12

253 9 0
                                    

"ARE you okay?"

Nag-aalalang tanong ni Lavriel pagkabalik nya sa'kin sa maliit na kubo, kagigising ko lang at pakiramdam ko may nakatingin sa'kin, kaya palinga-linga ako at hindi mapakali.

Wala sa sariling napayakap ako sa kanya nang umupo sya sa tabi ko, inaasahan kong itutulak nya 'ko pero hinayaan nya lang akong yakapin sya. Naramdaman ko pa ang marahan nyang paghagod sa likod.

"What's wrong?" Nagtataka at may halong pag-aalala sa tono ng boses nya.

"Natatakot ako, Lavriel, may nakamasid sa'kin," Nanginig ang boses ko.

Open kase ang kubo na ito at kitang-kita sa labas kung ano ang ginagawa ng nasa loob.

Marahan nya 'kong inalayo sa kanya para makita ang mukha ko. Luminga-linga rin sya bago ibigay sa'kin ang buong atensyon.

"You were just dreaming, tayo nalang ang narito at si Mang Haime." Sagot nya ska inabot ang kamay ko at pinisil 'yon. "Let's go home?"

Tumango nalang ako at hindi na nagsalita pa, siguro nga ay naalimpungatan lang ako o nananaginip kanina.
Pero nang paalis na kami ay alam kong hindi ako namamalikmata o nananaginip. Habang nagpapaalam sa isa't-isa sila Lavriel at Mang Haime ay nahagip ng mata ko ang isang tao na nakasuot ng puti.

Mabilis syang nagtago sa isang puno nang makita ko sya, hindi ko alam kung babae ba sya o lalaki dahil naka mask at nasa madilim na bahagi.

Napahawak ako sa dibdib ko nang makaramdam ng kaba.

Sino 'yon?

Nawala lamang ang kaba ko nang hawakan ni Lavriel ang kamay ko. "Let's go?"

I just nodded and we both left the farm.

"LAVRIEL, nilalamig ako."

Akmang aalis si Lavriel sa kwarto ko nang magsalita ako bigla.

Gabi na ng makauwi kami ng bahay, kinain ko pa ang ilan sa mga strawberries. Pagkatapos nya 'kong painumin ng gatas at vitamins ay dinala nya na 'ko sa kwarto ko.

Seryoso nyang sinuklay ang buhok bago ako balingan. "Do you want me to turn off the aircon?" Tanong nya ska nilapitan ako uli para ayusin ang kumot na nakabalot sa'kin."Are you cold?"

Umiling ako, "Pwede bang tabi tayo matulog?"

Ilang segundo syang tumititig sa'kin bago magsalita akala ko ay tatanggi sya pero iba ang ginawa nya. "Fine. Until you fall asleep."

Bahagya pa 'kong natulala dahil do'n hanggang sa tumabi sya sa'kin at tanggalin ang kumot para kumutan din ang sarili.

Napapikit ako ng maramdaman ang paghaplos nya sa buhok ko. "Sleep tight, Kzea." He said in a sweet voice.

Naramdaman ko ang pagdaloy ng mainit na likido pababa sa pisngi ko nang marinig ko ang kakaibang boses nya. "Lav.."

"Yes, Love?"

HER SINFUL DESIRE [COMPLETED]Where stories live. Discover now