200.

1.6K 32 10
                                    

ANTHONY

Mahigpit ang hawak ko sa imbitasyon habang naglalakad ako papunta sa kwarto ni Dad. Gabi na ako nakabalik sa ospital dahil hindi ko alam kung paano kikilos sa nalaman ko. Hindi ko na alam kung ano pa ang totoo sa mga bagay na pinaniwalaan ko. At hindi ko na alam kung ano ang mga bagay na kinuha sa akin ng nanay ko para parusahan ako.

Huminga ako nang malalim. Rafaela said she's here already. Dito siya dumiretso pagkatapos ng trabaho, and I'm expecting our extended family to be here as well since it's weekend.

"Anthony?"

Lumingon ako bago ko pa mabuksan ang pinto sa kwarto ni Daddy. Agad kong nabitiwan ang papel na hawak nang makita ko kung sino ang tumawag sa akin. Sa ilang taon na hindi kami nagkita at sa iilang pagkataon na magkasama kami, nakalimutan ko na kung ano ang boses niya.

Nakalimutan ko dahil mas marami pa ang pagkakataon na iniiwan niya ako kung kani-kanino kaysa sa mga pagkakataon na magkasama kami.

And I thought that she's the one who tried better than my dad. Because even in a fucked up way, inisip ko na nand'yan siya para sa akin kahit isinisingit niya lang ako sa buhay niya. Kahit maliit lang ang espasyo, at least mayro'n.

"Anna..."

Tumitig ako sa kanya. Itim na itim ang suot niya mula ulo hanggang paa, habang mapula ang labi at may naglalarong ngiti.

My mom has always been beautiful. Kaya itinaas niya ang sarili sa karera na hinding-hindi niya naabot dahil sa pagdadalang tao niya. She never blamed me for it, o baka hindi niya lang sa akin sinasabi. Pero nakikita ko 'yon sa mga mata niya. Sa tuwing may bagong artista sa tv, sa pelikula, nakikita ko ang poot niya... at ang lungkot.

"What are you doing here?" tanong ko. Naglakad siya palapit sa akin at yumuko para pulutin ang imbitasyon na nabitiwan ko. Pinagmasdan niya 'yon sa kamay niya bago ibinalik sa akin.

"Alam mo na?" casual niyang sabi.

"Ito 'yong araw na sinabi mo sa akin na nakakaabala ako sa daddy ko at wala siyang oras para sa akin..." paalala ko sa kanya. "Sabi mo, ayaw niya sa akin..."

"Sinabi ko ba 'yon?" inosente niyang tanong. "Nakalimutan ko na. Anyway, where is he? I heard he's sick."

"Kaya ka umuwi?" tanong ko sa kanya. Walang emosyon sa mukha ko, kabaliktaran ng sa kanya na ngayon ay nanunuya nang nakatingin sa akin.

"Para happy family," she sarcastically said. Humalukipkip siya sa harap ko at itinaas ang kilay. "Ayaw mo ba nito, Anthony... mabubuo na tayo?"

"Stop acting like you care!" pakawala ko habang lumalakas ang boses ko. Natigilan ang ilang nurses na dumadaan sa hallway ng ospital at plastic na humingi ng pasensya si Anna bago muling bumaling sa akin.

"And you do?" she replied with a mocking laugh. "Magkano ba ang mamanahin mo sa daddy mo para kampihan mo siya sa simpleng imbitasyon na nakita mo?"

Binawi niya ang imbitasyon sa kamay ko at itinaas 'yon sa harap ko.

"Ito ba ang pinanghahawakan mo?" sabi niya pa bago 'yon unti-unting pinunit sa harap ko. "Ito ba ang ipinagmamalaki mo? Na mahal ka ng daddy mo?"

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Mar 12, 2023 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Part One: Not Like the MoviesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon