14

263 9 0
                                    

"SIGURADONG matutuwa si Ma'am Caia, kapag nalaman nya!"

Peke akong napangiti nang banggitin ni Manang Dayana ang pangalan ng kapatid ko. Ang saya-saya na bakit kailangan nya pang banggitin?

Kakauwi lang namin ni Lavriel galing sa pamimili, halos napuno ang van na dala namin dahil sa rami ng nabili ni Lav. Malayo pa naman ang due date ko pero handang-handa na lahat ng mga kailangan ni Baby.

Pati na rin ng mga kailangan ko ay binili nya, sobrang saya ko, pakiramdam ko may pangarap akong natupad. At si Lavriel ang nagtupad ng pangarap na 'yon.

I love him so much and now my final decision is to get him, to make him fall in love with me. I'll do everything just to make him mine. Only mine.

"Alam mo manang, ang saya-saya kanina ni Lavriel. Ang sarap nyang pagmasdan kapag masaya, sana lagi syang gano'n." Pag-iiba ko ng usapan, hindi pinansin ang sinabi nya.

Nilapag nya ang gatas na tinimpla para sa'kin at lumapit upang haplosin ang buhok ko. "Kaya huwag mong pababayaan ang sarili mo, ha? Para sainyo ng baby nyo. Lagi kang iinom ng gamot para gumaling kana."

Bahagyang nagsalubong ang kilay ko dahil sa sinabi nya. "Para gumaling ako?" Mahina akong natawa. "Wala naman po akong sakit, Manang."

Saglit syang natigilan, hindi agad nakasagot. May bakas ng awa sa mga mata nya habang nakatitig sa'kin.

"Ah, iniisip nyo po ba 'yung kadalasang pananakit ng likod at balakang ko? Ayos lang po ako, normal lang daw po 'yon sabi ng Doctor. Nakakasanayan ko na rin naman. Huwag na po kayong mag-alala." I gave her an assuring smile.

Nagpakawala sya ng malalim na paghinga ska ngumiti uli, "Mabuti naman," Ska ako niyakap.

Nang maghiwalay kami ay nagpaturo ako sa kanya kung paano magluto ng sisig. Si Lavriel kase, nasa kwarto nya, kasalukuyan syang nagwo-work from home katulad ng sinabi ni Caia.

Gusto ko sanang dalawa kaming magluto kaso narinig kong importante 'yon kaya hindi ko na sya pinilit. Nangako naman sya na madali lang 'yon at sabay kaming kakain.

"Ang sarap, Manang!" Tili ko at napatalon pa pagkatapos kong matikman ang sisig na niluto ko. Actually, taga lagay lang ako ng mga sangkap habang si Manang Dayana ang nagsasabi sa'kin kung paano gawin.

"Naku, Ma'am. Huwag ho kayong tumalon!" Naalarma agad si Manang pagkatapos ay inagaw sa'kin ang sandok at pinaupo ako.

I just giggled. "Manang, gusto ko nang ipatikim 'yan kay Lavriel!" I said excitedly.

Siguradong gutom at pagod na si Lav.

"Oh, sige. Dyan ka lang, ako na ang maghahanda, ha?" Wika ni Manang na may ngiti sa labi.

Katulad ng sinabi nya, sya ang naglagay ng mga pagkain sa isang tray. Sinabi kong dadalhan ko si Lavriel sa kwarto nya at sabay kaming kakain.

"Ma'am, dahan-dahan lang, ha? Diyos ko," Nagaalalang paalala nya habang paakyat ako ng hagdan.

"Okay lang ako, Manang. Sige na po, bumalik na kayo sa kusina." Sabi ko sa kanya, nag-aalalangan pa sya pero dumiretso na 'ko sa pag-akyat habang dala ang tray kung nasaan ang mga pagkain.

Nakauwang ang pinto ng kwarto nya pero nagpasya parin akong kumatok. Pero hindi natuloy nang marinig ko ang boses ni Lavriel.

"The papers are all fixed. Once na makapanganak sya, ipadadala na sya sa states."

HER SINFUL DESIRE [COMPLETED]Where stories live. Discover now