101.

785 39 7
                                    

RAFAELA

Tumahan na ako bago ko pa pinagbuksan si Tunying. Seryoso ang bungad niya sa akin habang pinasadahan ko ng tingin ang suot niyang puting dress shirt. Bukas na ang unang tatlong butones nito dahil sa init. Pati ang parehong sleeves niya ay nakataas na pero naka-tuck in pa rin sa itim niyang slacks na may belt na naman.

May hawak siyang isang brown na paper bag habang inililibot ang tingin sa apartment ko. First time niya rito kaya hinayaan ko siya habang nilalakasan ko ang aircon sa sala para hindi siya mainitan.

"Babe, aalisin ko lang sapatos ko," sabi niya pa habang nakayuko ako sa cabinet para ihanap siya ng house slippers.

May nakita pa akong extra pero pink 'yon at sa size ko kaya alam kong maliit. Iilan lang ang house slippers ko na panlalaki, kina Zy at Daddy pa 'yon. Ang iba ay para kina Maddie at Peyton, at sa iba pang miyembro ng pamilya ko tulad ni Mommy at mga kapatid ko.

Ayaw ko namang humiram lang si Tunying, dapat ay ibili ko rin siya ng para sa kanya kaya tahimik ko 'yon na tinandaan para mayro'n na siya pagbalik niya rito.

"Megamind, ibibili pa kita ng slippers mo dito na pambahay," nahihiya kong sabi. "Mag-shoes ka na muna para 'di madumihan 'yang paa mo."

"Ano ba 'yang hawak mo? Akin na, suot ko," sabi niya naman habang sinisilip ang tsinelas na pilit kong itinago sa likod ko.

"Hindi 'to kasya sa'yo," iling ko pero mapilit siya at talagang inikot niya pa ang likod ko para makuha 'yon.

"Sa'yo 'to?" tawa niya habang hawak ang tsinelas. "Cute. Suot ko."

"Hay nako, Tunying! Hindi naman nga kasya sa'yo!" iritado kong sabi sa kanya pero bumungisngis lang siya at isinuot pa rin. Umirap ako nang makitang bitin 'yong tsinelas sa kanya habang pinipigil ang ngiti ko.

He looks funny with the fuzzy pink slippers. At kahit may design pa 'yon na bunny ears, wala pa rin siyang pakialam. Naglakad lang siya na parang kanya 'yon kahit hindi kasya sa paa niya.

Hay, my Megamind.

"Babe, kinain mo ba 'yong niluto ko para sa'yo?" tanong niya habang nakasunod sa akin patungo sa sofa.

"Oo. With tears," biro ko sa kanya nang makaupo kami. Tinitigan nya ang mga mata ko at nakita ko kung paano siya sumimangot. He's annoyed.

"Ano ba ang pangalan ng abogado na 'yon?" tanong niya. "Abangan ko kamo siya sa labas ng korte eh!"

Tumawa ako at hinampas ang braso niya. Hindi pa rin siya ngumingiti pero inilabas niya ang laman ng paper bag na dala niya. It's a pink fluffy blanket.

"May kumot naman dito. Aanhin mo 'yan?" tanong ko pero hindi siya nagsalita. Isinaklob na lang niya 'yon sa balikat ko at ibinalot ako ro'n.

"Now, you're like a lumpia," tawa niya bago ako niyakap sa gilid. "A pink fluffy lumpia, wrapped with Tunying's embrace."

Ngumiti ako at sumandal sa kanya. Nanatili kami sa gano'ng posisyon habang hinahaplos niya ang balikat ko.

"Galit ako," mahina niyang sabi. "Ayoko ngang malungkot ka eh, tapos makikita ko mugto 'yang mga mata mo? Gago siya."

"Hindi dapat gano'n," ramdam kong iling niya. "Ayoko na nasaktan ka niya."

Humigpit ang yakap niya sa akin bago ko hinawakan ang kamay niya. Naramdaman ko ang paglapat ng labi niya sa ibabaw ng ulo ko bago siya bumitiw.

Pansamantala pa siyang tumayo mula sa sofa para kumuha ng bond paper at gunting sa table ko. May dala rin siyang lapis at mabilis siyang nag-drawing ng pattern. Pinanuod ko siya habang ginugupit niya 'yon at idinidikit ng tape.

It's a paper crown.

"Babe, I tried..." sabi niya pa habang nahihiya niyang itinaas ang gawa niya. "I'll make you a better one next time—"

Tumayo ako para tawirin ang distansya sa pagitan namin. Dala ko pa rin ang kumot at binalot ko siya ro'n kasama ako bago tumingkayad para humalik sa kanya. It was a quick kiss but he kept blinking in front of me, na parang hindi makapaniwala sa ginawa ko.

"Megamind..." tawag ko sa kanya habang nakatingala ako dahil sa tangkad niya. "I don't need better, just this. Just you."

"Rafaela..." sabi niya naman bago ipinatong sa ibabaw ng ulo ko ang crown na ginawa niya. "Do not bend for anyone, not even for me... if it will cost you your worth."

"Do not lose yourself again..." paalala niya pa bago niya hinawakan ang magkabila kong pisngi.

"Now... for the kiss... where are we?" nakangising tanong niya bago siya yumuko at ipinagpatuloy ang inumpisahan ko.

I smiled in the middle our kiss. Falling for Megamind is definitely worth the breach and the bet.

Part One: Not Like the MoviesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon