niya at muli ko siyang nilingon bago pumasok sa gate.

That's when I smiled. Kahit hindi niya 'yon nakita.

Part One: Not Like the MoviesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon