04

281 9 0
                                    

"GRABE ang kakapalan ng mukha mo, Zea! Pang out of this world!"

Ythia, my friend, exlaimed after I told her what was happened.

Sumimsim ako sa grapes flavored juice ko bago sya sagutin. Gusto ko sana ng kahit wine lang kaso mahigpit na pinagbawal ni Caia kanina.

"Yes, I admit." Walang pake na sagot ko ska nagkibit balikat.

Alam nya lahat ng kadramahan sa buhay ko, sa kanya ko lahat sinasabi.

Nandito kami sa balkonahe ng bago kong kwarto dito sa bahay ni Lavriel at Caia. Kitang-kita rito ang nagaganap na party sa baba kung saan dinaos ang magarbong kaarawan ng kapatid ko.

Matamis at masarap ang lasa ng juice pero pakiramdam ko ay sobrang pait habang pinapanood ko ang masayang mukha ng dalawa sa stage.

Nakapulupot ang mga kamay ni Lavriel sa beywang ni Caia na para bang ayaw na malayo rito kahit na isang dangkal lang, masayang-masaya sila, makikita sa mga mata nila ang bakas ng pagmamahal sa isa't-isa.

Bwiset.

Tumalikod ako at nilisan ang balkonahe ska padabog na umupo sa gilid ng kama. Hindi ako dapat mainis kay Caia ngayon dahil sya ang dahilan kung bakit simula ngayon ay dito na'ko titira sa bahay nila.

Gusto pang tumutol kanina ni Lavriel pero mas nanaig ang desisyon ni Caia, para raw mas lalo akong matutukan, aba dapat lang!

"Alam ko 'yang itsurang 'yan, may pinaplano ka 'no?" Akusa ni Ythia nang maupo sa tabi ko.

Nginisian ko naman sya kaya mas lalong nanlaki ang mga mata nya. "Kzea.. Ano 'yan, ha? Don't tell me, bababa ka at guguluhin mo ang party ng kapatid mo?"

Wala naman akong planong gano'n pero parang nagustuhan ko ang ideyang 'yon.

"Hoy, Kzea! Kinakabahan ako sayo, matulog kana nga! Masama sa buntis ang magpuyat." Paalala nya ska umirap pa.

"Sa tingin mo makakatulog ako habang sila ay nagsasasaya sa baba?" Inimbitahan naman nila 'ko ro'n pero tumanggi ako dahil ayokong pagtinginan at pag-usapan ng mga tao.

Karamihan ng mga bisita ay kaibigan ni Caia, kilala naman nila 'ko pero hindi nila alam na dinadala ko ang anak ni Caia at asawa nito, ano nalang ang iisipin nila? Ayokong pag-usapan ang kapatid 'ko. Siguradong pagch-chismisan nilang baog si Caia.

"Kzea, itigil mo na nga 'yang imahinasyon mo, anong gagawin mo, ha? Gusto mo bang magalit sayo si Caia? Masisira ang-"

"Joke lang," Mahina akong tumawa ska humiga na. "Nagbibiro lang ako, wala akong gagawing masama dahil alam kong makakasama 'yon sa anak namin ni Lavriel."

Wala sa sariling napangiti ako sa dahil sa paraan ng pagkakasabi ko, ang sarap sa pandinig. 'Anak namin ni Lavriel'

Siguro mas masarap pakinggan 'yon kung kay Lav manggagaling.

Nagtulog-tulugan ako hanggang sa makaalis na si Ythia sa kwarto ko. Gabi na at wala na ring masyadong ingay sa labas. Tapos na ang party.

Bumangon ako at sumulyap sa balkonahe. Wala na roon sila Caia at Lavriel. Lumabas ako ng kwarto at tinahak ang silid ng dalawa.

Huminga ako ng malalim ska kinuha ang maliit na pabango sa bulsa ko, nag-spray ako sa leeg at dibdib ska itinago uli sa bulsa.

Hinawi ko ang buhok ko ska humakbang papalapit sa pintuan nila, pinihit ko ang door knob at bukas 'yon.

Maliit na uwang palang ang nakikita ko nang makarinig ako ng mga ungol.

"Oh! Lavriel! Please, huwag kang tumigil! Ang sarap!"

Binalot ako ng inis at nanghina ang mga tuhod ko nang mapagtanto kung ano ang ginagawa nila. Ang mga luha ko ay kusa nang bumabagsak.

Bawat ungol nila sa loob ay parang paulit-ulit na sinusuntok ang dibdib ko.

Naikuyom ko ang kamay dahil sa namumuo nang galit at hinanakit. Halos maibaon ko ang kuko sa sarili kong kamay.

Sumalampak ako sa sahig na sigurado akong nagkaroon ng ingay bago malakas na tumili.

"Ah! Help! 'Yung baby ko!"

HER SINFUL DESIRE [COMPLETED]Unde poveștirile trăiesc. Descoperă acum