Imahe-nasyon

323 5 0
                                    

By J.E.D.
Spoken Poetry
date written: Aug. 3 and 5, 9 and 10, 2022

Sa pagpikit ng mga mata
May mabubuong isang istorya,
Kung saan duon ka nakilala.

Sa pagbilang ng 3, 2, 1.
At ng dahan-dahang iminulat ang mga mata
Kita nasimulang makita.

Nuon hindi ako naniniwala sa mga bagay-bagay na sinasabi ng iba, dahil alam kong mali sila.
Na, isa ka lang daw sa aking mga katangisip o imahinasyon.
Ngunit bakit totoo sa aking pandama?

Naaalala ko pa nung una,
Labis ang aking ligaya ng ika'y makilala
Ikaw kasi yung unang tao na tumuyo ng luha sa aking mata,
Nagbigay ngiti sa labi, nagpapula ng mga pisngi,
At unang tao na nag-abot ng palad upang humawak sa aking kamay para itayo ako sa balon kong hukay, na sa tagal na nang pagkakahimlay ay ngayon lang may bumuhay.

Ikaw ang gumising sa natutulog kong puso, nag-hilom at nagpatigil sa mga matang nagdurugo.
At ikaw rin ang nagturo kung paano nga ba ulit tumayo at mabuhay sa mundong dati ay ibinandera na ang puting panyo para iparating na ako'y suko.

Ngayon, bakit kasabay ng paghilom mula sa batikos ng mundo
Unti-unting ang imahe mo ay naglalaho...

Nais sana kitang pasalamatan ngunit ng ika'y hinanap ay hindi na natagpuan, walang bakas at paalam tanging alaala mo sa'kin lang ang naiwan.

Isipin mang madaya ka dahil pagkatapos ng iyong tulong ay walang paalam na lumisan ka, wala akong magagawa kundi magpatuloy at magpasalamat ng wala ka.

One Shot CollectionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon