02

330 10 8
                                    

"PLEASE, Kzea. Ikaw lang ang gusto ko, sayo lang ako may tiwala."

Umiwas ako ng tingin habang pino-proseso sa isip kung ano ang hinihiling ng kapatid ko.

She wants me to be the surrogate mother of her child!

Matagal na syang kasal at hindi sila magkaroon ng anak ng asawa nya dahil may diperensya ang matres nya, kaya ngayon ay gusto nya 'kong gamitin para magkaroon sila ng anak.

"Bakit hindi ka nalang mag ampon, Ate?" Suhestiyon ko.

Huminga sya ng malalim habang hawak ang mga kamay ko, "Kzea, ayoko. Ayaw din ni Lavriel. Gusto nya na.. Sa kanya mismo. Gusto nyang anak nya talaga. Please, Kzea. Pumayag kana. Matagal nya nang pangarap na magkaroon ng anak, bagay na hindi ko kayang ibigay," Namungay ang mga mata nya at binalot ng tubig. "Please, Kzea. Ngayon lang ako humingi ng pabor sayo, pagbigyan mo na 'ko."

"Ate," Napailing-iling ako, hindi parin sang-ayon sa gusto nya. "Kung mahal ka ng asawa mo, kahit wala kayong anak, makukuntento sya. Tatanggapin nya na hindi mo kayang ibigay ang gusto nya, tatanggapin nya para sayo."

"Kzea!" Tuluyan na syang napaiyak kaya nataranta 'ko, pursigido talaga sya. "Tanggap nya naman e! Pero kahit gano'n, ramdam kong masakit para sa kanya. Mahal na mahal ko sya, gusto kong ibigay ang nag-iisang pangarap nya at mabibigay ko lang 'yon sa tulong mo, please, Kzea." May pagsusumamo sa mga mata nya.

Imbis na sumagot ay niyakap ko na lamang sya. Hindi ko sya tunay na kapatid dahil isa lang akong ampon, napaka bait nya sa'kin at never nyang ipinaramdam na ibang tao ako.

Ngayon lang sya humiling ng ganito, kaya ano pang pagpipilian ko? Namatay na ang mga magulang nya na tinuring ko na ring magulang, dahil sa hindi inaasahang aksidente ilang buwan lang ang nakararaan. Sya nalang ang nag-iisa kong kamag-anak. Hindi ko kayang makitang nasasaktan sya.

Pumayag ako sa gusto nya.

Noong una, ayaw na ayaw ko talaga sa ideya na 'yon, basta pakiramdam ko may mangyayaring hindi maganda oras na pumasok ako sa buhay nilang mag-asawa.

At hindi nga ako nagkamali. Unang beses kong nakita ang asawa ni Ate Caia, parang nag slow motion ang paligid. Naramdaman ko ang kakaibang kaba nang magtagpo ang mga mata namin. Kabang sa kanya ko lang naramdaman. Gusto ko na syang laging nakikita at nakakasama.

Mabait sya, gwapo, maganda ang pangangatawan, matalino at mayaman. Bagay na bagay sila ni Caia. Pero tuwing iisipin ko 'yon ay nakakaramdam ako ng inis at galit. Tuwing makikita ko ang mga tingin nya kay Caia, nilalamon ako ng selos.

Ilang beses kong iniwasan. Ilang beses kong pinigilan.

Pero hindi talaga, habang patagal nang patagal na nakakasama ko sya, mas lalo akong nahuhulog. Never ko 'tong naramdaman sa isang lalaki, sa kanya lang.

"What's happening here?"

Nabalik ako sa reyalidad nang hawakan ako ni Ate Caia sa braso at hinaplos ang buhok ko. Ang galit na mukha ni Lavriel kanina ay biglang umamo nang balingan nya si Caia.

Irritation quickly filleds my whole system.

Gusto ko ring tignan nya 'ko ng gano'n.

"Nothing, wife." He sweetly answered to her made my heart clench.

"Really?" Parang hindi sang-ayon si Caia nang balingan ako. "Kanina ka pa ba? Hindi mo sinabi na pupunta ka rito? I thought you're still in the hospital?"

Sunod-sunod nyang tanong. Pilit akong ngumiti ska saglit na tinapunan ng tingin si Lavriel bago sumagot.

"Si Lavriel kase, kailangan sya ng baby namin." I replied meaningfully.

HER SINFUL DESIRE [COMPLETED]Where stories live. Discover now