Nasaan na ang pangako mo?

3.5K 19 0
                                    

+ Nasaan na ang pangako mo?
🖊 —Mae

"Let's end this." Nawala ang ngiti sa mga labi ko ng marinig ko ang katagang iyon.

"Alam mo, pagod lang yan. Tara, uwi na tayo." Hinawakan ko ang kamay n'ya saka sya pilit na tinatayo mula sa pagkaka upo sa bench ng park kung saan kami unang nagkita.

Nabigla ako ng bitawan n'ya ang kamay ko. Nakayuko s'yang nagsalita..

"Ayoko na. Pagod na ako."

"Kaya nga uuwi na tayo, hahaha."

"Pagod na ako sa relasyong 'to. Pagod na akong intindihin ka."

"Hindi naman purket pagod ka na, susuko ka na diba? Ako nga eh, hindi ako sumusuko." Kunware ay natatawa kong sabi.

"Ayoko na. Ayoko na sayo." Natigilan ako ng sabihin n'ya 'yon.

"Kung nagbibiro ka lang, tama na. Hindi na 'to nakakatuwa. Nasasaktan na ako sa biro mo." Pigil ang emosyong sabi ko.

"Sorry, m-may mahal na akong i-iba." Napaluhod ako sa harapan nya ng marinig ko iyon.

Tila nawalan ng balanse ang lahat, nanghihina ang mga tuhod ko't namamanhid ang aking katawan.

Tumawa ako ng mahina. "Hindi na talaga nakakatuwa." Inugauga ko s'ya na para akong isang batang humihingi ng candy.

"Tama na Yana, Hindi ako nagbibiro. Ayoko na sayo, pagod na ako, hindi na kita kayang intindihin. Hindi na ako masaya sa relasyong 'to. May mahal na akong iba."

"But, pwede naman tayong bumalik sa dati, diba? Pwede mo naman akong mahalin ulit. Julius, please, don't do this to me." Nagmamakaawang sabi ko.

"Intindihin mo naman ako Yana, ayoko na! Hindi na ako masaya! Ganon naman talaga dapat, hindi ba? Kapag hindi ka na masaya, tapusin mo na. Hindi na ako masaya. Pakawalan mo na ako."

"Paano ako?" Lumuluhang tanong ko sakanya. Tinitigan nya ako sa mata, kitang kita ko doon na wala na talaga. Wala na syang nararamdaman para sakin.

"Pinapalaya na kita, kaya palayain mo na rin ako."

"Nasan na ang pangako mo? Wala nalang ba 'yon?"

"Kalimutan mo na ang lahat ng sinabi ko. Promises were meant to be broken."

"Natatandaan mo pa ba yung sinabi mo sakin dati? Sabi mo, 'kapag dumating sa point na magsawa ka sa akin pwede kitang hilahin pabalik diba? gusto ko kapag naging cold tayo sa isa't isa at malapit na magsawa pwede bang sabihin ko sayo bumalik tayo sa dati? at kapag dumating man ang araw na mawala yung spark pagsisikapan kong bumalik ulit yun.' Yan yung sabi mo sakin dati. Love, nasan na? Akala ko ba hindi mo kayang mawala ako? Love,I kept on holding on to that promises."

"Kalimutan mo na ang lahat ng 'yon. Kalimutan nalang natin ang lahat. Ayoko na. Sorry kase nangako ako, sorry kase ——"

"Ganyan naman talaga diba? Yung promise nagiging sorry nalang."

"I'm sorry." Then he left me, dumbfounded.

Ang lugar kung saan kami nagsimula, doon din pala matatapos ang lahat.

——END.

One Shot CollectionWhere stories live. Discover now