Laban o Paalam?

1.1K 24 0
                                    

Title: Laban o Paalam?

"Magkakaroon tayo ng debate. Simula sa row na ito hanggang sa gitna ang group 1 at ang natitira pang iba ay ang magiging group two." Anunsyo ng aming guro sa Filipino.

Sa pangalawang pangkat ako. Ipinabilog namin ang mga upuan upang magakapagusap kami ng maayos ng mga kagroupo ko.

"Ang Topic ay LABAN o PAALAM." Dagdag pa nito.

Halos lahat ng estudyante ay naghiyawan. Halatang excited na sila sa mangyayare.

"Dedepensahan ng unang pangkat ang LABAN, habang sa kabilang banda naman ang PAALAM. Pumili na kayo unang dedepensa sa salitang ipaglalaban n'yo." Mas lumapit saakin ang ibang kagroupo ko.

"Ayoko muna. Sa huli nalang ako, wala akong ganang makipagtalo ngayon." Walang ganang sabi ko sakanila.

Nakita ko ang pagkadismaya sa mga mukha nila.

Nagsimula na ang debate naunang dumipensa ang kabilang groupo. Batuhan ng mga salita. Ang ilan ay humuhugot pa.

Ginanahan ako dahil sa mga hugot na pinagsasabi nila. Tawanan ang mas namutawi habang nagaganap ang pagdedebate.

"Para sa huling banat. Piliin nyo ang pinakamagaling sa groupo nyo." Anunsyo ng guro namin.

"Ikaw na Veenice! Ipanalo mo ahh!" Sabi ng isa sa mga kagroupo ko.

Imbis na sumagot sakanya ay tumayo na ako habang nakangiti pa.

Nagpalakpakan at hiyawan ang mga kagroupo ko. Mas lalong lumakas iyon ng tumayo na rin ang panlaban ng kabilang groupo.

Nawala ang ngiti ko ng makita kung sino ang panlaban ng kabilang groupo.

"Woooooh!"
"Tamang tama!"
"Muling ibalik ang tamis ng pagibig~"
"Sana ollll"

Hiyawan nila.

"Huling banat para sa unang pangkat." Nagtawanan sila dahil sa sinabi ng aming guro. Ang tono nya ay pareho ng sa fliptop battle.

Pero imbis na matawa ay mas pinili kong yumuko nalang.

Masyadong mapaglaro ang tadhana. Buruin mo sa dami ng pwedeng makalaban ko ay ang tao pang dahilan ng pagkawasak ko.

Napailing ako dahil sa aking naisip. Ng mag angat ako ng tingin ay nakatingin na silang lahat saakin. Hindi ko namalayan ang pagtahimik nila. Tsk

"LABAN, mas pipiliin kong lumaban kahit na alam kong sa huli ako parin ang masasaktan, mas pipiliin kong lumaban kesa sa walang gawin at hayaan nalang na mawala saakin ang isang bagay. Mas pipiliin kong ipaglaban kung ano ang saakin at mas pipiliin kong lumaban kesa sumuko ng wala pang napapatunayan."

Ang kapal. Akala mo talaga lumaban s'ya para saaming dalawa. Duwag ka Christian. Duwag ka.

Napangiti ako ng mapait.

Hiyawan, palakpakan at tawanan ang bumalot sa loob ng classroom namin.

"PAALAM, hindi sa lahat ng bagay kailangan mong lumaban. Hindi lahat ng bagay kailangan mong ipaglaban. Tao lang tayo, nasasaktan, mahihirapan at napapagod. Mas pipiliin ko nang magpaalam dahil kahit anong laban pa ang gawin mo kung talagang ayaw na nya kailangan mo ng magpaalam. Kailangan mo ng sumuko. Dahil kung iisa lang ang lumalaban wala itong patutunguhan."

Sa huli. Naitawid ko ng maayos ang pakikipaglaban sakanya.

Tiningnan ko na parang wala lang sya sakin, na parang hindi ko sya kilala. Tingin na nagpapakitang wala na akong nararamdaman para sakanya.

END.

One Shot CollectionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon