01

440 11 9
                                    

"NASAAN si Lavriel?"

Tanong ko sa mga nag-aayos ng condo kung saan ako titira.

Hindi kalakihan ang condo sakto lang para sa'kin. Kumpleto na rin ang mga gamit na ngayon ay inaayos ng mga maintenance rito sa condo.

Kakauwi ko lang ngayon galing hospital, excited pa 'kong umuwi dahil akala ko ay makikita syang narito. Hindi naman pala.

"Hindi ho namin alam, Ma'am. Inutusan nya lang ho kami kagabi na ayusin na ang mga gamit nyo rito." Sagot ng isa sa kanila na nag-aayos ng mga furnitures sa sala. Tatlo sila at may kanya-kanyang ginagawa.

Kinuha ko ang cellphone ko ska sinubukang tawagan si Lavriel, pero hindi nya sinasagot. Galit ba sya sa'kin? Halos isang linggo na nang huli kaming magkita. Miss na miss ko na sya.

"Busy ho ata 'yon, Ma'am dahil birthday ng asawa nyang si Ma'am Caia." Biglang sabat ng isa sa kanila.

Tipid lang akong ngumiti ska nagtungo na sa kwarto ko, sinara ko ang pinto at ni-lock 'yon. Sumandal ako sa pituan at kinagat ang pang-ibabang labi, sinusubukang pigilan ang luhang nag-uunahan nang bumagsak.

"Birthday pala ng asawa nya ngayon tapos hindi manlang nya 'ko naisip na imbitahin?" Hindi ko maiwasang makaramdam ng inis.

Nagsasaya sila habang ako mag-isa at umiiyak?

Marahas kong pinunasan ang luha ko ska naghanap ng pwedeng damit na masuot. Buti nalang at may mga magagandang damit ang binigay sa'kin ng ate ko.

Simpleng black dress lang 'yon at sleeveless, hanggang hita ang haba at nakukurba ang katawan ko. Dalawang buwan palang ang tiyan ko kaya hindi pa masyadong halata.

Umalis ako ng condo nang hindi napapansin ng mga maintenance na nag-aayos.

Mabilis akong nakarating sa bahay nila, alam ko dahil isang beses na 'kong nakarating dito. Pinapasok din ako ng guard dahil kilala nya 'ko.

Nang makapasok ako ay tumambad ang napakalaki nilang bahay, may malaking garahe at maraming kotseng nakaparada. May sariling pool, may malaking fountain sa gitna at magarbong hardin.

May mga taong naghahanda at nag-aayos, may mini stage na ginagawa sa bandang hardin. Doon siguro gaganapin ang birthday ng asawa nya.

Nilibot ko pa ang paningin ko upang hanapin sya at hindi ako nabigo, nakita ko syang nakikipag-usap sa isang staff na para bang may itinuturo rito.

Hinawi ko ang buhok ko at bahagyang inayos ang damit bago sya lapitan. "Lav.."

Sabay silang napatingin sa'kin ngunit ang mga mata ko ay na kay Lavriel lang. Lumunok ako at mahinang tumawa. "Kuya Lavriel."

"Kzea?" His forehead creased. "Anong ginagawa mo rito?" Nagtataka nyang tanong, may bahid ng inis. Binalingan nya ang kausap at sinabihang umalis na at mamaya nalang. "Follow me," Utos nya na parang nagtitimpi bago ako talikuran at maglakad.

Sinundan ko sya hanggang sa makarating kami sa bahaging likod ng bahay nila. He then turned to me, disgusting.

"Anong kailangan mo?" Tanong nya agad ska bumaba ang tingin sa tiyan ko. "Hindi ba maselan nga ang pagbubuntis mo, alagaan mo naman ang anak ko!" Pabulong nyang sigaw.

Bahagya akong napayuko, nanlalabo na ang mga mata ko dahil sa nagbabadyang luha. Pagdating talaga sa kanya ang bilis kong manghina."Gusto ko lang naman kitang makita-"

"I don't want to see you then!" Putol nya sa sinasabi ko. "Kung manggugulo ka lang din naman sa birthday ng asawa ko, umalis kana!"

Umangat ang tingin ko sa kanya ska sinubukang hawakan ang kamay nya pero marahas nyang iniwas ang kamay ko. "Leave, Kzea! Don't ruin my wife's party for fuck sake!" He bursts out made me flinch a little.

"Lavriel?"

Kapwa kaming napalingon sa nagsalita sa likod, para akong nanlamig at nabalot ng inis at kaba nang makita ko sya.

"Ate Caia.."

HER SINFUL DESIRE [COMPLETED]Where stories live. Discover now