58.

742 30 8
                                    

Erpats

5:05 pm
Ang dalas mo rito sa firm, anak.

5:07 pm
Hindi naman ako pumapasok ah. 😂

5:09 pm
Parte pa rin ba 'yan ng palabas niyo ni Rafaela?

5:11 pm
You know...

5:13 pm
I know you.

5:15 pm
Ah, talaga? Kilala mo ako? 😏

5:16 pm
She'll fall for you if you keep doing things like this for her.

5:17 pm
Alam na alam mo, kasi gawain mo.

5:18 pm
Hindi 'to tungkol sa akin, Anthony.

5:19 pm
Eh ano? Ayaw mo lang naman masira ang firm dito, 'di ba? Ayaw mo akong maging sakit ng ulo.

5:20 pm
Ayaw ko lang masaktan kayong dalawa.

5:23 pm
Dito ako magaling.

5:24 pm
Magaling ako sa hindi pagkapit. Magaling akong ilayo ang sarili ko sa paghahangad. Magaling akong magtapon kahit ano pa ang halaga.

5:25 pm
Alam mo kung bakit? Kasi 'yon ang natutunan ko sa'yo at sa nanay ko. Binitiwan niyo ako pareho. Tinapon niyo ako. At do'n ko natutunan ang hindi pagkapit sa mga bagay at tao kahit mahal ko sila.

5:27 pm
Anak, hindi ka namin tinapon.

5:29 pm
Hindi literal. Pero gano'n, 'di ba? Sa'yo ako kapag walang oras at espasyo si Mommy sa akin. Sa kanya ako kapag hindi mo ako kayang isabay sa abala mong buhay.

5:30 pm
Anthony...

5:31 pm
Benj, gago ako. Kasi gago ka.

5:32 pm
Lumaki ako na hindi naghahanap ng pagmamahal sa tahanan dahil wala naman tayong gano'n. Kaya ngayon, ganito ako. Hindi ako marunong magmahal. Hindi ako marunong magbigay. Dahil sa huli, uunahin ko ang sarili ko bago isalba ang iba.

5:33 pm
Anthony, hindi ka tulad ko. Magkaiba tayo.

5:34 pm
Sa ano'ng paraan tayo naiiba, Benj? Pareho lang tayong wasak, at lahat ng nagmamahal sa atin, nawawasak din.

5:35 pm
Hindi ko sasaktan si Rafaela, kung 'yan ang iniisip mo.

5:36 pm
Hinding-hindi siya malulungkot sa akin, dahil hindi niya ako mamahalin.

5:37 pm
At kahit ikawasak ko pa mismo, kahit sarili ko pa ang kapalit... 'wag lang siya.

Part One: Not Like the MoviesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon