13

257 9 0
                                    

"IT'S a boy! Congratulations!"

Hindi maitago ang saya sa mukha ni Lavriel nang malaman namin ang gender ng baby namin. Sabado ngayon at walang pasok, sakto sa schedule namin sa hospital.

Para kaming masayang mag-asawa nang hindi namin mapigilang mapayakap sa isa't-isa. Nagulat nalang din ako nang maramdamang basa ang balikat ko, gumagalaw din ang balikat ni Lavriel.

Umiiyak sya..

"Lav...?" Hinagod ko ang likod nya upang mapatahan. Umalis ang doctor upang bigyan kami ng privacy.

"Thank you, Kzea. Thank you," Garalgal nyang sabi, ramdam ko ang bawat paghikbi nya sa balikat ko habang nakayakap sa'kin.

Parang may humaplos sa puso ko sa isiping natupad na ang pangarap nya, pangarap nyang magka-anak.

Pangarap nya na hindi kayang maibigay ni Caia. Pakiramdam ko, ako talaga ang asawa nya. Sobrang sama ko na ba kung sasabihin kong masaya ko na baog si Caia? Na tama lang 'tong ginagawa ko.

Na mas deserve ko si Lavriel, kaysa sa kanya. Mas deserve ako ni Lavriel.

"LAVRIEL, ang dami na nyan." Natatawa kong puna sa kanya nang makitang ang dami nyang nilalagay na Branded baby milks sa cart namin, halos mapuno na.

May dalawang lalaki kaming kasama, sabi nya mga tauhan nya raw 'yon. Sila ang umaalalay sa'min at nagtutulak ng cart.

Habang si Lavriel ay nakapulupot ang kamay sa beywang ko, hindi ako hinahayaang malayo sa kanya habang kumukuha ng mga gusto nyang bilhin para sa baby namin.

Madalas nya na ring hinahaplos ang tiyan ko, maumbok na 'yon at halatang-halata na.

"How about you, what do you want?" Nakangiting tanong nya sa'kin pagkatapos ilagay ang iba pa nyang kinuha, hindi pinansin ang puna ko.

Ngumuso ako habang nag-iisip ng gusto, bumaba naman ang tingin nya sa labi ko ska umiwas ng tingin, nahuli ko pa ang sunod-sunod nyang paglunok.

"Gusto kong magluto tayo ng sisig, Lav." Kumapit ako sa braso nya. "Gusto ko no'n, please?"

Nang bumaling sa'kin ay ilang segundo syang natigilan, parang may kunting kirot akong narandaman sa dibdib nang mapansing nanunubig ang mga mata nya.

"Lav? Bakit?" Nagtataka kong tanong sa kanya, nag-aalala. "May nasabi ba 'kong masama? Ayaw mo ba no'n?"

He was about to answer when his phone suddenly beeped, kumalas ako sa braso nya nang kunin nya sa bulsa ang phone.

"I'll just take this call," Paalam nya at bahagyang lumayo sa'kin.

Tumango ako kahit hindi nya na nakita, inabala ko naman ang sarili sa pagpili ng pang baby na damit.

Ngunit napapatigil din ako dahil kahit malayo ay naririnig ko ang sinasabi nya sa telepono.

"Yes, Wife. Yeah.. We're okay.. Yes, she's fine.. Take care.. I miss you too.. Love you, wife."

Marahas kong pinahid ang nakatakas na luha mula sa gilid ng mata ko. Simpleng pag-uusap lang nila ay ang sakit-sakit na sa pandinig.

Ganito ko na ba talaga sya kamahal, para masaktan ako ng ganito dahil lang simpleng mga kataga na 'yon?

Huminga ako ng malalim ska hinaplos ang tiyan ko, "Magpapakatatag ako para sa'tin, baby. Kahit mali, aagawin ko sya."

Tutal nasimulan ko na rin naman, ipagpapatuloy ko na.

HER SINFUL DESIRE [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon