untitled

456 9 0
                                    

Warning: typos ahead

"Babe." Tawag ko sa boyfriend kong kanina pa busy sa kaka-dutdot sa cellphone nya.

"Babe!" Tawag ko ulit ng hindi sya tumingin saakin.

Nagpatuloy nalang ako sa paglalakad papunta sa parking lot.

"Babe." Tawag nya sakin. Agad akong lumingon sakanya.

"Ano yun babe?" Tumigil ako sa paglalakad,

"Sorry babe, hindi kase kita maihahatid ngayon eh." Natigilan ako ng sabihin nya yon. Phew. That's the first.

Ito ang unang beses na hindi nya ako maihahatid. Kahit nabigla ay binigyan ko sya ng isang pilit na ngiti.

"Okay lang. Sasabay nalang ako kay Sarah."

"Pasensya ka na babe ah. Biglaan kase eh." Nagtataka ko syang tiningnan pero hindi sya makatingin saakin.

Imbis na magtanong ay ngumiti nalang ulit ako. Alam ko naman na sasabihin nya rin naman sakin kung ano ang nangyayare kapag gusto nya.

"It's okay." Pagkasabi ko n'on ay hinalikan nya ako sa noo saka walang sabi sabi at umalis na.

Nilabas ko ang phone ko saka Ni-dial ang number ni Sarah pero out of coverage sya. Tinawagan ko nalang yung driver namin kaya sya nalang ang sumundo sakin.

——

"Babe. May dadaanan pa pala ako, pasensya na ah hindi kita maihahatid ngayon." Napatingin ako sakanya. Abala nanaman sya sa cellphone nya.

"Pwede naman nating daanan babe before mokong ihatid sa bahay."

"Sorry babe. Malayo kase ang dadaanan ko babe eh." Sagot nya habang hindi parin nawawala ang paningin sa phone. Tumango nalang ako sa sinabi ni Keith.

——

"Bes." Tawag ko kay Sarah. Parang nagulat pa sya sa presensya ko.

"Anong ginagawa mo dito bes?" Tanong nya.

Pumunta ako ngayon sa bahay nila Sarah. Gusto kong ilabas ang hinanakit ko kay Keith.

Naupo ako sa kama ni Sarah.

"Bes. Sa tingin mo ba may iba na si Keith?"

Nanlaki ang mga mata nya sa biglaang tanong ko.

"Bakit mo naman nasabi yan bes?" Tanong nya pabalik.

"Hays, pakiramdam ko kase bes may iba na sya eh. Palagi nalang syang busy. Kapag Tinatawagan ko naman sya busy ang line nya. Minsan kapag ka-text ko sya hindi sya nag rereply." Paliwanag ko.

"Ano ka ba naman bes. Wag ka ngang mag isip ng ganyan." Natatawa kunwareng sabi nya.

——

"Babe sorry." Agad akong napatingin kay Keith ng magsalita sya.

"Para saan naman babe?" Natatawang tanong ko sakanya.

"Hindi matutuloy yung date natin ngayon eh. May gagawin pa kase akong power point." Pagdadahilan nya.

"Okay lang babe may next time pa naman eh." Pilit ang ngiting sabi ko.

Hinalikan nya ang noo ko saka umalis.

Dalawang linggo na syang ganyan. Gusto ko mang alamin kung ano ba talaga ang dahilan pero alam ko naman na magkukusa sya.

Kahit sunduin ay hindi nya na magawa. Halos dalawa o tatlong text at isang tawag nalang ang natatanggap ko galing sakanya sa isang araw.

One Shot CollectionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon