Pangarap lang kita.

43.2K 109 8
                                    

"Bee, aalis muna ako." Paalam ko sakanya.

"Sige Bee, papasok na rin ako sa trabaho."

Ngumiti na lamang ako saka naglakad paalis.

Ako nga pala si Winly. Isang lalaki na may napakataas na pangarap. Sa dami na ng mga naabot ko ito ang pinakamahirap na abutin.

Hindi ako tulad ng ibang lalaki sa teleserye o sa mga love story. Mataba ako pero kahit na ganon ay may isang tao na nagpapahalaga saakin.

Yun ay si Andrea. Bee ang tawagan namin. Maganda sya, simple at matalino. Maganda ang pangangatawan nya hindi gaya ko na mataba.

Bata pa lang kami napaka-lapit na namin sa isa't isa.

Patuloy lang ako sa paglalakad papunta sa department store.

Bibili ako ng mga gamit na kailangan para sa isang munting surpresa namin para kay Andrea.

"Oy! Anong ginagawa mo rito?" Tanong sakin ni Wiez. (Isa sa kasama sa pag surpresa kay Andrea.)

"Bibili ng mga gamit na kailangan para bukas." Sagot ko kanya.

"Ah sige bro, kita nalang tayo bukas." Tinapik nya ako sa braso saka nag lakad palayo.

———————————

; Bee, di na muna ako makakauwi. Nag overtime kase ako sa trabaho. Ikaw na ang bahala sa bahay.'

           —Andrea—

Basa ko sa sulat na nasa lamesa ng sala.
Agad kong inilapag ang mga pinamili ko sa sala.

Hindi pa man ako nakakapag pahinga ay tumungo na ako sa kusina, ipagluluto ko sya ng pagkain para di sya magutom habang nagtatrabaho.

"Manong, kay Andrea Cruz ho." Sabi ko sa security na nandon.

Ini-abot ko sakanya ang babaonan na dala ko saka bumalik na ng bahay.

Pagpasok ko sa bahay ay nahagip ng mata ko ang isang photo album.

Napangiti ako saka kinuha 'yon.

Isa-isa kong tiningnan ang mga litrato. 10 yrs old pa lang kami ni Andrea rito.

Ito ang pinakauna naming litrato. Sinusubuan nya ako ng fries at ako naman ay inilalayo sakanya ang mukha ko para di makain ang fries na pinuno nya ng ketchup.

Halos lahat ng litrato namin ay nandito. Simula bata hanggang sa pag graduate namin ng college.

——————————

"Okay na ba lahat?" Tanong ko sa mga tumulong sakin na mag ayos ng pang surpresa kay Andrea.

"Okay na okay." Naka thumbs up pang sagot nila.

Napatingin ako sa paligid. A perfect romantic place for proposing.

"Pre." Tawag sakin ni Wiez saka nakipag kamay.

"Asan na si Andrea?" Tanong ko.

"Papunta na raw."

"Mag ayos na kayo, papunta na daw si Andrea." Sabi ko sa mga kasamahan ko.

Tumungo na ako sa upuan na nasa side. Kinuha ko ang gitara habang hinihintay ang senyas ni Wiez.

SANA MAGUSTUHAN N'YA 'TO.

Nakita ko na nag senyas na si Wiez, kaya nagumpisa na akong mag strum ng gitara.

'Sabi nila
Balang araw darating
Ang i'yong tanging hinihiling
At nung dumating
Ang aking panalangin
Ay hindi na maikubli'

Pagkapasok ni Andrea ay nahinto sya sa paglalakad. Napatakip sya ng bibig dahil sa gulat.

Napangiti ako ng bahagya. Ang ganda nya talaga.

Kitang kita sa mukha nya na ano mang oras ay iiyak na sya.

Inilapag ko ang gitara pagkatapos kong kantahin ang chorus.

Lumapit ako sakanya. Bakas na bakas sa mukha nya na sobrang pagkagulat.

Bigla nya akong niyakap. Niyakap ko sya pabalik hanggang sa maramdaman ko na nababasa na ng luha nya ang damit ko.

"Wag kang umiyak. Simula palang 'to." Kumalas sya sa pagkakayakap sakin saka ako pinalo sa braso.

"Thank you Bee, thank you." Sabi nya saka pinunas ang luha na nagbabadya nanamang tumulo.

"Mamaya ka na umiyak."

Hinawakan ko ang kamay nya saka iginaya papunta kay Wiez.

"Pre. Alagaan mo 'tong bespren ko ah! Mahal na mahal ko yan." Sabi ko kay Wiez saka ibinigay sakanya ang kamay ni Andrea.

"Shempre naman pre, ako pa. Makakaasa ka sakin."

Kinuha ko uli ang gitara saka nagsimulang mag strum.

Habang sila naman ay pumunta sa gitna at sumayaw.

Another day without your smile
Another day just passes by now
I know how much it means for you to
Stay right there with me
The time was spend apart well
Make our love grow stronger
But it hurts so bad I can't take it
Any longer

Mapait akong napangiti.

I wanna grow old with you
I wanna die lying in your arms
I wanna grow old with you
I wanna be looking in your eyes
I wanna be there for you
Sharing in everything you do
I wanna grow old with you

Saktong malapit na ulit mag chorus ng biglang lumuhod si Wiez sa harap ni Andrea.

I wanna grow old with you
I wanna die lying in your arms
I wanna grow old with you
I wanna be looking in your eyes
I wanna be there for you
Sharing in everything you do
I wanna grow old with you

"Will you marry me, Andrea Cruz?"

"YES. YES I WILL MARRY YOU!" Umiiyak na sagot ni Andrea.

Masakit na makita s'yang masaya sa piling ng iba, pero alam ko na mas sasaya sya kay Wiez. Ayos na sakin kahit hanggang kaibigan lang ako para sakanya. Ang mahalaga nasa tabi n'ya lang ako para alagaan at protektahan s'ya.

Winly man ang pangalan ko. Nabigo parin akong makuha ang taong pinapangarap ko.

Sa 7 billion na tao sa mundo, kahit na iisa lang s'yang hindi nakuha ng puso ko. Pakiramdam ko wala nang taong maglalakas loob  para mahalin ako katulad ng pagmamahal na pinaramdam nya sakin.

Kahit gaano kataas na yung naabot ko, hindi ko parin nakamit ang pinaka pinapangarap ko, yun ay ang mahalin mo rin ako, Andrea.

Tama nga ako. PANGARAP NGA LANG KITA.

One Shot CollectionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon